“My gosh! Huwag lang talagang kapag talaga tinalbugan ng Irithel na ‘yan ang gown ko bukas, magkakaroon ng world war four!” Inis na palatak ni Floryn. Kasalukuyang naglalakad-lakad sila sa palibot ng exclusive subdivision na tinitirhan ni Floryn at kanina pa nga ito daldal ng daldal. Pero walang maintindihan si Mary sa sinasabi ng kaibigan dahil paulit-ulit na nag-re-replay sa isip niya ang pinag-usapan nila ng kaniyang mommy over dinner. Hindi pa rin siya makapaniwalang naging bayolente ang Ama noon. Palagi kasi nitong pinipili na maging kalmado noo. Mabibilang nga sa daliri na napagalitan si Mary ng Papa niya. Another thing na hindi maalis sa isip niya ay ang pagpapakasal ng Ina sa iba. Hindi naman siya against roon. At walang ibang hiling si Mary kundi ang kaligayahan nito. But

