"Hindi mo na kailangang malaman ang buong kwento ng buhay ko. Tangging masasabi ko lang kaya galit na galit sa akin si Zarlo at gusto niyang habang buhay kong pasain ang pagkamatay ni Aurelia sa pangangalaga ko." Umismid si Vexx at muling nagpatuloy sa paglalakad. "Mabuhay man ako o mamatay, hindi ko na maibabalik ang buhay niya. Wala ng halaga sa akin ang pagkakaibigan namin ni Zarlo noon. Hindi ko siya mapapatawad sa pagkitil sa mga inosenteng buhay na kinuha niya." Pinili ng huwag magsalita ni Zenon. "Kaya kung ayaw mong mamatay ngayon din, huwag kang makialam sa problema namin," sabi ni Vexx na nagpapatuloy pa rin sa paglalakad. "Paano kung wala rito ang karisma mo?" Sandaling napabaling nang tingin si Vexx sa kasama. "Sa lawak ng lugar na `to, maaaring wala rito ang karisma mo. Maa

