KABANATA 4

2127 Words
Saan siya dadalhin ni Duke? At anong pumasok sa isip nito para i-abduct siya?! Naguguluhang nilingon ni Mary ang binata. "What is this, Duke? Is this some kind of a joke?" Matiim itong tumitig sa kaniya. "Mukha ba akong nagbibiro?" Anitong umangat ang sulok ng labi. Hindi pa nakakapag-react si Mary nang mandohan nito ang piloto. "Sa isla tayo, George." "Copy, Sir!" Isla? Saang isla? Kamuntikan mapatili si Mary nang biglang mag-take off ang helicopter. Kahit nakaupo nawalan siya ng balanse at hindi sinasadyang napasandal sa katabing si Duke. Lumingon ito sa kaniya at nag-alalang hinawakan siya sa braso. "Are you okay?" Marahang tumango si Mary. "Oo, s-sorry..." Nanatiling nakahawak naman si Duke sa siko niya nang balingan ang piloto. "George, magdahan-dahan ka sa pagpapalipad." "Copy, boss! Pasensya na po." Tugon ng piloto. Bumalik ang atensyon sa kaniya ni Duke. At nahigit ni Mary ang hininga nang bigla na lang itong pumihit paharap sa kaniya. Bahagya itong yumuko dahilan upang magpantay ang mukha nila. "W-What are you doing?" Pigil hiningang tanong ni Mary. Umangat ang sulok ng labi ni Duke pagkatapos ay may hinila na kung ano kabilang gilid ng inuupuan niya. "Seatbelt," sagot nitong ipinakita pa 'yon sa kaniya bago ikinabit sa beywang niya. "For safety. I want you safe and sound." tsaka ito muling tumuwid ng upo. Pinakawalan ni Mary ang hiningang pigil-pigil niya. Akala niya ay kakapusin na siya ng hangin. Wala ng isang pulgada ang layo ng mukha nito sa kaniya kanina kaya naman, amoy na amoy ni Mary ang perfume nito, mixed with his manly scent... Bakit gano'n? Kahit lumipas na ang mahabang panahon, naalala at malinaw pa rin sa kaniya ang mga gusto niya rito? And one of those was his natural male scent... Pasimpleng ipinilig ni Mary ang ulo upang hamigin ang sarili. What is she thinking? Duke just abducted her! Hindi ba dapat kinikompronta niya ito? Really, Mary? Komprontahin? You can't even utter a straight sentence while talking to him! Sinulyapan niya ang binatang tahimik na nakabaling sa labas ng bintana. Even in a dim light, she could see how prominent his jaw were. Ilang sandaling nakatitig lang si Mary kay Duke bago napagpasyahang tumanaw na lang rin sa labas ng bintana. Nakita ang unti-unting pag-liit sa kaniyang paningin ng mga gusali, indikasyon papalabas na sila ng syudad... *** HINDI na namalayan ni Mary kung gaano sila katagal na bumiyahe sa himpapawid. Hindi niya malaman kung dahil sa malamig na simoy ng hangin o dahil sa pagod ay nakaidlip siya. Nagising lang si Mary sa malakas na tunog at pakiramdam na tila ba nakalutang. Unti-unting minulat niya ang mga mata at napagtantong galing pala ang malakas tunog sa elisi ng helicopter. They landed? Where? Aktong babangon siya nang matigilan at mapagtantong buhat-buhat pala siya si Duke! Umawang ang labi at napatitig sa siya mukha ng binata. Her heart was beating so fast. Bakit buhat siya nito? Anong nangyari?! Just in time he looked down at her. Umangat ang sulok ng labi nito nang mahuli siyang nakatingin. "What? Hindi na kita ginising. Ang himbing tulog mo kanina." Namumula ang pisnging mabilis siyang nag-iwas ng tingin. "You can put me down now..." "It's fine. Paparating na rin naman ang sundo natin," sagot nitong huminto at tumanaw sa malayo. "Here they are." Sundo? Sandali, nasaan na ba sila? Inikot ni Mary ang paningin at nahulaang nasa dalampasigan sila. Ito ba ang islang sinasabi ni Duke? Natatanglawan ng liwanag mula sa buwan at mga sulo na nakapalibot sa pampang ang paligid. Alam niyang hindi ito pribadong beach, dahil mula sa kabilang panig ng pampang tanaw niya ang bonfire kung saan nakapalibot ang mga kabaang mukhang nag-ca-camping. Rinig din ang malakas na tawanan ng mga ito at langitngit ng gitara. Lumipad sa karagatan ang atensyon ni Mary nang marinig ang malakas na tunog ng makina nang paparating na deck boat. Naglakad si Duke patungo roon na buhat pa rin siya. "S-Sabi ko naman sa 'yo ibaba mo na ako..." Hindi nito pinansin ang sinabi niya at nagpatuloy lang paglalakad hanggang makarating sila sa nakadaong na deck boat sa pampang. Bumaba ang dalawang unipormadong lalaki ang mula sa deck boat. Inalalayan pa siyang makasakay nung isa sa lalaki nang isampa siya roon ni Duke. Sumunod rin ito kaagad saka inutusan na ang mga lalaki na paandarin ang bangka. Tahimik na nakatanaw lang si Mary sa karagatan. Sa bilis ng mga pangyayari hindi na niya alam paanong mag-rereact. Hindi na niya alam anong iisipin. Ang kasalukuyang tumatakbo sa utak niya ay ang mga magulang nilang tiyak na naghihintay na sa restaurant. At malamang ay nag-aalalala na rin. Natigilan si Mary nang maalala ang cellphone sa loob ng purse bag niya. Right! She could send them a message. Luminga-linga siya sa kinauupuan at hindi mapakaling naghanap rin sa kinauupuan ni Duke. Kunot ang noong bumaling ang lalaki sa kaniya. "Anong hinahanap mo diyan?" "My purse." She blinked twice. "Where is my purse?" Bago siya makaidlip alam niyang nasa kandungan niya 'yon. Prente itong sumandal saka pinagkrus ang mga braso sa dibdib at nagkibit ng balikat. "I dont know... Maybe, we left it in the helicopter." "What..." Namilog ang mga mata ni Mary. Lumingon pa siya sa dalampasigan na pinanggalingan na hindi na niya matanaw. "We should go back!" "We're our half way going to the island. And don't be ridiculous, I told I abducted you. Meron bang bihag na may cellphone?" Napansin ni Mary na bahagyang napalingon ang dalawang lalaking staff na nagmamaneho ng deck boat. "Really, Duke?" She hissed at him. "Mamaya ay maniwala ang mga staff sa sinasabi mo!" Yeah. Iniisip pa rin niya ang iisipin ng mga tao rito. Even if he's treating her cold. Balewala itong nagkibit ng balikat. "I don't care. All I care is, I have you now." pagkasabi niyon ay natuon na ang tingin nito sa unahan. All I care is... I have you now. Paulit-ulit 'yong nag-replay sa isipan ni Mary. Bakit biglang itong nagkaroon ng pakialam sa kaniya ngayon? And why does it feels good being noticed by him... again? * * LUMIPAS ang ilang sandaling katahimikan nang mula sa di kalayuan ay matanaw na ni Mary ang isla. It was glowing in the dark of the night. Maliwanag sa bawat panig niyon. Mula sa mga dock na konektado sa gazebo sa may dalampasigan hanggang sa tila tabi-tabing villas pataas sa kabundukan. Nilingon ni Mary si Duke nang dumaong ang deck boat na sinasakyan nila sa pampang. Nauna itong bumaba at inalalayan naman siya saka sila naglakad sa dalampasigan. Two staff wearing a hawaiian outfit greeted them. They have warm and welcoming smile on their faces. "Welcome to the Island of Desire, where you can satiate your wildest fantasy!" Chorus na sabi ng babae. Kamuntikan mabulunan si Mary sa narinig. Island of what... desire? Sandali, puntahan ba ng mga magboyfriend/girlfriend ang island ito? Pinamulahan siya ng pisngi sa naisip. Nahuli pa niyang makahulugan at nangingiting nakatingin sa kaniya ang dalawang staff. She tried her hardest to greet back them. "T-Thank you." "Let's go," ani Duke na hinawakan siya sa siko. Pilit pang ngumiti si Mary sa dalawang staff bago nagpatangay na kay Duke. Iginiya siya nito patungo sa paakyat pathway na gawa sa bato. Nalililiman ng mga dahon iyon ng mga dahon ng punong kawayan na nilagyan ng mga string lights na siyang nagbibigay liwanag sa daanan nila. "You owned this island?" Hindi napigilang tanong ni Mary. Ang alam lang niya kasing pinagkakaabalahan ng binata ay ang pag-ma-manage ng wine business ng mga De Asis kung saan ito na ang pumalit na CEO sa ama-amahan niyang si Francis. And she heard that Duke was doing great. Idea nito ang expansion at collaboration five years ago. So now, he owned an island too? It's not impossible. He's a billionaire. Barya lang rito ang kahit na anong materyal na bagay. "This was a co-owned island. May mga partner ako na nagmamage nito." "Oh..." patango-tangong usal ni Mary. "We have our own villa here. And mine is right here..." inilahad nito ang kamay sa kanya paglabas nila sa pathway at iginiya siya patungo sa isa sa mga villang naroon. Manghang tiningala ni Mary ang tatlong palapag na modern type bali villa habang umaakyat sila sa hagdanan na nasa gilid. Mayroon cliff top pool ang ikalawang palapag ganoon ang pinaka-ibabang bahagi. Ang bubong ay gawa sa nipa palms. Ang mga bintana, pinto at unahan bahagi ng pader na nakaharap sa karagatab ay salamin. Habang napapalibutan ng puno ng bamboo ang paligid. Bumagay ang exterior sa tropical and earthy vibe ng island. Pagkarating sa front main door, may pinindot lang si Duke sa tila intercom na nasa gilid ng pinto at automatic na 'yong bumukas. "Get in." Gumilid ito para bigyan siya ng daan. Mary walked and looked around. Kung maganda sa labas ay mas maganda ang villa sa loob. Centralized ang aircon. Warm ang ilaw mula sa mga chandeliers na naksabit sa ceiling. Minimalist at malamig sa mata ang puti at beige na kulay ng mga furniture sa malawak at malaking living area na mula rin sa kinatatayuan nila ay tanaw ang beach at swimming pool dahil sa salaming pader. "This is... magnificent." Humahangang usal niya. Walang-wala ang mga beach at islang napuntahan na niya rito sa Pilipinas maging sa ibang bansa. "I'm happy you like it here..." wika ni Duke na tumayo sa kaniyang tabi. At sa unang pagkakataon nakita niyang ngumiti ang binata. Ngiting matagal na panahong hindi nakita ni Mary. She was about to smile when he spoke again. "Kung alam ko lang na ganyan ka kadaling kidnap-in noon ko pa sana ginawa." Nang ipaalala nito ang dahilan kung bakit siya nandito, parang nawala ang ganda ng paligid. Ang ngiting sisilay sana sa labi niya ay nilipad ng hangin. "I need to go home, Duke..." Sa isang iglap nawala rin ang ngiti sa labi nito at naging seryoso ang anyo. "Take a rest, Mary. Whatever you say, I can't allow you to go home." Tinalikuran siya nito. "You can have main room facing the beach." Maglalakad na sana ito palayo nang humarang si Mary sa harapan ng binata. "Mom and Dad are waiting for us at the restaurant. Hindi mo ba iniisip na nag-aalala sila sa atin?" Walang emosyon na bumaba ang tingin sa kaniya ni Duke. "Walang dinner date." "What do you mean?" "I lied." He replied. "Sinabi ko lang 'yon para sumama sa akin. And looked I succeeded." Hindi makapaniwalang umawang ang labi ni Mary habang nakatingala sa binata. Isa sa mga ayaw niyang ginagawa sa kaniya ay yung niloloko siya. At ano bang gusto sa kaniya ni Duke para dalhin sa islang 'to? "Ginamit mo pa ang mga magulang natin? To that extent? Really?" Dissappointed na umiling-iling siya. "Ganyan ba talaga katindi ang galit na nararamdaman mo para sa akin?" "Galit?" Sarcatic nitong ulit. "I was never angry at you, Mary." "Never?" Mapait na tugon niya. "Pero hindi 'yon ang pinararamdam mo sa akin. You're treating me as if... I'm not... your..." nanginig ang ibabang ni Mary at yumuko siya. "Sister..." halos pabulong na usal niya. "Because you're not my sister!" Dumagundong ang boses nito sa buong kabahayan. Marahas na nagtagis ang mga bagang. "And it will never be!" Dugtong nito saka walang lingon -lingon na tumalikod at naglakad paakyat sa hagdanan. Mariing nakagat ni Mary ang ibabang labi nang maiwanan siyang mag-isa. Ilang sandaling nanatili lang nakatayo roon at tila may mabigat na bagay ang nakadagan sa kaniyang dibdib... * * NATAGPUAN ni Mary ang silid na uukupahin niya sa ikalawang palapag. Katabi ng silid na inuukupa naman ni Duke. Kaninang pag-akyat niya sakto namang papalabas ang binata. Hindi man lang siya nito sinulyapan. Diretso ang tinging naglakad ito sa hallway at nilampasan siya. Napapabuntong hiningang naupo si Mary sa four foster bed. Dinama niya ang puting satin bed sheet saka dahan-dahang humiga roon. Tulala siyang tumitig sa kisame. Youre not his sister... and it will never be... paulit-ulit na echo sa isipan niya ng sinabi ni Duke. What he said is an indication that he despise her so much... Pero bakit? Wala naman siyang ginawang masama rito. She even tried her hardest to be a sister to him... binalewala niya malamig nitong pagtrato sa kaniya para sa kaligayahan ng magulang nila. Ganoon ba katindi ang galit nito sa kaniya na kahit maging civil ay hindi nito magawa? Dati naman silang nag-uusap. Dati naman silang malapit sa isa't isa. Bakit hindi na lang sila bumalik sa dati... Sa panahong... hindi pa nila alam na mapupunta sila sa sitwasyong ito. Sa panahong, hindi pa sila magkapatid. Tumagilid ng higa si Mary. Kinuha niya ang unan sa kaniyang tabi at niyakap iyon. As she closed her eyes... her memories drifted away to the past... How they've met...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD