KABANATA 2

1512 Words
LUMIPAS pa ang ilang sandali bago natauhan si Mary at nakuhang magtanong sa binata. "W-What are you doing here?" Dalawang taon na ang nakalipas nang huli sila nitong magkita. At ang huling beses na 'yon tulad ng madalang na pagkakataong mag-usap sila ay nauwi pa sa tensyon. Duke and Mary basically grew up together as a teenager after their parents decided to marry each other. Okay naman sila. Maayos ang samahan nila. Dito pa nga niya unang ipinapakita noon ang mga obrang natatapos ipinta. That's what she thought. Dahil pagtuntong nila ng kolehiyo, biglang nagbago ang pakikitungo ni Duke sa kaniya sa hindi malaman na dahilan ni Mary. He became distant and cold. Kahit anong isip ang gawin niya kung may nasabi o nagawa bang hindi nito nagustuhan ay wala siyang matandaan. Sa tuwing susubukan naman niya 'tong kausapin noon, ramdam ni Mary ang matinding tensyon sa pagitan nila. Ramdam niya ang pag-iwas nito na para bang kahit tumingin sa mga mata niya ay hindi kayang gawin ng binata. Nasaktan at nalungkot siya. Mula noon pinagkasya na lang ni Mary na pagmasdan ito mula sa malayo. Nang makapagtapos ito sa kolehiyo ay umalis na ito sa bahay nila. Kay Daddy Francis na lang siya sumasagap ng balita tungkol sa binata. At ang huling narinig niya ay nasa England ito dahil sa business expansion ng mga De Asis. What brought him home? "What?" Umangat ang sulok ng labi nito kaya bumalik ang atensyon ni Mary sa binata. "I don't want miss my sister's engagement party." Hindi nakaligtas sa kanya ang sarcasm sa tono ng boses nito. Marahil ay napilitan lang itong umuwi dahil sa pangungulit ni Daddy Francis. At malamang ipinaalala rin dito na ano na lang ang sasabihin ng mga Alfonso na ang pumalit na Presidente ng De Asis ay wala sa merging ng dalawang makapangyarihang angkan. It could make gossips. Tama. Iyon ang tunay na dahilan bakit ito umuwi. It's not about her. Ano bang papel niya sa buhay nito? Wala. Huminga ng malalim si Mary. Ibinukas ang labi upang magsalita subalit naunahan na naman siya ng lalaki. "Hindi mo pa sinasagot ang tanong ko. Anong naisipan mo at pumayag kang magpakasal sa lalaking ni hindi mo kilala?" "Nasa tamang edad na ako, Duke. May karapatan naman siguro akong magdesisyon para sa sarili ko." "Magdesisyon para sa sarili mo?" Nanunuyang ulit nito. "Akala mo ba hindi ko alam na ipinagkasundo ka lang ni Daddy diyan sa mga Alfonso? Ayan pala ang may sariling desisyon, huh?" Namula ang pisngi ni Mary sa pagkapahiya. Hindi na siya nagtaka na alam ni Duke ang tungkol doon. Alam nitong noon pa gusto ni Don Alfonso na maging isa ang pamilya nila. Sa katunayan si Duke at ang bunsong anak ng Don ang naunang ipinagkasundo subalit, mariin 'yong tinutulan ng binata. At naging dahilan bakit hindi rin ito mapirmi noon pa sa bahay nila. Napayuko si Mary, nilaro-laro ng mga daliri ang laylayan ng suot na dress. "It may have been arranged by Don Martin and Daddy Francis but... I willingly agreed to it, Duke." Nakagat niya ang ibabang labi nang marinig itong mahinang magmura. "You willingly agreed kasi gusto mo na namang i-please ang mga magulang natin! Gusto mo na naman silang pasayahin!" Mariin niyang nakagat ang ibabang labi at nanatiling nakayuko. "Bakit... mali ba na isipin ko ang kaligayahan ng mga magulang natin? Ikaw ba, hindi mo iniisip si Daddy Francis at Mommy? Tumatanda na sila at nalulungkot dahil halos hindi ka man lang nangungumusta sa kanila kundi ka pa tatawagin ni Daddy Francis," panunumbat na usal niya. Ilang sandaling namayani ang katahimikan bago narinig niya ang pagbuntong hininga nito. "Sorry. Hayaan mo, dadalasan ko ang pag-tawag sa kanila." Naging malumanay ang tono nito pero iglap rin ay nagbago. "Sandali, huwag mong ibahin ang usapan, Mary Avery. Hindi mo alam 'yang pinapasok mo! Pinilit ka ba ni Daddy na magpakasal diyan sa Marco na 'yan?" Mapanganib na tanong nito. Mabilis siyang nagtaas ng tingin. Hindi makapaniwalang tumitig sa mga mata nito. Really, naiisip nitong gagawin 'yon ni Daddy Francis? Kilala naman ni Duke ang Ama nila na, walang ibang iniisip kun'di ang kaligayahan at kapakanan nilang dalawa. "Of course not! Duke, sarili kong pasya 'yon. At buo na ang desisyon ko. I will marry Marco Alfonso and no one can change my mind," namumula ang pisnging matigas niyang sinabi. At tulad nang madalas na gawin ni Mary kapag alam na mauuwi sa isang argumento ang pakikipag-usap dito, tumalikod siya. Narinig pa niyang nagmura ang binata bago walang lingon-lingon siyang naglakad palayo. Tila nahahapong huminto si Mary at itinukod ang isang kamay sa pader habang ang isa ay nasa dibdib. Tanaw niya mula sa kinaroronan ang nagsasaya at maingay na bisita. Sa tagilirang bahagi ng mansyon siya dumaan kaya walang nakakapansin sa kaniya roon. Nakahinga pa siya ng maluwag nang hindi siya sundan ni Duke. Hindi niya maintindihan ang lalaking 'yon. He hated her. So, why he suddenly acting as if he is concerned with her? Bakit para itong nagagalit sa pagpapakasal niya? Ayaw ba nito 'yon? Hindi na ito kukulitin ni Daddy Francis na pakasalan ang anak ng Don. Ilang beses na huminga ng malalim si Mary para ibalik ang composure bago muling naglakad at nakihalobilo sa mga bisita kahit hindi siya sanay na gawin 'yon. Subalit sa bawat kilos at galaw niya, hindi man siya lumingon. Ramdam ni Mary ang mga matang tila nakasunod ang tingin sa kaniya. "Hey, are you okay?" bulong ni Marco sa kaniya nang mapansing kanina pa siya walang imik. "Ah... yeah. Medyo, masakit na kasi ang paa ko," pag-amin niya. "Come on. Let's go back to our table," aya nito sa kaniya pagkatapos nilang kumustahin at magpaalam sa ilang relatives nitong um-attend sa party. Nakangiting tumango si Mary at kumapit pa sa braso ng binata. Hindi niya inaasahan na naroon na rin pala si Duke sa mesa kung nasaan ang mga magulang. Nakikipag-kwentuhan ito sa mga naroon na tila hindi siya nito nakikita. Na parang hindi sila nag-usap kanina lang. "Oh, here are the love birds!" Kinikilig na pumapalakpak si Astrid. Ang Ina ni Marco. "Ma'am Astrid," humalik si Mary sa pisngi ng ginang. "Shush! Mommy na lang ang itawag mo sa akin! Soon ay magiging anak na rin kita!" "O-Okay po... M-Mommy..." naiilang na sabi ni Mary. Nanatili ang palsipikadong ngiti sa labi habang umuupo sa silyang hinila ng fiancè para sa kaniya. "Anyway we're talking about your wedding." Pagpapatuloy ng ginang na nakabaling sa katabing anak na si Marco. "Ang gusto namin ng daddy mo ay sa LA dahil most of our relatives lives there. Pero ang suggestion ng grandparents mo ay sa Greece." "Yes! We want it to be the grandest wedding of the year!" singit ni Doña Guada. Ang may bahay ni Don Martin. "What do you, Madeline?" "Why don't we ask them." Ngumiti ang Ina ni Mary at binalingan sila ni Marco. "Saan niyo ba balak magpakasal?" "I want the best for my future wife," tugon ni Marco na nagniningning ang mga matang titig na titig kay Mary. "Anywhere... You name the country or city, Sweetheart. New York, Paris, London, Greece? Kahit saan." "Aww... my ever sweet loving baby boy!" Napapabuntong hininga at tila nanaginip na sumalong-baba si Astrid na pinagmamasdan sila. Hindi malaman ni Mary kung ngingiwi ba siya o ngingiti ngayong nakatuon na ang atensyon ng lahat sa kaniya. Hindi siya sanay na pinag-uukulan ng pansin at lalong ayaw niya ng engrandeng kasalan. Sa mundong ginagalawan nila, sa alta sosyedad— big deal ang kahit na anong gathering lalo na ang kasalan at merging ng dalawang kilalang angkan. Kaya paano siya tatanggi? Lalo na kung ngayon pa lang bakas na mukha ng future in-laws niya ang excitement at pag-asam sa kislap sa mata ng mga ito. "A-Ah..." pasimple siyang huminga ng malalim. "L-LA would be nice..." Umismid si Duke. "Doesn't you like crowded places?" Pagkatapos ay bumaling ito kay Marco. "I bet your future groom didn't know about that, right? Dahil ngayon n'yo nga lang halos nakilala ang isa't isa." Nagkibit ng balikat ang binata. "Yeah. But we have forever to get to know each other." Sabay kindat at akbay sa kaniya. Pansin ni Mary na nagsalubong ang kilay ni Duke kaya kaagad siyang nagbaba ng tingin nang balingan siya nito. Why does he have to embarrassed her infront of her future husband and in-laws? Ganoon ba talaga katindi ang galit nito sa kaniya? "Duke," mahinahong awat rito ng stepfather niyang si Francis. "He just landed tonight at dumiretso na rito sa party. You know, my son is grumpy when he has jetlag." Nagtawanan ang iba pang nasa mesa sa birong 'yon ng ama-amahan na clearly ay sinabi lang nito upang pagtakpan ang hindi magandang inasal ni Duke. Pasimple nag-angat ng tingin si Mary at nakitang nakasimangot na ang binata. Mabilis rin siyang nag-iwas ulit ng tingin nang bigla itong lumingon sa direksyon niya. Kung pasimple sanang sinulyapan ulit ni Mary si Duke, nakita sana niya ang masama nitong tingin sa braso ni Marco na nakaakbay pa rin sa balikat niya...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD