MULA sa pagliligpit ng mga gamit sa kama, lumingon si Mary nang marinig na bumukas ang pinto ng silid. "Are you ready?" Tanong ni Duke na pumasok at naglakad palapit sa kaniya. "Ready!” Nang masigurong maayos ang lagay nila ng baby, hiniling niya kay Duke na umuwi na sila. Ayaw pa nga nitong pumayag at gustong manatili sila ng ilang araw sa ospital to make sure that she and the baby are okay. But Mary refused Kahit kasi nasa VIP suite, amoy pa lang ng ospital na-su-suffocate na siya. Wala naman rin siyang tinamong matinding injury except sa mga gasgas at kalmot sa braso. Isa pa, iniisip ni Mary ang parents nilang gabi na nalamang isinugod siya ni Duke sa ospital kahapon. Tawag nga nang tawag at itinatanong kung nasaang ospital sila. Hindi na lang nila sinagot, dahil tiyak na pupun

