Matapos mapainom ni Konad si Nia ng pinagbabayaran ng halamang gamot ay mabilis siyang napalingon sa bukas na pinto. Narinig niya ang tunog ng maliit na bambana na kanila ring narinig nang makasalubong ang grupo ng mga taong balot na balot ang mga katawan. Laking gulat niya nang pumasok ang mga ito na pinangunahan ng isa. "Ipinagkaloob sa amin ang lugar na ito." "Paumanhin po. May sakit lang po kasi ang kasama ko at kailangan niya ng gamot." Nananatiling nagmamasid si Konad sa kanila. Pakiramdam niya ay may mali sa mga nangyayari. Hindi nagtagal ay bigla na lamang tumawa ang lalaking nangunguna sa grupo. Nang una ay mahihinang tawa lamang iyon ngunit sa katagalan ay lumakas pa ito. "Napakagandang regalo ng inyong pagdating. Tiyak na matutuwa ang kamahalang Zarlo na narito si Nia Olivi

