Chapter Six

1942 Words
DEUCE "DOES daddy know what you did?Pinapabantayan mo ako sa isang babae?Damn it! This is frustrating." Naiinis kong tanong kay mommy habang nakatayo ako sa harap niya at nakapamaywang. I can't believe it. I never imagined na gagawin ito sa 'kin ni mommy. I'm still enjoying my life. I'm so f****d up. Dalawa lang kaming magkapatid ni kuya Marcus at ako ang bunso. My older brother, Marcus, is managing our business. Ang daddy namin ay nagtatrabaho pa rin naman pero marami kaming business at kailangan nang tulong ko pero dahil hindi ko gusto ang tumutok sa business, kaya si kuya ang tumutulong kay daddy. Pero gusto na ni kuya na magsettle down kaya pinipilit na nila ako ngayon na magmanage dahil si kuya ang magmamanage ng business ng kanyang magiging asawa. "Alam ng daddy mo ang tungkol sa desisyon ko, Deuce. Kung sana ay pinakinggan mo lang kami ng daddy mo noon pa, we will not end up doing this to you. Marcus wants to settle down and he needs you right now. Pero ni isang business natin ay ayaw mo man lang hawakan." Umupo ako sa single couch at napahilamos ng mukha out of frustration. Hindi ko talaga gusto ang ideyang ito ni mommy. Maganda si Thea, pero mataray. Noong una ko pa lang siya nakita sa coffee shop ay napansin ko na agad ang maganda niyang mukha. Busy kasi ito sa ginagawa niyang pakikipagtext kay hindi ako napansin na nakakatingin na ako sa kaniya kaya nabangga ako. Pero doon pa lang sa coffee shop ay mataray na siya. Hindi man lang naging mabait sa'kin kahit alam niyang customer ako. Ni hindi man lang umobra ang karisma ko sa kaniya. Parang wala akong dating sa kaniya. Siguradong mahihirapan ako sa kanyang tumakas. Mukhang hindi magpapatalo. We'll see kung hanggang kailan siya tatagal sa'kin at kung hanggang kailan siya magiging mataray. "I just don't get it. Bakit pati ang pera ko ay sa kanya mo ipapahawak? What if, she's a thief?" I am hopeless and totally a mess. "She's not like that, Deuce. I will not hire her kung hindi siya karadapat-dapat sa trabahong ito." Makahulugang ngumiti sa 'kin si mommy. I don't like being controlled by someone. I do what I want to do. And this idea is really making me frustrated. "As I've told you, nasa iyo naman iyon Deuce. Be nice to her." *** THEA 'Di ko naman sinasadya mapakinggan ang usapan ni Ma'am Carlene at Deuce kanina. P'wede naming pag-usapan ito ni Deuce para mabilis agad namin matapos ang kontrata. 'Yon ay kung makikipag-cooperate ang mayabang na iyon. Pero sa paraan pa lang nang pakikipag-usap niya sa mommy niya na masungit, mukhang matatagalan pa bago magiging maayos ang trabaho ko. Naisip kong maging mabait na lang sa kanya. Besides, he's my boss. Kaya kailangan ako ang magpakumbaba. Ako na ang gagawa ng first move para magkaayos kaming dalawa. Mukhang mahihirapan lang ako, pero wala akong choice dahil pinirmahan ko ang kontrata. Wala nman akong pambayad kay ma'am Carlene para makaalis sa trabaho kong 'to. Kaya nga ako napunta rito dahil kailangan ko ng pera. Naiinis ako sa katangahan ko. Bakit kasi pumirma agad ako nang hindi man lang nagbabasa? Akala ko naman kasi karaniwang mga rules lang nilagay ni Ma'am Carlen do'n sa kontrata. Madami talaga ang napapahamak sa maling akala. I heaved a deep sigh. Kung sana kasi ay binasa ko muna, hindi ako magtitiyaga ngayon dito. Kapag ito magiging salbahe pa rin sa akin kahit magiging mabait na ako sa kanya, naku... papatulan ko talaga siya kahit boss ko siya. Kaharap ng kwarto ko ang kwarto ni Deuce. May susi rin na ibinigay sa akin para kahit anong oras na may kailangan ako sa kanya ay mkakapasok ako ng silid niya. Tulad nang paggising ko sa kanya kapag papasok siya sa opisina. Oh di ba? Parang nag-aalaga nga ako ng