MASAKIT ANG ULO ni Thea nang bumangon. Halos hindi siya nakatulog nang maayos kanina. Sino ba ang makakatulog nang maayos matapos siyang halikan ni Deuce? Bakit kaya ako hinalikan ni Deuce? Pa'no 'pag magkita kami mamaya? s**t ! Bakit ba pinapasakit mo lagi ang ulo ko Deuce?! Nahawakan niya ang sariling labi nang maalala ang tagpo kaninang madaling araw sa kwarto ni Deuce. Pakiramdam niya ay nag-aapoy sa init ang magkabilang pisngi niya sa kahihiyan. Hindi niya maiwasang mapangiti at kiligin. Parang teenager ang pakiramdam niya. Palibhasa ay hindi pa siya nakaexperience na mahalikan, kagabi lang. Si Deuce ang first kiss niya! Mag-aala-sais na ng umaga. Mabuti na lang at walang pasok si Deuce sa opisina, kun'di ay zombie mode siya nito mamaya sa antok dahil napuyat siya. Kahit inaanto

