Chapter 121

1597 Words

Kailangan ni Rava na makaisip ng paraan upang magawa niyang matalo si Inna nang hindi nito nagagalusan ang dalaga. Nakita niya ang isang palayok sa gilid na kanyang abot kamay. Hindi ito nag atubiling hablutin iyon at ipinatama sa mahabang kuko na nasa kanyang leeg. Tumilapon ang tubig na nasa loob niyon sa katawan ni Inna dahilan upang bahagyang mabura ang markha sa kanyang dibdib. Nakita ni Rava na bahagyang natigilan si Inna sa pag atake na tila ba nawawalan na ng kontrol ang Kronos sa bahagyang pagkabura ng markha. Kinuha ng binata ang pagkakataong iyon upang sunggabin ang dalaga. Niyakap niya ito upang mahawakan ang kanyang mga kamay saka niya ito idiniin sa sahig nang tuluyan itong mahulog. "Tumigil ka na!" Sa pagsigaw ni Rava ay kasabay niyon ang pagkuskos niya sa markha sa dibdib

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD