Chapter Five

1828 Words
MANGHANG-MANGHA talaga ako sa laki ng bahay na ito. Sinundo ako ng driver nina Ma'am Carlene kanina sa bahay namin. Nakatayo ako sa living room. Parang gusto kong magpaikot-ikot dito tulad nang ginagawa ng mga Princess sa disney cartoons kapag masaya sila. At 'yon nga ang ginawa ko, nadala kasi ako sa ganda ng bahay nila. Malayong-malayo sa bahay namin. I stopped from daydreaming when I heard Mrs. De Silva's voice. "Thea." nakangiting tawag sa pangalan ko ni Mam Carlene. Napamulat ako bigla ng mata. Mukha pala akong tanga na nakapikit at nagpaikot-ikot. Nakaramdam ako nang hiya bigla sa ginawa ko. Baka isipin niya ay nababaliw ako at biglang bawiin ang trabahong inalok sa akin. Naka-ayos pa rin si Ma'am Carlene kahit nasa bahay lang. Ang sosyal talaga. "Ay Ma'am sorry. . . Kanina pa po ba kayo nariyan?" nahihiya kong tanong. Bakit ko ba kasi naisipan magpaikot-ikot nang ganoon? Baka isipin niya ay nababaliw ako. She smiled at me. "It's okay. Let's talk here, follow me Thea, " she said. Nagpatiuna itong lumakad papuntang garden. Nag-alinlangan akong sumunod dahil dala ko ang maleta ko. Hindi ko alam kung dadalhin ko ba o iiwan dito. Napansin ako ni Rose at mukhang nakuha niya ang iniisip ko at naintindihan. She smiled. "Ako na ang bahala sa gamit mo, Thea," saad niya. Ang bait din ni Rose, like Ma'am Carlene. Tumango ako at nagpasalamat. Sumunod agad ako kay Ma'am Carlene. Nakaupo na ito pagkadating ko. "Have you read the contract already?" she asked. Sumenyas ito na umupo sa bakanteng upuan sa harap niya pagkadating ko at mabilis ko naman siyang sinunod. "Actually. . . Uhmmm... " Hindi ko alam ang isasagot dahil ang totoo, ay hindi ko pa nabasa. Pagkadating ko kasi sa bahay ay excited akong nag-ayos agad ng dadalhin. Ibinalita ko rin kina Tanya at Lola ang bago kong trabaho kaya nakalimutan ko nang basahin tulad ng plano kong gawin. Tumango-tango ito tanda na naiintindihan niya na hindi ko pa nabasa. Nahiya ulit ako. First day ko, palpak agad ako sa boss ko. "Asan po pala ang aalagaan ko Ma'am Carlene?" Tanong ko na lang para mawala ang hiya kong naramdaman. "Oh! Si Deuce? He's already on his way here," sagot ni Ma'am Carlene. Mukhang hindi naman siya galit base sa tono ng boses niya sa akin kahit hindi ko nabasa ang nakalahad sa kontrata. Napangiti ako, pero napaisip din. Mag-isa lang umalis ang anak niya? Summer ngayon at walang school. Hmmm... Kasama naman siguro ang ibang kasambahay at baka nagpunta sa mall. Ilang taon na kaya iyon? Baka teenager na at gumagala na. "Anyway, ikaw na bahala kay Deuce--" She stopped from talking at tumingin sa pinanggalingan namin kanina kaya automatic na nasundan ko rin nang tingin ang tinitingnan ni Ma'am Carlene. Napamaang ang labi ko. Napatayo agad ako. Parang lahat ng dugo ko sa paa ay umakyat sa ulo ko. 'Yong lalaking nakabangga ko sa store at naging dahilan kung bakit ako natanggal sa trabaho ay papalapit sa kinaroonan namin! Pisti! Sa dami-dami nang makikita ko, itong lalaking pa talaga ang makikita ko ulit. "Mom..." wika ng lalaki at nakatingin kay Ma'am Carlene. Nanlaki ang mata niyang nakatingin sa akin nang mapansin ako sabay turo sa 'kin. "You! What are you doing here?! " Galit niyang tanong sa akin habang magkasalubong ang kanyang makapal na kulay. Naningkit ang mata nitong nakatingin sa 'kin. Wow, huh? Siya pa talaga ang galit sa 'kin. Napakasungit talaga nitong lalaki na 'to. Ang gwapo sana ng dating nito na nakacoat and tie. Mukhang galing ito sa opisina base sa suot. Kaya lang ang sungit at nakasalubong ang mga kilay. "Ikaw, ano rin ang ginagawa mo rito?" inis ko ring balik na tanong sa kanya at tinuro rin siya tulad ng ginawa niya sa 'kin. Manghang nakamasid si Ma'am Carlene sa aming dalawa at naguguluhan. Halatang nagtataka ito sa paraan nang pag-uusap naming ng lalaki. "Are you really asking me that, huh? Just to inform you, this is my house... Pa'no ka nakapasok dito? Why are you here? Who are you?" Sunod-sunod niyang tanong sa 'kin. Nagulat ako sa sinabi niya. Bahay niya ito? "So, you knew each other? " singit ni Ma'am Carlene sa pagbabangayan namin ng kaharap ko. "Yes!" Magkapanabay naming sagot ng gwapong lalaki. "Siya lang naman po ang dahilan kung bakit ako natanggal sa dati kong trabaho sa coffee shop," sumbong ko kay Ma'am Carlene. "What? Hindi ko alam ang sinasabi mo. Nagbibintang ka," wika niya sa akin saka bumaling kay Ma'am Carlene. "What is she doing here, mom? " He asked in his penetrating voice. Nanlaki ang mata ko. "Mommy mo?" Tumingin ito sa akin pero hindi ako sinagot sa tanong ko. "Anak niyo po?" tanong ko kay Ma'am Carlene habang nakaturo ang isang kamay ko sa lalaki. Tumango si Ma'am Carlene bilang sagot sa tanong ko. Nanghihinang ibinaba ko ang kamay ko at parang gusto ko na lang umalis na rito. Kung gano'n, makakasama ko siya rito sa bahay habang nag-aalaga ako sa kapatid niya. Sana hindi ganyan ang ugali ng kapatid niyang aalagaan ko. "This is Deuce Thea," kalmadong pagpapakilala ni Ma'am Carlene sa kanyang anak. Nanlaki ulit ang mata ko sa narinig! "Huh! Ito po ang aalagaan ko Ma'am Carlene?!" Sabay turo ko kay Deuce. Nalintikan na! "What is she talking about, Mom?" Mabilis na tanong ni Deuce sa narinig at tila naguguluhan sa sinabi ng kanyang mommy. "Bakit siya? Akala ko naman po ay bata... Isip bata pala!" inis akong napakamot ng ulo. "What did you say? Ako, isip bata? Look who's talking." "Aba, totoo naman ah!" Parang gusto ko na siyang sapakin. Biglang napatayo si Ma'am Carlene at pumagitna sa aming dalawa na kanina pang nagkakapikunan. "Wait, wait. Just calm down, please. Both of you okay?" awat sa amin. "Both of you sit down. Can we talk peacefully please?" "No!" Sabay naming sagot ni Deuce. Nagkasukatan kaming dalawa nang tingin. Pinaningkitan ko siya ng mata at ginaya niya rin ang ginawa ko. Napahilot sa sintido si Ma'am Carlene sa naging sagot namin sa kanya. Hindi ko talaga maiwasang mainis sa kaharap ko. Mabilis na umalalay si Deuce at Rose kay Ma'am Carlene. "Mom, are you okay?" Nag-aalalang tanong ni Deuce. Sumenyas si Ma'am Carlene na okay lang siya. "Just please, sit down. Sa ayaw at gusto niyo, mag-uusap tayong tatlo rito nang maayos!" May diin niyang utos sa 'ming dalawa. Kung kanina ay mahinahon ito, ngayon ay mukhang galit na siya. Tahimik kaming dalawa ni Deuce pero sa mata kami nag-uusap. Si Ma'am Carlene ay nauna nang umupo. Nanatili kami ni Deuce na nakatayo habang nagsusukatan kami ng tingin. "Ayaw niyo bang umupo?" Hindi kami sumagot ni Deuce sa tanong sa amin ni Ma'am Carlene. She heaved a sigh bago nagsalitang muli. "Pwede ko namang idiscuss sa inyo itong kontrata habang nakatayo kayong dalawa kung gusto niyong manatiling nakatayo. Just make sure, you're listening." Nahimasmasan ako sa sinabi ni Ma'am Carlene. Ako ang naunang umupo sa amin ni Deuce. He then followed. Mukhang mahihirapan ako sa kanya dahil mukhang matigas ang ulo. Mas matigas pa ito sa ulo ng kapatid ko. "Okay. Let's start again. Thea, I want you to meet Deuce, my son. Sa kaniya ka magtatrabaho as his personal assistant. Every-" "What?! Mom, anong assistant?" putol niya sa sasabihin pa ng mommy niya. Bastos talaga, kung makasigaw sa mommy niya ay wagas. Masama ko siyang tiningnan sa ginawa niyang pagtaas nang boses sa mommy niya. Pero mukhang wala itong alam sa sinasabi ni Ma'am Carlene base sa reaksyon niyang nagulat. Parang gusto ko nang magback out. Mas maldito pa sa kapatid ko. Ngayon pa lang ay hindi ko ito magagawa. Mauubos ang dugo ko sa kanya. "I'm not yet finished talking here, son. Let me continue." Deuce heaved out a deep sigh. Noong kumalma na siya saka muling nagsalita si Ma'am Carlene. "Lahat na kailangan ng anak ko, ay ikaw mag-aasikaso, Thea. Sa lahat ng pupuntahan niya, ay ikaw palagi ang kasama except kapag day off mo. Make sure also na pumapasok si Deuce ng opisina at hanggang sa opisina niya ay kasama ka. Ang ilan mo pang kailangan na gawin ay nasa kontrata. Basahin niyong parehas." Napatingin ako sa contract na nasa lamesa at kinuha. Nilipat ko ng 2nd page at nando'n lahat ng mga kailangan kong gawin na binabanggit ni Ma'am Carlene sa amin ngayon. "Mom, I don't need her!" mariing wika ni Deuce. He is pissed off! Namumula ang kanyang leeg. "Deuce!" sita ni Ma'am Carlene. "She is your personal assistant. Whether you like it or not, pakikisamahan mo si Thea. I hired her for you. She will work on you. Siya ang magiging kasama mo sa lahat ng lakad mo at kapag susuwayin mo ako, lahat ng credit cards mo ay puputulin ko pati na ang monthly allowance mo. Wala kang makukuhang pera mula sa akin kapag hindi mo nagawa ang mga kailangan mong gawin. Sa kanya ko idadaan ang lahat ng perang ibibigay ko sa 'yo. Kaya kung ako sa 'yo Deuce, be nice to her." Parehas kaming nagulat ni Deuce sa sinabi ni Ma'am Carlene. Bakit ako maghahandle ng pera ni Deuce? "What?!" bulalas ni Deuce. "Ano po?" Magkapanabay ulit namin na tanong kay Ma'am Carlene. "What is this all about, mom?" "Bakit po ako?" agad ko ring tanong. Nahihibang na ba si Ma'am Carlene. Bakit pati ako nadamay? Pa'no kung gawan ako nang masama ni Deuce dahil na sa akin ang pera niya? "Puwede bang patapusin niyo muna ako bago kayo magreact," awat ulit ni Ma'am Carlene kahit bahagyang nagtataas na ang boses niya. Inabutan siya ni Marie ng tubig na agad din namang ininom ni Ma'am Carlene. "Mom, this is ridiculous," nanghihinang wika ni Deuce. Mukhang hopeless na ito. "Deuce, we are not getting any younger, and so are you. But it looks like you didn't care at all. I have to do this for your own good. Believe me, son, I am doing this for you." She paused for a while. "Kailangan niyong gawin na dalawa ang kontrata na ito sa loob ng dalawang taon or else, mapipilitan akong alisan ka ng mana, Deuce kung hindi ka magtitino. Thea will help you." Kinuha ni Deuce ang kontratang nasa lamesa at binasa. Binalingan ako ni Ma'am Carlene. "And if you want to quit, Thea. You need to pay your supposed salary for two years. Pero, kapag nabantayan mo si Deuce at matututo siyang gawin ang nilagay ko sa kontrata, the contract will end." Bumaling ito kay Deuce. "It's up to you, kung gaano katagal ang kontrata niyo. Kung gusto mo ng dalawang taon, go on... Continue what you are doing right now at 'wag mong pakikinggan si Thea," she added. Gulong-gulo kami parehas ni Deuce. Hindi namin maproseso sa utak namin ang napasukan naming dalawa. Pabagsak na sumandal si Deuce. He looks defeated. Hindi na rin siya nagsalita pa. Naghihinang napasandal din ako sa upuan. Ano ba 'tong napasok ko ?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD