KABANATA 3

3071 Words
KINAUMAGAHAN nagising si Mary na medyo masakit ang ulo. Naparami kasi ang inom niya ng ladies drink. Hindi na rin niya namalayan kung anong oras umuwi si Marco dahil pagkatapos ng party, nanatili pa ang lalaki at nagkwentuhan sila sa lanai. Maayos naman kausap ang binata. Kabaliktaran niya ay marami itong kwento tungkol sa sarili nito, mga achievements at ang nalalapit na pag-upo bilang presidente ng Alfonso Corporation. Sinabi rin ng lalaki na gusto nitong maging maayos ang pagsasama nila oras na makasal sila at gusto pa siyang kilalanin ng lubusan kaya inaya siyang kumain sa labas. Pinaunlakan naman ni Mary ang pag-anyaya ng binata. Tutal naman ay wala rin siyang i-me-meet na kliyente after office hour today. Napalingon siya sa pinto nang marinig ang sunod-sunod na katok roon. "Ma'am Mary," anang boses ng kasambahay. Kabisado na ng mga ito ang gising niya kapag weekdays. "Handa na po ang breakfast." "Susunod na ako, Melba," tugon ni Mary sa boses na sapat upang marinig sa labas ng silid. "Salamat." Bumaba siya sa kama nang marinig ang papalayong yabag ng kasambahay. Dumiretso siya sa banyo na nasa loob ng silid at naghilamos. Pinalitan na rin niya ang pajama ng simpleng puting dress. Naabutan ni Mary ang mga magulang na nag-aalmusal pagpasok niya sa dining area. Napangiti siya nang makitang nagsusubuan pa ang dalawa. Isang dekada ng kasal ang mga ito pero walang nagbabago sa sweetness. That's good. Hindi nasayang ang pagsasakripisyo niya sa sariling kaligayahan. At kahit pa gaano maging abala ang dalawa sa kani-kanilang trabaho, hindi pumapayag ang mga ito na hindi sila sabay-sabay na kumain ng agahan. "Morning," niyakap ni Mary si Francis mula sa likuran at hinalikan naman ang ina sa pisngi bago naupo sa pwesto niya. Sa tabi ni Madeline. "Hindi ko na ata namalayan na umuwi si Marco," may himig ng panunuksong anang Mommy niya. Sinenyasan nito ang kasambahay na nakatayo sa gilid para lagyan ng kape ang tasa niya. "Medyo late na siya nakauwi, Mom. Hindi na namin namalayan ang oras." "It seems like you two get along well. That's good," nasisiyahang komento ni Francis. "Mapapanatag na kami ng mommy mo kapag kinasal na kayo." Tipid na ngiti ang naging tugon ni Mary. Hiling rin niyang sana nga ay maging maayos ang pagsasama nila ni Marco. Lahat naman ng bagay natutunan, hindi ba? Kahit ang pagmamahal... "Oh, good morning, hijo!" Lumingon ang Mommy niya sa bagong pumasok sa kusina. Sinundan 'yon ng tingin ni Mary at nakita si Duke na naglalakad palapit sa mesa, suot ang puting tshirt at itim na shorts. Medyo magulo pa ang buhok. Halatang bagong gising. Naupo ang binata sa kabilang pwesto sa tabi ni Daddy Francis na nakaupo sa sentro. Lumapit kaagad ang katulong at nilagyan ng kape ang tasa nito. "Did we wake you up?" May pag-aalangang tanong ni Madeline na nakaupo sa harapan nito. "It's fine," tipid na sagot ni Duke bago sumimsim sa kape nito. Pasimple pa itong sumulyap kay Mary. "Nasanay kasi kaming sabay-sabay na nag-aalmusal. You know? It's better to start the day with your family." "I agree with you, sweetheart," Pagsang-ayon ni Francis na malambing pang hinaplos ang kamay ng asawang nakapatong sa ibabaw ng mesa. "Minsan na lang tayo makompletong pamilya. Mabuti pa ay mag-bonding tayo habang nandito si Duke." Nakangiti itong bumaling kay Mary at Duke. "What do you think?" Nakatinginan sila ni Duke. Umangat ang sulok ng labi nito kaya nagbaba ng tingin si Mary. Hindi talaga niya matagalan ang mga titig nito na tila ba isa siyang bukas na libro at nababasa nito kung ano mang nasa isipan niya. "That would be a nice idea, Dad," sagot ni Duke. "What about dinner tonight? I'll make the reservation." "Oh, so thoughtful of you, Duke!" Nakahawak sa pisnging bulaslas ni Madeline. Mangiyak-ngiyak pa ito. Himala kasi ang ganitong pagkakataon na sumama at pagbigyan ni Duke ang mga magulang nila kapag umuungo ng bonding time mula pa noon. At ito pa talaga ang magpapareserve. Ang problema nga lang ay may dinner date sila ni Marco. Nakagat ni Mary ang ibabang labi. Ayaw man niyang sirain ang kasiyahan ng mga magulang, nakakahiya namang i-cancel ang nauna nang nakaplanong lakad niya. Lalo't nakapagpa-reserve na ang binata kagabi. Siya pa ang pinapili ng restaurant. Alanganing binalingan ni Mary ang mga magulang. "A-Ah, Mommy, Daddy Francis..." mahinang usal niya. Sabay na tumingin ang dalawang matanda sa kaniya, kunot ang noo. "What is it, hija?" Si Francis. "I have plans tonight... sorry kung hindi ako makakasama sa dinner." "Plans? May tinatapos ka bang painting? I told you, once in a while magpahinga ka naman, anak." "N-No, Mom... I'm going out with... with... Marco tonight." "Oh..." sabay pang usal ng mag-asawa. Umismid naman si Duke. "So, mas mahalaga ang Alfonso na 'yon kaysa sa pamilya mo?" Sarkastikong sabi nito na pinagdiinan ang salitang pamilya. Nakagat ni Mary ang ibabang labi. Inuusig na ng konsensya. "Duke," malumanay subalit may bahid ng babalang ani Francis sa anak nang mapansin ang pag-yuko ng dalaga. "Nauna na nga namang magyaya si Marco sa kapatid mo. Nakakahiya kung babawiin pa niya. We can move the reservation next week." "She's not my sister," malamig na tugon ng binata na nakapagpataas sa boses ni Francis. "Duke!" "Dad..." nag-aalalang hinawakan ni Madeline sa braso ang asawa para awatin ito. Lalo namang dumiin ang pagkakagat ni Mary sa ibabang labi. "Let's not make this a big deal." Mahinahon na nang magsalita si Francis. "Ako na lang ang magpapa-reserve ng dinner natin next week." "Mabuti pa nga, Dad..." Sang-ayon ni Madeline at pilit na nginitian si Duke at Mary. "Oh, siya... kumain na tayo." Hindi na muling nagsalita pa si Duke, subalit nanatiling seryoso ang anyo nito. Pinilit naman ng magulang nila na umakto ng normal kahit ramdam ni Mary ang tensyon hanggang sa matapos silang mag-agahan. Napabuntong hininga si Mary pagkatapos maghanda sa pag-alis. Walang isang oras na biyahe ay nakarating siya sa mall kung saan may pwesto at pag-aari niya ang isang Art Gallery. Dito nakadisplay at ibinibenta ang mga obra niya. Tumatanggap rin siya ng digital at traditional painting comission. Galing sa sariling pera at pagod noong nag-ta-trabaho pa sa kumpanya ng Ama-amahan ang ipinangpatayo ni Mary sa maliit niyang business. Katataman lang ang laki niyon sapat para sa isang maliit na studio kung saan ipinipinta niya ang mga for comission na painting at espasyo para sa mga obra niyang nakasabit sa pader. "Good morning, Ms. Mary!" Bati sa kaniya ng assitant na si Tessa. "For pick up po today 'yong mga paintings na binili at pinakomisyon ni Mr. Altamirano. Tumawag po siya kani-kanina lang bago kayo dumating." Napahinto sa akmang pagpihit ng doorknob ng studio niya si Mary para lingunin ang babae nang marinig ang pangalan ng isa sa mga kliyente. "So... siya na ba ang pi-pick-up ng mga paintings this time?" "Hindi po, Ma'am. Ipakukuha raw niya sa driver niya," umiiling na tugon ni Tessa. Nakaramdam ng kaunting panghihinayang si Mary, kahit pa nga inaasahan na niya ang bagay na 'yon. Kolehiyo si Mary nang matuklasan niya ang isang lumang art gallery malapit sa pinapasukang unibersidad na bumibili ng obra ng mga indie artist at mga estudyanteng nangangailan ng pang-tuition basta nakitaan ng may-ari ng potensyal. Madalas siyang pumunta roon dati. Hindi para magbenta ng paintings, kundi para aralin ang