Nahinto si Mary sa pagpapahid ng night cream sa mukha nang bumukas ang pintuan sa CR at lumabas mula roon si Duke ng itim na boxers at puting tshirt. Kasalukuyang naririto sila sa kaniyang silid. Nagpaalam ang mga kaibigan matapos nilang anyayahan maghapunan. Masaya naman ang naging kwentuhan at kumustahan nila, lalo na't ngayon lang sila nakompleto. Subalit pansin ni Mary na paminsan-minsan ay napapatitig sa kawalan ang asawa na tila kay lalim ng iniisip. Sinundan niya ng tingin ang repleksyon ng asawa sa salamin hanggang huminto sa likuran niya. He hugged her then buried his face on her neck. "Let's go to bed..." Lumingon sa balikat niya si Mary para halikan ang buhok nito. "Tatapusin ko lang 'to." Duke kisses her neck before he went to the bed. Sumandal ito sa headboard at pinan

