"Nia? Sinong kausap mo?" Pumasok si Rava upang tignan kung natapos na si Nia sa ginagawang trabaho. Tutulong sana ito. Ngunit habang papasok siya ay narinig niyang nagsasalita ang dalaga. "Inna?" Nakatalikod si Inna sa kanya ngunit may kakaiba itong nararamdam, na tila ba may kakaiba rito. "Rava, nakikipagkwentuhan lang ako kay Inna," pagsisinungaling nito. Alam ni Nia na hindi papayag si Rava na sumama siya kay Inna sa kweba. "Tutal nandito na rin kayo. Kayo na ang magtuloy sa paghuhugas ng plato." Hinila at itinulak niya ang dalawa papasok sa loob ng kusina. Nang akmang isasara na ni Nia ang pinto ay pinigilan iyon ng Rava. "Nia, sandali. Saan ka pupunta?" "Pupunta ako sa harap. May nakalimutan pa akong kunin." Agad na isinara ni Nia ang pinto saka ito kumaripas ng takbo. Nagdesi