iba't ibang stroke at techniques ng bawat obra na naroon. Hanggang sa makilala at maging kaibigan niya si Tiu ang tsinay na may-ari. Hinimok siya nitong ilagay roon ang kauna-unahang painting piece na dapat ay itatapon na ni Mary tulad kung paano niya gustong itapon ang lihim na nararamdaman para sa taong ipininta roon. At wala pang isang linggo nang bilhin 'yon ng nagngangalangang Mr. Altamirano. Pati na ang ibang paintings niya na tulad ng naunang subject. Mula noon ay naging masugid na niyang kliyente ang lalaki. Hindi iisang beses na timaan si Mary ng kuryosidad. Kaya personal niyang inimbeta ang binata through email na nakita niya sa calling card na pinaiwanan ng binata sa driver nito. Tumanggi ito subalit iyon ang naging simula nang mga pagpapalitan nila ng emails. Minsan ay nangungumusta pa ito at bumabati sa mahahalagang okasyon. Subalit hanggang ngayon ay hindi pa rin niya ito nakikita ng personal. "I get inside," aniyang binuksan ang pinto. "Ihanda mo na rin pala 'yong portrait na comission ni Ms. Jane Amon. Her husband will pick it up after lunch." Nakita pa ni Mary na namilog ang mga mata ng assitant sa kilig bago siya pumasok sa loob ng silid. Who wouldn't? Aside from being the top actor in the country, sikat rin na direktor si. Mr. Leviticus Amon. Napapailing na inihanda na ng dalaga ang mga gagamitin sa pagpipinta. Kinuha niya ang canvass na nakasandal sa sulok katabi ng mga canvass na iba't iba ang laki. Ilan sa mga 'yon ay tapos na niyang ipinta at pwede nang i-display sa gallery. Ang iba naman ay bibilangin pa ang linggo, kung minsan ay buwan pa nga bago niya matapos. She's a type of artist na mabagal trumabaho, pero pulido naman ang pagkakagawa. Bawat obra ni Mary ay pinag-uukulan niya ng buong atensyon, effort at emosyon. Kaya kahit bago pa lang sa industriya, may mangilan-ngilan nang mga art organization ang kumilala sa kaniya, without the help of her parents, especially her stepfather na noon pa man ay ipinipilit nang tulungan siya sa career niya. Subalit mariin ang pagtanggi ng dalaga. Gusto niyang maabot ang pangarap sa sarili niyang kakayanan at paraan. Hindi dahil sa koneksyon ng Ama-amahan. Ipinuwesto na niya ang kinuhang canvass na nagawan na ng sketch ayon sa nais ng kliyente sa ibabaw ng wooden easel. Pagkatapos dinampot niya ang manipis na paint brush saka nag-mix ng pintura sa tray pallette at nagsimulang marahan na ihagod ang brush sa canvass. At sa lumipas na mga sandali tanging ang obra na lamang ni Mary ang nakikita niya. "Ma'am Mary!" Sunod-sunod na pagkatok sa pinto ang gumambala sa kaniya. Itinigil ni Mary ang ginagawa at tiningnan ang oras sa orasan na nakasabit sa itaas ng pader. Mag-aalas sais na pala ng hapon. Hindi na niya namalayan ang paglipas ng oras dahil sa pagpipinta. "May naghahanap po sa inyo." Nilingon niya ang nakapinid na pinto. "Pakisabing susunod ako, Tessa. Thank you!" "Okay po, Ma'am!" Niligpit na niya ang mga ginamit at dinampot ang shoulder bag na nakapatong sa ibabaw ng desk. Marahil ay si Marco na 'yon. Nagtext kasi ang binata na patapos na ang meeting nito. Subalit natigilan si Mary na hindi ang inaasahang lalaki ang naabutan roon kundi si Duke. Nakatayo ito patalikod sa kaniya, nakapamulsa habang pinagmamasdan ang isa sa mga paintings na naka-display roon. "Ma'am... grabe! May schoolmate pala kayong ganyan ka-gwapo!" Kinikilig na bulong sa kaniya ni Tessa. "School mate?" Kunot noong lingon niya rito. "Opo! Iyon ang sabi niya. Iisa raw po kayo ng pinapasukang university noon." Bumalik ang tingin ni Mary sa binata. "Sige na. Maghanda ka na rin sa pag-uwi." Tumango ang dalaga bago kinikilig pang tumalima. What is he doing here? Kahit pa naging hobby ni Duke na parang kabuteng bigla na lang susulpot? Naglakad si Mary palapit sa binata. Eksaktong isang hakbang ang layo niya rito nang lumingon ito sa kaniya. Tumingala si Mary at nagtama ang paningin niya. Tumaas ang sulok ng labi nito kaya mabilis siyang napaiwas ng tingin. "W-What are you doing here?" Damn. Bakit ba palagi na lang siyang nauutal kapag kaharap ang lalaking 'to? Well, sino ba namang hindi? Kung ang titig nito ay tumatagos sa buto niya... "I want to surprise our parents. Itinuloy ko ang reservation," walang gatol na sagot nito. Umangat ang tingin niya rito. Hindi pa niya naibubukas ang bibig nang magsalita ulit ito. "Tulad nga ng sinabi ni Daddy kanina ngayon lang tayo mabubuo. At hindi ko rin alam kung kailan mauulit 'to." "Bakit... hindi ka ba magtatagal dito sa Pinas?" Lakas loob na tanong niya. "No. Umuwi lang ako para sa engagement party. Aalis rin ako tomorrow morning at babalik na lang ulit sa wedding day." "Oh..." he really did went home for her... pero bakit taliwas ata 'yon sa inaasal nito mula pa kagabi... "So..." inilabas nito ang kamay na nakapaloob sa bulsa ng pantalon at tiningnan ang oras sa pambisig na relo. "We still have an hour. Sila Mommy Madeline at Daddy sinabihan ko na rin. They are on their way to the restaurant. I told them na dadaanan kita. Ano? Sasama ka?" Bahagya itong yumuko para magpantay ang mukha nila. Marahan pang napasinghap si Mary nang ngumiti ito at lumabas ang pantay-pantay at mapuputing ngipin. Kapag ganoon ang ngiti ni Duke sa kaniya dati, tila ito isang exotic painting piece. Hirap na hirap siyang alisin ang titig sa mukha nito. "You dont want to dissappoint our parents, right? Minsan lang 'to, Mary... ang Alfonso na 'yon habang buhay mong makakasama kapag kasal na kayo." Nanatiling nakatitig si Mary na bakas ang kalituhan sa anyo sa mukha ni Duke. Sa totoo niyan, inuusig pa rin siya ng konsensya niya. Wala namang hiniling ang ibang magulang nila kundi ang mabuo ang kanilang pamilya. At pakiramdam ni Mary, isa siya sa dahilan kung bakit umalis si Duke. Hindi man lantarang sabihin ng binata. Kita naman sa mga kilos nito noon pa. Malakas siyang napabuntong hininga. At marahan na lang na tumango. "Sige. Sasama na ako." "Good." Tumuwid ng tayo si Duke. Halatang nasiyahan sa sagot niya at lalong lumapad ang ngiti. "Let's go?" Subalit hindi inaasahan ni Mary ang sumunod na nangyari. Napasinghap pa siya at pasimpleng sinulyapan ang braso nitong umakbay sa balikat niya. Bumaba rin doon ang tingin ni Duke. "What?" Nagsalubong ang kilay nito. "Masama ka na bang akbayan ngayon, my dearest little stepsister? We used to be this close when we were young..." Nag-iwas ng tingin si Mary. "O-Okay lang. T-Tara na... para hindi maghintay roon sila Mommy at Daddy." Tahimik na nakarating sila sa basement na pinagpaparadahan ng sasakyan nitong Rolls Royce Boat Tali. Pinagbuksan pa siya ng lalaki ng pinto bago tumulak na sila patungo sa restaurant. Habang nasa biyahe, nagpadala si Mary ng message kay Marco para i-cancel ang dinner date nila. Hindi naman nagalit ang binata at naiintindihan raw nito. Ni-reschedule na lang nila ang naunsyaming dinner date. Ibinalik ni Mary ang cellphone sa loob ng bag at tumanaw na lang sa labas ng bintana. Kumunot ang noo niya nang pumasok ang sasakyan nito sa basement ng isang condominium building. "Anong ginagawa natin dito?" nagtatakang tanong niya pagkatapos nitong iparada ang sasakyan. "Magpapalit sana muna ako ng medyo formal na damit," anitong bumaba ang tingin sa suot na plain black shirt at denim jeans. Though he looks good at it, siguradong sa fine dining ito nagpa-reserve. "O-Okay... hintayin na lang kita dito..." "Sumama ka na sa akin. Gusto ko rin ipakita ang unit ko sa 'yo." Kakaiba talaga ang lalaking 'to. Ang bilis magbago ng mood. Kaninang umaga lang, sinabihan siyang hindi nito kapatid sa malamig na tono. Ngayon naman umaaktong parang close sila. Napapailing na bumaba na lang si Mary nang pagbuksan siya nito ng sasakyan. Tahimik na lumulan sila sa elevator at bumaba sa pent house. Inikot ni Mary ang tingin sa loob. Dominating ang kulay itim at gray sa mga kagamitan. Masarap sa paningin ang organisadong mga kagamitan sa katulad niyang mahilig sa minimal na disenyo. Wala ring dibisyon ang living, dining area at kitchen. Overlooking sa salaming pader ang matataas na gusali. "Have a seat." Dinala siya nito sa living area. Naupo naman si Mary sa kulay gray na leatherette couch at sinundan ito ng tingin nang magtungo sa double door refrigerator. "You want something to drink?" "No. Thank you," tipid na sagot niya. Binuksan pa rin nito ang ref at kumuha ng bottled water doon at tinungga ang laman niyon. Naglakad ito pabalik sa kaniya. "Magpapalit na ako ng damit." Tumango si Mary. "Okay. I'll wait here." Nasundan pa niya ito ng tingin hanggang sa pumasok sa loob ng silid. Hindi naman nagtagal lumabas rin si Duke, suot ang isang itim na lapel suit, itim rin na panloob at slacks. Ngumiti ito at huminto sa harapan niya. "Nagtext si Mommy Madeline. Nandoon na raw sila sa restaurant," imporma nito. Tumayo si Mary at tipid na ngumiti. "Let's go?" Natigilan na naman siya nang i-offer nito ang isang bisig. Bumaba roon ang tingin niya. "What? Ganoon na ba talagang nakakagulat na maging gentleman ako?" "O-Of course not..." nag-iiwas ng tinging mahinang sagot ni Mary. Noong hindi pa siya iniiwasan ng binata madalas kainggitan siya ng mga kaklase sa trato nito sa kaniya na tila isang prinsesa. Hindi niya inaasahan na maari pa palang maulit 'yon.. "Hindi lang ako sanay na ganyan ka na ulit sa kin." Ito naman ang hindi nakapagsalita bago narinig niya ang pagbuntong hininga . "Halika na. Naghihintay na ang sundo natin." Atubiling kumapit siya sa braso ni Duke at sabay na lumabas sila ng unit. Napuno na naman ang pagtataka ang anyo ni Mary na imbes na pababa sa basement ang button na pindutin nito ay sa pinakamataas na floor sila bumaba. Sa rooftop. Nilipad ang buhok ni Mary mula sa malakas na hanging sumalubong kanila. Maingay ang elisi ng helicopter na nakalapag sa helipad "I-Ito ang sundo natin?" Baling niya sa binata. Tumango ito bago inalalayan siyang sumakay sa helicopter. Hindi ito ang unang beses na makasakay si Mary sa helicopter. Katunayan ay may sariling R44 helicopter ang stepfather niya na madalas nilang ginagamit papuntang Boracay kapag naiisipang mag-unwind ng Mommy niya. "Bakit kailangan pa nating sumakay ng helicopter?" Imbes na sumagot ay naupo sa tabi niya si Duke at ito pa ang nagkabit ng kaniyang seatbelt. Ano bang nangyayari? Hindi naman ito isang romantic date na kailangan pa siyang i-impress ng lalaki. At alam ni Duke na hindi siya ganoong uri ng babae. Mababaw lang ang kaligayahan niya. "Malayo ba yung restaurant from here kung ka nagpa-reserve?" tanong ulit ni Mary. Nilingon na siya ni Duke pagkatapos ikabit ang sarili nitong seat belt at tinitigan siya sa mga mata. "I'm sorry.. I lied. Walang reservation." "What do you mean?" Nalilitong lumingon siya sa labas ng helicopter na kasalukuyang nasa himpapawid na at bumalik ang tingin dito. "Then where are we... going?" Kumislot ang muscle sa panga nito't hindi inaalis ang matiim na titig sa mukha niya na tumugon nang, "I'm going to abduct you." Napamaang si Mary. Tila nabingi siya sa sinabi nito. He's going to what... abduct her?!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD