THEA Hindi ko na mahihintay pa si Tanya na umuwi ngayong gabi. Seven o'clock pa lang, kating-kati na ang sarili ko na tadtarin ng tanong ang kapatid ko kung sino ang bruhang asawa ni Deuce! Hindi ako maaring maghintay na lamang. Baka niloloko lang ako ni Deuce at pinagtitripan. Baka wala naman talaga siyang asawa. Baka naman si Ronalda, nagkamali lang ng dinig. Chismosa niya, kaya siguradong mali iyon. Isa pa, bago lang siya tulad ng sinabi niya. Kanina ko pa tinatawagan si Tanya at tinetext pero talagang hindi ako sinasagot. Malilintikan talaga siya pag-uwi niya. Kaya ba pumayag si Deuce na hindi niya ako puntahan sa Baguio dahil kinasal na siya? Nagpakipot lang naman ako ng sinabi ko sa kanya 'yon. Akala ko kasi hahabol-habulin niya ako, 'yon pala hindi. Ilang beses ko ngang sinubuk

