Chapter Forty One

1945 Words

THEA Masakit ang ulo ko pagdilat ng mata ko. I scanned the room, madilim ang loob ng silid. Tanging liwanag sa labas ng bintana ang siyang liwanag ng buong silid ko. Ang sama ng panaginip ko. Pinagpawisan ako ng malapot sa napanaginipan ko. Si Leslie raw 'yong asawa ni Deuce. Enjoy na enjoy daw ako sa loob ng bar ni Dave tapos nagalit si Deuce kasi nagsasayaw ako na para akong party girl tapos lasing pa. Pati si Ronalda nasa panaginip ko rin. Ang weird talaga. Gano'n na ba ako nag-iisip masyado kaya hanggang panaginip iyon pa rin ang tungkol sa asawa ni Deuce. Tsk. . .tsk. . . grabe, buti na lang panaginip lang talaga 'yon. Bigla nanlamig ang katawan ko. "Aahhhh! 'Wag po! 'wag po!" Sigaw ko ng maramdaman ko na may kamay na yumakap sa 'kin. Sobrang kaba ng nararamdaman ko. Oh my gosh!

Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD