“Good morning, love.” bungad sa akin ni Rio nang pumasok ito sa apartment, kasalukuyan akong nasa kitchen kaya naman niyakap ako nito sa likuran at ipinahinga ang baba niya sa balikat ko. Napapitlag pa ako nang amuyin niya ang leeg ko at halikan iyon ng bahagya. “I didn’t know you’re coming. Wala kang work?” tanong ko bago ilipat ang pinrito kong itlog sa pinggan. “No, so I will stay over.” aniya kaya napalingon ako. Damn it, why now? “Love, may meeting ako with Quatro today. Uumpisahan na namin ang paggawa ng manuscript since natapos na kami sa outline.” kumalas siya sa pagyakap sa akin kaya naman tinanggal ko na ang suot kong apron at humarap sa kanya ng maayos. “Just invite him over.” “What?” tumaas ang kilay ko. “What’s wrong? Pwede niyo naman gawin dito since nandito ako.” Nagki

