3RD POV Hindi pinapansin ni Deuce buong araw si Thea. Busy niyang itinutuon ang sarili sa pagbabasa sa mga email at files. Gano'n din ang iba pang mga kailangan niyang gawin sa opisina. Kahit sa pagkain kanina sa lunch ay hindi niya isinabay si Thea. Nagpa-order siya sa secretary niya ng lunch. Pasulyap-sulyap naman si Thea sa kanya. Kanina pa gustong kibuin ni Thea ang binata. Pero halata sa itsura nito ang pagkainis at halata rin sa mga kilos na iniiwasan siya. Napabuntong hininga si Thea. Hindi na niya talaga kayang tiisin na parang may invisible wall sa pagitan nilang dalawa .Mas tanggap pa niya kung susungitan siya o kaya aasarin ng binata kaysa ang malamig na pakikitungo sa kanya. Alam niyang may mali sa kinikilos ng boss niya. Tumikhim muna siya bago nagsalita. "Deuce, gusto mo