bata. Tsk... tsk... Kaso, isip bata nga lang. Nakabukod pala si Deuce sa parents niya kaya malaya nitong nagagawa ang nais gawin. Kung gano'n kami-kami lang dito ang magkikita sa araw-araw. Bukas pa magsisimula ang pinakatrabaho ko. Pina-familiar muna ako rito sa bahay dahil malaki ang bahay ng boss ko at nakakalito. I've decided na pumunta muna sa room niya at ihahanda ko na ang gagamitin nito kinabukasan. Baka kasi mas dragon ito sa umaga kapag bagong gising. Baka imbes na good ang morning ko ay mabugahan ako ng apoy, umagang-umaga pa lang. Dahan-dahan akong pumasok. Nasa library ito kanina pagkatapos kumain. Mabuti nga at 'di na ako pinansin pa. Siya pa ang may ganang magalit sa akin kung tutuusin ay may kasalanan ito dahil pinatanggal niya ako sa trabaho. Kahit wala akong ebidensiya na siya nga ang nagpatanggal. Pero okay na rin at nagkaroon ako dahilan para sa trabaho na 'to. Mas malaki ang sahod ko. Makakaipon agad ako at maililipat ko na rin nang mas maayos na apartment sina Lola at Tanya.Maingay kasi doon sa tinutuluyan namin. Hindi naman ako nagrereklamo sa ganoong lugar pero syempre, pangarap ko ang makatira kami sa mas tahimik at mas magandang bahay. Mas safe rin na umuwi kahit gabi. Pero sabagay, kahit maingay sa lugar namin ay mababait naman ang mga kapitbahay namin. Mahilig lang talaga silang magconcert kahit hatinggabi na. Akala yata nila, araneta ang lugar namin kung makapagconcert. Ang papanget naman ng mga boses at sintunado. Kasalukuyan na akong nasa loob ng room ni Deuce. Ang laki rin, parang malaki pa sa apartment namin 'to, ah. Ang gara pa ng mga gamit. Parang studio type na apartment, parang condo ang style, very masculine ang theme ng room niya. Which is hindi kaming magkakasundo na dalawa dahil ayaw ko ng madilim na ambiance. Puro dark itong mga gamit niya pati iyong bedsheet niya. Pakialaman ko kaya 'tong ayos ng kwarto niya. Siguradong uusok ang ilong niya 'pag nagkataon. Natatawa ako sa iniisip ko. Magiging mabait din sa akin si Deuce, panigurado dahil na sa akin ang pera niya. Inikot ko ang room niya, parang nasa museum ako habang nagtitingin sa mga gamit na naroon. Nang mapansin ko ang mga pictures niya na nakadisplay, nilapitan ko ito at tiningnan ang mga larawan na nasa frame. Ang gwapo niya kahit noong bata pa lamang siya. Kaso talagang mukhang masungit na siya at hindi mahilig ngumiti. Ang cute-cute pa naman niya, ang sarap asarin lalo kapag ganito ang itsura. Hahawakan ko sana ang isang frame nang biglang bumukas ang isang pintuan doon. Walk in closet niya. "What are you doing here in my room?!" iritableng tanong niya agad pagkakita sa 'kin. Kinalma ko muna ang sarili ko at ngumiti sa kanya. Kailangan kong maging mabait sa kanya para hindi na niya ako awayin din. He's my boss, dapat maging mabait sa boss. "Deuce kasi-" "Sir DEUCE. Call me Sir, Thea. I am your boss. And besides, we're not friends to call me by my first name," pagtatama niya sa pagtawag ko sa kanya. "At pa'no ka nakapasok dito? Why are you here? hindi naman kita tinawag," magkasalubong na agad ang kilay niyang tanong niya. Nagpantig ang tainga ko. Ang sungit kasi niya. Pinaglihi ba ito sa dragon? At isa pa, hindi ba niya nabasa na nasa kontrata ito na pwede ko siyang tawagin sa pangalan niya. "Excuse me Deuce, it's in the contract that I will call you on your first name. Sabihin mo 'yan sa mommy mo!" maldita kong sagot sa kanya. I even crossed my arms in front of him. Naku! 'Asan na nga ba 'yong magiging mabait na ako sa kanya? Pinaningkitan niya ako ng mata. "Get out!" mariin niyang utos sa akin. Hindi ako natinag. Tiningnan ko lang siya. May sumilay na munting ngiti sa labi niya. Parang may binabalak na hindi maganda. Sinimulan nitong magtanggal ng suot niyang damit. Anong ginagawa niya? Bakit siya naghuhubad? Napalunok ako sa ginagawa niya lalo na no'ng tumambad sa paningin ko ang pandesal niya. Naku! Ito na ba ang ganti niya? Sinasabi ko na nga ba, pangalan pa lang niya, iseseduce niya ako. Oh my! I bit my lower lip. Titig na titig ako sa kabuuan ng kanyang katawan.I gulped. Ang ganda ng katawan niya. Ang tikas, parang ang sarap yakapin. Alagang-alaga sa gym. Ang sarap haplusin ng abs niya. "Papanuorin mo ba ako habang nagbibihis ako o lalabas ka?" pilyo itong ngumisi sa 'kin. Sineseduce talaga ako ni Deuce. "H-uh? A-ano..." Hindi ako makatingin sa kanya sa pagkapahiya. Hindi rin ako makatingin sa kanya sa paraan nang pagkakatitig niya sa akin habang amuse itong nakatingin sa akin. Nagwawala ang puso ko sa kaba. Bakit ba kasi titig pa lang niya ay sineseduce na ako? I pout my lips. I Stutter. Marahan kong natampal ang noo ko. Kasi naman, first time kong makakita ng lalaking nagbobold sa harapan ko. "You're drooling on my body." Napapunas ako bigla ng bibig ko. Leche! 'di naman. Malakas itong humalakhak sa ginawa ko. "Hindi naman, ah! Saka maganda ba ang katawan mo. . .Ang panget kaya!" sabi ko na lang para pagtakpan ang pagkapahiya ko sa kanya. Baka isipin niya ay pinagpapantasyahan ko ang katawan niya kahit totoo naman. "Really?" A mischievous smile emerged from his lips. "Hindi iyan ang sinasabi ng mga mata mo. Your eyes feast on my body. " He crossed his arms while I saw amusement in his eyes." "Kahit maghubad ka pa nang tuluyan sa harap ko, wala akong pakialam," hamon ko sa kanya kahit ang totoo ay kinakabahan ako sa posible niyang gawin. "Really, huh? " Ngumiti ulit ito nang pilyo. Mas kinakabahan ako sa ngiti niyang 'yon. Parang may binabalak na 'di maganda. Napalunok ako. Halos lumuwa na ang mata ko nang sinimulan na niyang huhubarin ang huling saplot ng katawan. Kanina pa ako nadidistract dahil puting brief lang suot niya. I waved my hands in the air to stop him. "Wag!" Sigaw ko agad sabay takip ng mata ko gamit ang isang palad ko. Susmaryusep! Makakakita pa agad ako ng ahas sa gubat. Baka cobra pa. Hindi ko alam kung tuluyan na niyang nahubad ang brief niya. "Oh... Akala ko ba, wala kang pakialam kung maghubad ako sa harapan mo?Bakit ka ngayon nagtatakip ng mata? Affected ka ba na makita ang sobra kong hot na katawan? Kung gusto mo, maganda ka naman at sexy, pwede na. I can make you scream my name while-" "Bastos!" Umalingawngaw sa buong silid niya ang malakas niyang halakhak. Dahan-dahan kong tinanggal ang kamay ko sa mata at nagmulat. Nakatitig lang ito sa akin at natatawa. Humakbang si Deuce palapit sa akin na ang tanging suot ay brief lang niya. Hindi ko maiwasang pasadahan ito nang tingin mula ulo hanggang paa. Wala itong mga balahibo sa dibdib tulad ng mga lalaki na mostly na nakikita ko sa mga magazine. Makinis pero baka naman doon banda sa ano ay. . . Sabi pa naman ni Lola kapag makapal ang kilay, makapal din ang buhok sa private part. Napalunok ako sa naiisip. Bakit ba ang halay ng isipan ko? Napababa rin ako ng tingin banda doon sa V shape niya. Napalunok ulit ako at kinakabahan. May umbok na do'n sa pagitan ng hita niya. Bastos talaga siya! Patakbo akong lumabas sa silid niya dahil sa mga naiisip ko at bago pa man siya tuluyang makalapit sa akin. Narinig ko pa ang malakas niyang pagtawa ulit. Naku... naku! 'Di ako pwedeng magpadistract sa kaniya. Ang lakas nang kabog ng dibdib ko. Kung sa ibang pagkakataon ko siyang narinig na tumawa ng ganoon ay magiging masaya pa ako. Kaso ay sa kapilyuhan. Naisip ko na lang na magtimpla ng kape para naman niyerbusin ako kahit papano sa mga mahahalay kong naiisip sa katawan niya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD