Chapter Four

1418 Words
DEUCE "AHHH..." She moaned loudly as I enter my whole shaft to her. Sinagad ko pa sa loob niya para mas masarapan siya. Her eyes stares in delight. Hindi na rin niya alam kung ano ang kakapitan. Sarap na sarap ito sa ginagawa ko sa kanya. She reached for me to kiss but I refused. I don't feel like kissing her. "Oh, I'm c*****g baby. Please, faster baby. Harder... oohhh...aahhh..." Utos nito sa akin habang nawawala na ito sa sarili sa sarap nang nararamdaman. I can feel she's c*****g. Kaya mas binilisan ko pa ang paglabas pasok sa kanyang p********e. "Cumm for me baby," sabay namin naabot ang orgasm. Tumayo ako sa kama at pumunta sa banyo para itapon ang condom na punong-puno ng semilya ko. "Stay here please. Let's make love all day. This day is yours, Deuce," paglalambing ni Patricia na nakatingin sa akin. Hindi na ito nag-abala na takpan ang sarili. I smirked. Pinulot ko isa-isa ang mga damit na nasa sahig at nagsimulang isuot muli. Wala akong balak magtagal dito. Ayaw ko lang talaga pumasok sa opisina kaya pumunta ako rito pagkatapos mag-lunch para magrelax. Nakakabagot sa opisina. "I'm sorry, Patrica. I still have meeting to attend," pagsisinungaling ko sa kaniya. Yes, pumunta lang talaga ako rito sa condo niya just to satisfy my need as a man. She pouted her lips and rolled her eyeballs. She knew it already. Before I turned to leave, I kiss her quickly on her lips which made her smile. I know her very well. Siya lang naman ang binabalik-balikan ko sa lahat ng mga babaeng nakaka-fling ko. Alam niya kasi ang stand niya sa buhay ko. I don't do serious relationship. I'm just enjoying being with different women every month. Pasalamat pa nga sila at every month akong nagpapalit ng babae.'Yong mga kaibigan ko, ay halos every week. Patricia and I are not in a relationship, pero mahigit isang taon na rin kami na ganito ang set-up. If I want to get laid, she is just one call away, anytime. Kahit pa alam niya na hindi lang siya ang nag-iisa ay ayos lang sa kanya, kaya nga siya lang tumagal sa akin. THEA EXCITED akong nag-aayos ng mga dadalhin kong damit sa bahay nina Mrs. De Silva. After kong makapag-endorse sa bagong oic ng coffee shop ay agad naman na akong pinapasok ni Ma'am Carlene De Silva para makapagsimula na ako sa trabaho ko. Nakapagpaalam naman na ako kina Lola at Tanya. Naiintindihan naman ng dalawa na kailangan kong gawin ito. Nakaramdam din ako nang lungkot. Ayoko man iwan sina Lola rito, wala naman akong choice dahil stay-in ako roon sa trabaho ko. Hindi rin every weekend makakauwi ako, depende sa boss ko. Mamimiss ko itong maliit na bahay namin. Iyong kaingayan ng paligid kahit umaga pa lamang, parang hapon at gabi na sa ingay. Matutulog ka na, gising na gising pa rin ang buong paligid. Hinila ko na ang dadalhin kong maleta. Hindi naman gaanong marami ang dala ko, wala naman akong dadalhin na marami. Nakasandal si Tanya at nakahalukipkip na nakamasid sa akin. "Tanya, ikaw na ang bahala kay Lola, ah. 'Wag puro t****k ang gawin, tutuktukan kita," bilin ko sa kanya. Umikot pa nga ang ang mata niya sa sinabi ko sa kanya. Nagtaray na naman ang kapatid ko. Bumasangot ang mukha ng kapatid ko pero nag-iba rin nang lumakad na ako palabas ng sala namin habang hila-hila ko ang maleta. Bigla itong nalungkot at parang naiiyak ang mga mata ngunit halatang nagpipigil lang. Mana talaga sa akin, ayaw magpakita na umiiyak. "Sus... 'Yan lang ba ang dadalhin mo? Ang konti naman," kunwaring pang-aasar ng kapatid ko. Kahit ako ay naiiyak din pero ayoko ring ipakita sa kanila. Hindi ako pwedeng malungkot dahil para sa kanila itong gagawin ko. "Oo, ito muna. 'Wag mong gagamitin ang mga damit ko, ah. 'Pag 'yon, nakita kong suot mo sa t****k or IG mo , yari ka sa akin." Nagmake face lang ito sa akin. Kahit papano ay gumaan naman ang pakiramdam ko sa pinapakita na katapangan ng kapatid ko. Pagkalabas ng kwarto ay nabungaran ko si Lola na nasa lamesa. Binitawan ko ang hinihila kong maleta at inayos malapit sa pintuan. Nilapitan ko si Lola na tahimik lang na kumakain ng nilagang saging. Alam kong nalulungot din ito. "Lola kong mas maganda ako, masarap ba iyang kinakain mo?" saad ko para pansinin ako kaso deadma." Snob lang Lola," niyakap ko na ito. 'Di ko na napigilan ang sarili."Laaaaaaaa!!" hagulgol ko kaya nabatukan ako bigla. "Aray ko naman La! Nag-eemote lang naman ako, eh." Maktol ko habang hinimas-himas ko ang ulo ko. Medyo malakas ang pagkakabatok ni Lola sa 'kin. Matanda na ba talaga 'to? Bakit ang lakas pa rin? "Kumakain ako, makangawa ka naman parang namatay na ako." May pagkamasungit talaga itong si Lola, kaya may pinagmanahan kami ni Tanya. "Ang OA kasi ni ate," ani Tanya. Lumapit na rin sa amin at umupo rin ito sa katabing upuan ni Lola at kumuha ng nilagang saging. "Akala mo naman pupuntang abroad eh, samantalang isang jeep lang naman ang bahay na titirahan mo," wika nito habang punong-puno ang bibig niya kakakain ng saging. "Kahit na, syempre aalis pa rin ako." Feel na feel ko ang mag-emote dahil aalis ako. Bakit parang hindi man lang sila nalulungkot? Iyong mga napapanuod ko sa pelikula halos ayaw na paalisin 'yong aalis o kaya hinahatid pa. Samantalang ako, binatukan pa. "Sus ate! Pwede nga namin lakarin ni Lola ang Village niyo. 'Wag ka nga!" Binatukan ko rin ito. Aba! Makaganti man lang ako sa ginawa sa 'kin ni Lola." Aray ko!" angil niya sa ginawa ko sa kanya habang hinihimas-himas nito ang ulo niya. Ngumisi lang ako sa ginawa ko sa kanya. "Padalaw do'n ate, ah! Pwede pangphoto shoot 'yong bahay. Gagawin kong pang back ground, mukhang yayamanin ang datingan, " dagdag niya at pinagalaw-galaw pa nito ang magkabilang kilay sabay ngisi nang nakakaloko. "Hay naku! Bawal pulubi do'n." Tinaasan ko ng kilay si Tanya. "Edi... 'di ka rin makakapasok do'n mamaya." Nakita ko pang pinaikot din nito ang mata niya. Maldita talaga, ayaw patalo sa akin. "Aba...Hoy, Tanya! Ate mo ako, baka nakakalimutan mo." "Ano ate, aalis ka ba o aalis ka?" "Tsk... tsk. Pinagtatabuyan mo ba ako?" 'Di na ito kumibo pa. Bumaling naman sa akin si Lola at binatawan ang kinakagat na saging. "Mag-iingat ka doon apo," seryosong pagkakasabi ni Lola sa akin. Niyakap ko ulit ito at tumango. "Opo La... Kayo rin mag-iingat dito. Chat mo lang ako araw-araw." Bumitaw na rin ako sa pagkakayakap kay Lola. "Upakan mo ang alaga mo ate kapag makulit." Napangiwi ako sa sinabi ni Tanya. "Bata 'yon. Aba, bakit ko naman papatulan? For sure, mas makulit ka pa rin." "Basta ate... Mag-iingat ka do'n," sumeryoso ito. "At chat mo ako kapag inaapi ka ni Clara. Ako ang bahala." Nagpakita pa ito ng maliit na muscle niya. Akala naman niya ay matatakot ang kaaway niya sa kanya. "Ha?! Sinong Clara? Baka si Ma'am Carlene, mabait 'yon." "Ay, 'yong malditang Clara na nang-aaway kay Mara." Napaface palm na lang ako sa mga pinagsasabi nitong kapatid ko. Kanino ba ito nagmana? "Minsan nga Tanya, magseryoso ka naman kausap. Aba! Ate mo ako, pero parang ka-edad mo lang 'yong kausap mo." "Oo na ate! Aalis ka pa ba?" "Oo aalis ako! Ikaw na ang bahala rito kay Lola. Kapag may kailangan kayo, chat mo lang ako. Alam ko namang wala kang load pangtawag. Hindi ako every weekend makakauwi. Depende 'yon sa boss ko. Kaya balitaan mo ako palagi at mag-iingat kayo rito." Tumango si Tanya sa bilin ko sa kanya. Kahit nagpipigil nang iyak ay dinadaan na lang sa pangungulit. "Count me in Ate. Ako bahala kay Lola." Masaya naman ako kahit ganito lang si Tanya ay maasahan naman pagdating sa pag-aalaga kay Lola. Bilib nga ako dito, dahil 'pag mag-isip parang mas matured pa sa akin. Kahit pa pilosopo lang kung sumagot, kadalasan ay may punto naman. Kaya panatag naman akong iwan sila rito ni Lola. Isa pa, mababait naman ang mga kapitbahay namin. Maiingay lang pero maayos naman. Mukhang alas sais ng gabi lang lagi rito kahit alas sais pa lang ng umaga ang ingay rito sa amin. Kilalang -kilala kami rito sa lugar namin. Syempre, maganda kaming dalawa ni Tanya. Madami rin ang may gustong manligaw sa amin pero wala sila kahit na ga-tuldok na pag-asa sa amin ng kapatid ko. Parehas na wala pa sa bokabularyo namin ni Tanya ang lovelife.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD