19

1123 Words
ANG SOMEWHERE na tinutukoy ni August ay isang condominium unit sa Makati. Nasa mataas na palapag iyon. Mula sa makapal na salaming bintana niyon ay tanaw ni January ang commercialized na bahagi ng siyudad. Maluwang ang unit pero iilan lang ang gamit na nakita niya roon. Sa palagay niya ay iyon ang talagang style ng interior dahil hindi naman niya maramdamang kulang pa iyon sa gamit. Dominante ang kulay-asul sa paligid, walang dudang lalaki ang may-ari. Sa maliit na sala ay isang mesita at isang mahabang sofa ang tanging furniture. Nakapatong sa sofa at sa paligid niyon ang iba’t ibang laki ng throw pillows. “Sa iyo ito?” tanong niya. “Yes. Feel at home.” Dumeretso ito sa refrigerator na nasa kusina. “Wala akong masyadong stock ng pagkain dito pero maraming inumin. Ano’ng gusto mo? Juice, sterilized milk, or beer?” Umiling siya. “Busog pa tayo sa kinain natin kanina. Parang punung-puno pa ang tiyan ko.” Isang beer in can ang dala ni August nang bumalik sa sala. “Okay lang ba sa iyo na uminom ako? Isa lang naman.” Nagkibit-balikat siya. “Kahit dalawa pa,” nakangiting sabi niya. “Let’s sit down.” Iginiya siya ng boyfriend sa sofa at ibinaba ang ibang unan sa carpeted floor para magkaroon sila ng space. “Hindi ka ba napagod?” malambing na tanong ni August. Napangiti si January. “Actually, ngayon ko lang nararamdaman ang pagod. Tensiyonadung-tensiyonado ako kanina.” “Want a massage?” “Sino ang gagawa? Ikaw?” “Bakit naman hindi? Marunong ako,” pagmamalaki nito. “Talaga lang, ha?” “Of course.” Lumagok ng beer ang lalaki, pagkatapos ay ipinatong iyon sa mesita. “Tumalikod ka,” banayad na utos nito. Tumalima si January. Magaan ang mga palad na dumantay sa balikat niya pero mayamaya ay nagkaroon iyon ng kontroladong bigat, naglandas papunta sa gitnang likod niya at mula roon ay humagod sa iba pang bahagi ng kanyang likod. Napapikit siya. Maginhawa sa pakiramdam ang ginagawa nito. “Naniniwala ka na?” tanong ni August. “Oo na. Ang sarap! Parang gusto kong dumapa.” “Then do it. By all means.” Inalis pa ni August ang ibang unan sa sofa, saka umayos ng upo para magkasya siya. “Mukhang makakatulog ako, sweetheart,” aniya. “Go ahead. Mabuti nga iyon at nang makapag-relax ka.” “Nakakahiya naman sa iyo. Sabi mo, we’re going to celebrate. `Tapos matutulog lang ako?” Isang mahinang tawa ang pinakawalan ni August. “Actually, wala naman akong ibang celebration na nasa isip. Basta gusto ko lang na ganito, magkasama tayo.” Umungol si January. “Araw-araw naman tayong magkasama, ah?” “Oo nga. Pero nasa trabaho lang ang focus mo. Ako, nakaalalay sa iyo. Iba naman ang ganito, `di ba? Iyong hindi tayo nagmamadali sa oras. Iyong ine-enjoy lang nating magkasama tayo.” Napaigtad siya nang maramdamang inililis nito ang palda niya. “What are you doing?” “Mamasahehin ko pati mga paa mo. I’m sure, ngawit na ngawit na ang mga binti mo.” Napailing si January. Parang gusto niyang isubsob ang mukha sa unan dahil sa pagkapahiya. Iba kasi ang pumasok sa isip niya nang itaas ng nobyo ang kanyang palda. “Ang sarap, sweetheart,” aniya mayamaya hanggang sa maramdamang pati mga daliri sa paa at talampakan niya ay minamasahe nito. Umakyat uli sa likod niya ang mga kamay ni August, humagod ang mga daliri sa kanyang batok hanggang sa kanyang balikat. “I love you, January. I love you so much,” bulong nito na ikinagulat niya. Paglingon niya ay halos mag-abot na ang kanilang mga mukha. Their gazes locked. Mayamaya pa ay tinawid na nito ang natitirang distansiya sa pagitan ng kanilang mga labi. Isang banayad na halik ang iginawad ni August sa kanya. Pero nang ibuka niya ang kanyang mga labi ay lumalim iyon. Dumiin ang mga daliri nito sa kanyang batok na lalong nagpaalab sa halik. Hindi na matandaan ni January kung paano siya nakapihit ng higa. Hindi rin niya alam kung paano sila bumagsak sa sahig. Basta mahigpit silang magkayakap at parang naghahabol ng oras sa pagdama ng katawan ng isa’t isa. “I love you so much, sweetheart,” anas nito. “I love you, too.” Sa muling pagtatagpo ng kanilang mga labi ay parang nagkaroon ng sariling isip ang kanilang mga kamay. Isa-isang natanggal ang kanilang mga suot hanggang sa pareho na silang nakahubad. “I want to make love to you, sweetheart,” bulong ni August. Nahihilo sa masarap na sensasyong bumabalot si January nang tumango siya. Pinaliguan siya ni August ng maiinit na halik. Nagtatagal ang mga labi nito sa mga sensitibong bahagi ng kanyang katawan na halos magpanginig sa kanya. “August!” impit na tili niya nang maramdaman ang mga labi nito sa sentro ng kanyang katawan. “Let me love you, sweetheart.” Pinaliguan nito nang maliliit na halik ang buong mukha niya at siniil uli ng halik ang kanyang mga labi. “Let me take you now,” bulong nito. “Yes...” Kumawala sa lalamunan niya ang isang daing. “I LOVE you, sweetheart,” paulit-ulit na bulong ni August kay January. Nasa sala pa rin sila, nakahiga sa carpeted na sahig, tanging unan ang pantabing sa h***d na mga katawan. Nakahiga ang lalaki paharap sa kanya, hinahalik-halikan ang kanyang balikat. “Ba’t tahimik ka? Nagsisisi ka ba?” masuyong tanong nito. Nakangiting tumingin siya rito. “No. Wala akong regrets. I love you, too.” “Akala ko galit ka sa akin, eh. Kanina ka pa kasi hindi kumikibo.” Lalong lumuwang ang ngiti niya. “Wala naman akong maisip na sasabihin, eh.” Umaliwalas ang mukha nito. “I love you.” “I love you, too.” Napabungisngis si January. “Bakit?” “Para tayong sirang plaka. Kanina pa tayo ‘I love you’ nang ‘I love you’ sa isa’t isa.” “Napapagod ka na?” Umiling siya. “Of course not.” Kumilos siya para bumangon. “Magbihis na tayo. Ihatid mo na ako.” Inabot niya ang kanyang mga damit. Bumangon na rin si August, inagaw ang damit niya at initsa sa bahagi ng sala na hindi niya maaabot. “Let’s make love again, sweetheart.” Gumuhit ang pilyang ngiti sa mga labi ni January. “Hindi kaya ito ang celebration na nasa isip mo kanina?” nanunuksong tanong niya. Nabitin ang paghalik sana ng binata sa kanya. “Honestly, I didn’t plan this. But I’m so drawn to you. You’re so beautiful.” Hinaplos niya ang mukha ng nobyo. “Nambola pa.” Umiling ito. “I love you so much, January.”
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD