“There…” bulong nitong nanatiling walang isang pulgada ang layo sa mukha. Hinaplos nito ang gilid ng labi niya. Halos hindi naman makahinga si Mary sa bilis ng pagpintig ng puso niya. Ramdam niya ang pag-init ng pisngi. Ilang sandaling hindi siya makapag-react. Parang nag-lo-loading ang utak niya. Did he really kissed her? “Mary!” Sabay silang napapitlag at mabilis na naglayo sa biglang pagkalampag ni Floryn sa salamin sa tabi ni Mary. “Hello? Are you still there!” Pilit pa nito inaninag ang tinted na salamin. “I-I gotta go!” Natatarantang paalam ni Mary. Mabilis siyang tumalikod at binuksan ang pintuan. Naudlot si Floryn sa muling pagkatok nang bigla siyang bumaba ng sasakyan. Ibinukas nito ang bibig para magsalita pero kaagad niyang hinawakan sa braso ang dalaga at hinila pal

