Bumungad kay Nia at Konad ang mga malalaking bitak sa teritoryo ni Zarlo. Pagbaba pa lamang niya sa kabayong sinasakyan ay naramdaman niya ang kapangyarihan ng mga kasamahan. "Narito ang iba." "Nararamdaman ko rin sila pero mahina lang,' sang ayon ni Konad. "Nakatago ang mga karisma nila. Siguradong sinadya nila iyon para hindi sila maramdaman ni Zarlo." Sinilip ni Nia ang malaking siwang sa ibaba ng bitak na kung saan nakita niya ang malaking pintuang binabantayan ng mga kawal ng palasyo. "Ito na nga ang teritoryo ni Zarlo. Siya na lamang ang nananatiling Kusai ng palasyo at pinagsisilbihan pa rin siya ng mga kawal." Walang anu ano ay lumundag si Nia at nagpadausdos patungo sa mas mababang parte ng bitak na sinundan naman ni Konad. "Prinsesa, mag iingat ka." Paalala niya. Maingat n

