KABANATA 1

1801 Words
Lumingon si Mary na noo'y nakaupo sa harapan ng dresser nang marinig na bumukas ang pinto ng kaniyang silid. Sumungaw ang Inang si Madeline at ngumiti bago naglakad palapit sa kaniya. "Are you ready, Love?" Malambing nitong tanong na pumwesto sa likuran ng inuupuan niyang vanity dresser at hinaplos-haplos ang kaniyang mahabang buhok. Tiningala ito Mary at nginitian rin. "Patapos na po, Mom..." tugon niyang ibinalik ang tingin sa salamin para lagay ng blush on ang magkabilang pisngi. Magiliw na pinagmasdan ni Madeline ang kaisa-isang anak. "Look at you... you have grown to be so beautiful and so elegant... hindi lang 'yon, matalino pa at masunuring anak." Kitang-kita ang kislap ng paghanga sa mga mata nito. "You don't know how proud I am as your mother." Mary is the spitting image of her Mother, Madeline. They almost have the same facial features. Mula sa malalagong kilay. Malalalim at nangungusap na mga matang pinarehas ng makakapal at mahahabang pilik mata,matangos na ilong, mapupulang labi at mataas na cheek bone na tila sa isang modelo. Ang pinagkaiba lamang nila ay ang haba at kulay ng buhok. While her mom has a blonde with highlights hued short hair. Mary preferred hers to be naturally long and black as ebony. Pisikal na anyo lang rin ang namana niya rito. Ang pag-uugali, kilos at artistic side ay nakuha naman ng dalaga sa namayapang ama. Ngumiti si Mary at pinasadahan ng tingin ang repleksyon sa salamin. Suot ang pulang satin dress na iniregalo ng Ina noong birthday niya na hanggang tuhod ang haba, hapit sa katawan at lumutang ang mala-gatas niyang kutis sa matingkad na kulay. Bibihira siyang magsuot ng damit na kita ang likuran at cleavage. Medyo konserbatibo kasi siyang tao. Pero exempted ang araw na ito dahil mahalaga ang pagtitipon na gaganapin ngayong gabi. Pumihit na paharap sa Ina si Mary nang makonteto sa itsura. Pinagmasdan siya nito habang iniipit sa likod ng tainga niya ang ilang hibla ng buhok na kumawala sa mukha. "Are you sure you want to do this?" Dumaan ang kislap ng pag-aalala sa mga mata nito. "I've decided, Mom..." mahina ngunit matatag niyang tugon. Para na rin ito sa ikabubuti niya. At sa ikabubuti ni... Naputol ang anu pa mang iniisip niya nang magsalita ang ina. "Well, susuportahan kita sa kung ano mang desisyon mo. But know that, I always want you to be happy. Kami ng Daddy Francis mo." Huminga ito ng malalim saka hinawakan ang kamay niya. "I know, Mom. And I'm happy." Pinilit niyang ngumiti." "O siya! Halika na nga at naghihintay na ang mga bisita sa ibaba." Magkaagapay na lumabas ng silid ang mag-ina at tinahak ang hagdanan pababa. Rinig ang masasayang tawanan ng mga bisita at up beat na music pagpasok nila sa kitchen. "There you go, you two!" Masayang ani Francis suot ang isang two piece black suit na sinalubong ang mag-ina. Fifteen years old si Mary nang pakasalan nito ng kaniyang Ina. Mula noon ay si Daddy Francis na tumayong niyang ama. Naging napakabuti nito sa kaniya. Pinag-aral siya sa magandang eskwelahan at sinuportahan ang passion niya sa pagpipinta. Kaya naman gusto niyang suklian ang kaibaitan nito na tila kulang pa ang pagiging masunurin niyang anak. She always wanted to pleased her parents. To be the perfect daughter even though she's far from it. "You look stunningly beautiful, My Daughter," bakas ang paghanga sa mga matang usal ng Ama-amahan. "Thank you, Daddy Francis." Inialok nito ang isang bisig at kumapit roon si Mary. Sa kabilang naman ay humawak ang asawang si Madeline na tumingala pa rito bago humilig sa balikat. "Are you ready? Hindi na makapaghintay ang mga bisita!" Nilingon ni Francis ang mag-ina. "Yes, Love," sagot ni Madeline. Tumango naman si Mary. Binuksan ng stepfather niya ang sliding door palabas sa back yard at sumalubong sa kanila ang masigabong palakpakan at sunod-sunod na kislapan ng mga camera. "Let's all welcome Mr. and Mrs. De Asis and the future bride!" Kinamayan ni Francis at Madeline ang naghihintay na sina Don Martin Alfonso, ang founder at CEO ng Alfonso's Farm Corporation na pag-aari ang ekta-ektaryang taniman ng mga gulay at prutas na nag-iimport ng mga dekalidad na goods iba't ibang parte ng Asya, ang anak at kanang kamay nito sa pagpapalakad na si Mark at ang apong si Marco Alfonso na tagapag-mana at susunod na CEO. Lahat ng mga ito ay nakasuot ng magarang Francis Libiran made na suit and tie. Hindi rin maitatanggi ang tinatanging yaman sa mga suot na mahahaling relo at sapatos. "Finally!" Masayang ani Don Alfonso na tinapik-tapik sa balikat si Francis at kumikislap ang mga matang binalingan si Mary sa tabi nito. "Welcome to the family, hija!" "We are pleased to have you as the newest member of the family," dagdag naman ng anak ng na Don na si Mark Alfonso. Hinanda ni Mary ang praktisadong matamis na ngiti sa mga labi. "Thank you po, Don Martin and Sir Mark," magalang na aniya't nagmano sa dalawa. Iwinasiwas ng matanda Don ang kamay. "Magiging in law ka na namin in no time! You can call me Lolo from now on!" "Dad was right," pag-sang-ayon ni Mark. "Daddy na rin ang itawag mo sa akin." "Okay po... L-Lolo, D-Daddy..." gustong mapangiwi ni Mary pero pinigilan niya ang sarili. Kailangan na niyang sanayin ang sarili. Dahil dalawang linggo mula ngayon ay magiging isang ganap na Mrs. Alfonso na siya. Asawa ng future leader at CEO ng Alfonso Corporation. Tama. Ngayon ginaganap ang engagement party niya. Subalit hindi tulad sa mga ikinikasal— walang namamagitang kahit ano sa kanila ng magiging groom niyang si Marco Alfonso. Everything between them is arranged and fixed by their parents. Anak ito ng isa sa malapit na business partner ng ama-amahang si Francis De Asis at tagapagmana ng mga Alfonso. Matagal nang nagpapakita ng interest ang matandang Alfonso sa mga De Asis na pagbuklurin ang dalawang kilala at makapangyarihang angkan. At makaraan nga ang ilang buwan ay kinausap ni Don Alfonso ang mga magulang ni Mary at inihayag ang plano nitong, arrange marriage para sa apo. Nang marinig ni Mary ang pag-uusap sa library, walang pagdadalawang isip na nilapitan niya ang mga magulang at sinabing handa siyang magpakasal. Bukod sa nais niyang paluguran ang mga magulang na ginagawa na ni Mary mula pa noong mapunta sa poder ng Ina. Alam niyang 'yon lang rin ang paraan upang ibaling sa iba ang maling nararamdaman para sa maling tao... Gumitaw sa isipan ni Mary ang imahe ng isang lalaki na kahit lumipas man ang maraming taon ay hindi maalis-alis sa isipan niya. Hindi mawala-wala sa mga panaginip niya ang imahe nilang dalawa na alam niyang kasalanan. Him claiming and owning her... Pasimpleng ipinilig niya ang ulo upang hamigin ang sarili. Napaka-sama naman niyang isipin ang ibang lalaki gayong kasama niya ang mapapangasawa ngayon. Hindi man nila mahal ang isa't isa, mangangako siyang magiging tapat rito kahit anong mangyari. Lumapad ang ngiti ng Don. "So, ano pa bang hinihintay natin?" Nilingon nito ang ama-amahan niya at sinenyasan ang host na ibigay rito ang microphone. Tinanggap 'yon ni Francis at humarap sa mga bisita na nagsipagtahimik. "Good evening, everyone. Hindi na marahil lihim sa inyo bakit namin kayo inimbatahan sa okasyong ito. We all gathered you here to announce the engagement of our very own Mary and Marco Alfonso the next CEO of Alfonso's Corporation!" Inulan ng hiyawan at palakpakan nang magtungo sa unahan ang dalawa. Pumihit paharap sa isa't isa para isuot ang engagement ring na dinukot ni Marco sa bulsa nito. "Apo, ano pang hinihintay mo?" Baling ng Don sa apo nito. "Isayaw mo naman si Mary!" Inayos ng binata ang kurbata tsaka inilahad ang isang kamay sa kaniya. "May I?" Nagtilian naman ang mga bisita. Habang nangingiting nagkatinginan ang mga magulang ng dalawa. Masayang-masaya sa nalalapit na pagbubuklod ng dalawang pamilya. Isang palsipikadong ngiti ang ibinigay ni Mary kay Marco nang abutin ang kamay nito. Nang dalhin siya nito sa nagsisilbing dance floor, tumugtog ang isang mabagal na awitin. Inalapat ni Marco ang mga kamay sa maliit na beywang ni Mary. Ipinatong naman ng dalaga ang mga kamay sa balikat nito at nagsimula silang sumabay sa malamyos na tugtugin. "Napakaganda mo, Mary," buong paghangang sambit nito nang yumuko sa bandang tainga niya. "T-Thank you..." "Ngayon ko hindi pinagsisihan ang alok ni Lolo..." Nag-angat ito ng tingin at hinuli ang paningin niya. "In just a few months... you will be my wife... I can't wait to have you..." Tumindig ang balahibo sa buong katawan ni Mary nang makita ang pagnanasa sa mga mata nito. Hindi kilig na pagtindig. Kundi kilabot. gustong-gusto na niyang umalis roon at iwanan ang binata. Subalit nang mapalingon sa mga magulang na nakangiting pinanonood ang pagsasayaw nila, nanatili si Mary. "Thank you to our future Mr. and Mrs. Alfonso," anunsyo ng host. Noon lang niya namalayan na tapos na pala ang kanta. Mayamaya lamang ay nilapitan na sila ng mga bisita. Ilang beses pang pinagbigyan ni Mary ang mga kalalakihang gustong makipag-sayaw sa kaniya kabilang na roon ang stepfather niya, si Don Alfonso, ang future father-in-law na si Martin at ilang pang business colleague ng mga ito bago idahilan na tutungo siya sa ladies room para mag-retouch. Nang mapansing hindi nakatuon ang atensyon ng mga bisita at magulang sa kaniya, malalaki ang hakbang na pumasok ang dalaga sa loob ng mansyon. Gusto na muna niyang mapag-isa. Sumasakit na rin ang paa niya sa suot ne heels. Hindi naman kasi siya sanay sa ganitong matataaas ang takong. Binaybay ni Mary ang daan patungo sa lanai para sana doon magpahinga, subalit pagliko sa dulo ng pasilyo— kamuntikan siyang mapahiyaw sa mala-bakal na kamay na humawak sa magkabilang palapulsuhan niya at hinigit siya pasandal sa pader. Her heart was hammering inside her chest. Oh, my, god! Nalooban ba sila? Pero impossible! Nasa isang exclusive subdivision ang De Asis Residence! Nasa madilim na parte sila ng mansyon kaya hindi maaninag ng mabuti ni Mary ang mukha ng kaniyang capturer. Pero sigurado siyang lalaki 'to. He was tall. Umabot lang siya sa balikat. Malapad rin ang pangangatawan at malaking bulto. "Sino ka? Bitiwan mo ako," malumanay subalit matatag na tanong ni Mary. Imbes na sumagot— hinila siya ng lalaki palabas ng mansyon. Pumiksi siya subalit mariin ang pagkakahawak nito sa kaniyang kamay. Nang marating nila ang lawn pumihit ito paharap sa kaniya at nalunok ni Mary ang anumang nais sabihin nang maliwanagan ng ilaw sa lamp post ang mukha nito. "Anong pumasok sa isip mo at bigla naisipan mong magpakasal sa taong hindi mo kilala, ha!" Subalit nanatiling nakatulala si Mary sa gwapong mukha ng lalaki. Awang pa ng bahagya ang mga labi. Hindi alintana ang galit sa mga mata nito. "Answer me! Damn it!" "Duke..." mahinang usal niya sa pangalan ng walang iba kundi ang kaniyang stepbrother.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD