“Nagpunta si Tita sa hospital? Anong reaction niya nang makita si Tito sa gano’ng kalagayan?” Sinulyapan ni Mary ang kaibigang si Kate. Lunch time at kasalukuyang magkatabing nakaupo sila sa bench sa gilid ng quadrangle at naikwento nga niya rito ang pagpunta ng Ina sa hospital. Sa lumipas na mga araw na nasa ospital ang Papa ni Mary, ilang beses ring dumalaw si Kate. Madalas kasama nito si Nate at Nico. May isang beses na kasama naman nito ang mga magulang na nagpaabot pa ng kaunting tulong. Ang babae rin ang matiyagang nagpapahiram ng notes at nagtuturo ng mga activities kapag kailangan niyang lumiban sa klase para magbantay sa Papa niya. Tumango si Mary bago ibinaling ang tingin sa malawak na open field kung saan nagpapractice ng basketball at volleyball ang mga varsity ng Trinity

