bc

January For August (Class Picture Series)

book_age12+
448
FOLLOW
1.1K
READ
fated
goodgirl
drama
sweet
bxg
highschool
small town
classmates
like
intro-logo
Blurb

"Alisin mo sa isip mo na kaya lang ako nakipaglapit ay para makuha ang gusto ko sa iyo. Hindi pampisikal lang ang hangad ko. I love you so much. I want to share the rest of my life with you."

Nakilala ni January si August nang um-attend siya sa reunion ng klase nila noong high school. Hindi niya inasahang ang binata ang magiging daan para matupad ang pangarap niya na maging isang singer.

August was one hell of a handsome guy. Napakabait din. At hindi maikakaila ang attraction nila sa isa't isa.

Ganoon na lang ang kasiyahang naramdaman ni January nang sa wakas ay magtapat si August ng pag-ibig sa kanya.

Akala niya, hindi magkakaroon ng gusot sa kanilang relasyon. Hanggang sa sumulpot ang isang babae na nagsasabing paglalaruan lang siya ni August.

chap-preview
Free preview
1
“AMOR, ang laki-laki na ng tiyan mo. Hindi kaya manganganak ka na niyan?” komento ni Fatima Mae. Ngumiti si Amor at hinimas ang maumbok nang tiyan. “Anong manganganak? Sa January pa nga ang due ko, sabi ng doktor.” “January? Hindi ba’t sabi mo dati December?” “Well, iyon din ang akala ko. Pero mabuti nga at January. At least, hindi na nag-aalala si Joel. Alam mo naman iyon, over sa concern kapag itong anak na namin ang pinag-uusapan.” “Nakakapagtaka pa ba iyan? Si Alejo din, ganyan din sa akin, eh.” Tinitigan niya si Fatima Mae. At sa ngiting ipinukol nito sa kanya ay hindi na niya kailangang manghula pa. “Buntis ka na rin, Ting?” Nangingislap ang mga mata na tumango ito. “Yes. At long last, nakabuo uli. Alam mo naman siguro na nakunan ako dati. Kaya si Alejo, kulang na lang iupo ako sa wheelchair. Halos ayaw na akong pakilusin.” Amor rolled her eyes. “Ang mga lalaki talaga, OA,” natatawang sabi niya. “Ano pa nga ba? Para namang wala na tayong magagawa kapag buntis. Alam mo ba, noong nalaman ni Alejo na buntis ako, kulang na lang ay ipa-cancel ang reunion natin next month. Baka raw ma-stress ako at makasama sa bata.” Napahalakhak siya. “Ganyan din si Joel. Ang laki na raw ng tiyan ko, baka raw mapaanak ako nang `di oras sa pag-aasikaso ng party. Ayoko nga. Ito na nga ang parang exercise ko since pumirmi ako rito sa Sierra Carmela.” “Exactly. Tumigil na muna ako sa pag-oopisina sa kompanya ni Papa. Kung hindi pa ako magiging busy sa pagpaplano ng reunion natin, baka makunan ako dahil sa boredom at hindi sa stress.” Hinagod din ng babae ang maliit pang tiyan. “Seriously, iniingatan ko rin naman itong ipinagbubuntis ko. Ten weeks pa lang ito. Nakaka-trauma din naman iyong nangyari sa akin dati. Ayoko nang makunan uli.” “Basta sundin mo ang lahat ng advice ng doktor at samahan mo ng prayers,” payo niya. “Mabuti na lang ako, walang problema sa pagbubuntis.” “Oo nga. Mukhang nagagawa mo pa ngang tumalon.” “Hindi naman. Exaggerated na iyon. O, kumusta ang mga kaklase natin? Marami na bang nag-respond sa mga ipinadala nating invitation?” Tumango si Fatima Mae. “Excited na nga ako, eh. Remember Lemuel and Joanna Marie? Hindi ba’t noong pinaplano natin itong reunion ay sila ang pinag-usapan natin? Aba’y sila rin pala ang nagkatuluyan.” “Talaga?” Natuwa si Amor. “Oo. Katatawag lang ni Joanna Marie. Darating daw sila. `Sus, ang dalawang iyon, pang-soap opera ang love story.” “Ikinuwento sa iyo?” “Hindi masyado, pahapyaw lang. Kapag nagkita-kita na lang daw tayo.” “Ting, sweetheart!” malakas na tawag ni Alejo pagpasok pa lang sa bahay. “We’re here! Nandito si Amor,” sagot ni Ting sa asawa. Nasa dining room sila at pinagsasaluhan ang inihanda nitong lasagna habang nag-uusap. Hinalikan ni Alejo si Ting bago bumaling sa kanya. “Si Joel?” “Inihatid lang ako rito,” sagot ni Amor. “Tamang-tama at nandito ka rin. May ipapakita ako sa inyo.” “Don’t tell me, wedding pictures nina Lemuel at Joanna Marie? Alam na po namin na nagkatuluyan sila. Tumawag dito si Joanna Marie kanina. Nag-confirm ng attendance nila para sa reunion.” Halatang nagulat si Alejo. “Totoo? Good.” Pagkasabi niyon ay inilatag nito sa bakanteng bahagi ng mesa ang dalang blueprint. “Look at this. Ilang araw ko ring ginawa ito.” Halos magkasabay silang tumingin ni Ting doon. “Sweetheart, may kontrata kang resort?” tanong ni Ting. Tumawa nang mahina si Alejo. “Sweetheart, hindi resort iyan. Mga cottages iyan na ipapatayo ko rito. As you can see, nasa beachfront ang mga iyan.” “Bakit?” tanong niya kahit may ideya nang naisip. Lumapad ang ngiti ni Alejo. “For the reunion.” “Alejo! You’re kidding!” bulalas ni Ting. “Magpapakapagod ba akong gumawa ng plano kung nagbibiro lang ako?” “Pero malaking gastos iyan, Alejo,” komento niya. “Nipa at kawayan lang naman ang mga iyan, saka kaunting kahoy at pako,” parang bale-walang sabi ng lalaki. “Walang hotel na matutuluyan ang ibang a-attend ng reunion. At saka matagal tayong hindi nagkita-kita, baka hindi nila gustuhing umalis agad. Mas mabuti nang may mga cottages na matutuluyan. Si August ang pamamahalain ko sa pagtatayo ng mga cottages.” “Sino iyon?” tanong niya. “Engineer niya sa firm. Halos kaedad lang natin kaya magkasundo sila,” sagot ni Ting. “Bakit nga pala hindi mo siya kasama ngayon? Nasanay na akong isinasama mo siya rito,” tanong nito sa asawa. “Lumuwas. Alam mo namang Manila boy iyon. But I already told him about this. Libre ang fee niya,” sagot ni Alejo na kumindat pa sa asawa. “How about the budget, Alejo?” seryosong tanong ni Ting pero nanunudyo ang mga mata. “Don’t worry. Kaunting budget lang iyan. Recycled ang marami sa mga gagamiting materyales. Mga kahoy na binaklas namin sa mga dating kontrata. Hindi na kailangan ang mga iyon. Puwede na naming gamitin.” “Well, if that’s the case, bakit pa ako kokontra?” ani Ting, saka yumakap sa baywang ni Alejo. “Gusto mo nang mag-merienda, sweetheart?” “Puwede bang ikaw ang merienda?” malambing na sagot naman ni Alejo. Exaggerated na umubo si Amor. “Sa palagay ko, kailangan ko nang umuwi,” biro niya. “Out of place na ako rito.” “Hey! Biro lang,” bawi ni Alejo. “Alam kong marami pa kayong pag-uusapan. Doon na muna ako sa kuwarto at magpapahinga sandali. Excuse me.” Tumalikod na ito. “Nakakahiya kay Alejo,” mahinang sabi ni Amor kay Ting. Ngumiti ito. “Hayaan mo siya. Hanggang lambing na lang naman siya ngayon. Postponed muna ang s*x life namin. Alam mo na, dahil dito sa baby.” Tumaas ang isang kilay niya. “At bakit? Puwede naman, ah?” “Sabi nga ng doktor. Pero choice namin na huwag na muna. You know, nakaka-trauma `yong miscarriage ko dati. Magtiis na lang daw muna kami pareho.” “I see,” nasabi na lang niya. “Ting, kung ganyang magtatayo pa ng cottages si Alejo sa paligid nitong bahay, ibig sabihin ay grand event na ang reunion natin sa halip na barbecue party lang gaya ng plano natin dati?” “Mukha nga.” “Well, wala namang problema sa budget ng pagkain. Since, si Joel ang nagma-manage ng supermarket, may ibang products na willing mag-sponsor sa reunion. Iyong soft drinks, libre na. Puwera pa `yong Monterey na ibibigay ng ahente nang mabalitaan ang tungkol sa barbeque party.” “Talaga? Eh, `di `yong budget natin, magagamit natin sa iba pang bagay. Puwede pa tayong magpa-raffle. What do you think?” “Why not? Para mas masaya!”

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

A night with Mr. CEO

read
177.7K
bc

A Billionaire In Disguise

read
667.7K
bc

My Ex-convict Wife ( R18 Tagalog)

read
253.6K
bc

Unwanted

read
532.0K
bc

Mistaken Identity Tagalog Story

read
69.5K
bc

OSCAR

read
248.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook