PUTING kisame ang namulatan ni Mary nang magising siya. Nang ilibot niya ang paningin doon napagtanto ni Mary na nasa loob siya ng ospital room. Ang natatandaan niya nasa hallway at sinasabunutan siya ni Patricia at bago nga siya mawalan ng malay nakita niya si Duke. Akala ni Mary kanina, katapusan na niya at imahinasyon lang ang nakita niyang pagdating ni Duke. So, totoo pala ‘yon at ang asawa ang nagdala sa kaniya rito? Bumangon si Mary subalit kaagad na napahawak sa ulo nang makaramdam ng sakit roon. Maging ang buong katawan niya kumikirot! Para siyang nabugbog. Sapo-sapo niya ang noo nang bumukas ang pintuan. Paglingon ni Mary nagtama ang mga mata nila ni Duke. He immediately went to her. “Are you okay? Anong masakit?” Sunod-sunod nitong tanong. “I’m gonna call the doctor.” P

