KABANATA 5

2532 Words
Nakasuot ng uniporme at magkahawak ng kamay na tinalunton ng dalagitang sina Mary at Kate ang shortcut na daan pabalik sa Trinity National Highschool. Hila-hila ni Mary ang kamay ng kaibigan na kanina pa walang tigil sa pagrereklamo. “Sorry na nga. Hindi ko naman alam na matatagalan tayo, Kate.” Nagpasama siya sa kaibigan para sana pakainin ‘yong nadaanan nilang mga bagong panganak na kuting kahapon malapit sa mall na pinuntahan nila para bumili ng mga gagamitin sa project. Kaso natagalan sila dahil nakita niyang injured ang dalawa sa mga pusa. Kinailangan pa ni Mary na bumili ng first aid kit para gamutin ang mga ito. Turo kasi ng Papa niya, lahat ng may buhay sa mundo— hayop man o halaman ay dapat niyang pangalagaan. Kaya lahat ng nakikita niyang mga pagala-galang aso at pusa, kapag may natitira sa baon niyang pagkain ay pinapakain niya sa mga ito. Madalas rin siyang mag-uwi ng mga kuting na nakikita niyang pinaglalaruan at sinasaktan ng mga batang kalye. Umabot na tuloy ng isang dosena ang pusa sa bahay nila. “Ano ka ba naman kasi, besh! Mga pusang gala lang ‘yon kung alagaan mo parang baby!” Maktol nitong lukot na lukot ang mukha. “They’re called Puspins, Kate.” pagtatama ni Mary sa dalaga. “Hindi naman rin malaking kawalan kung mag-care tayo sa mga hayop na nangangailangan sa paligid natin.” Pangangatwiran pa niya. Pinandilatan siya nito ng mga mata. “Gusto mo bang tumakbo bilang SK? My god! Do you care if one of our teachers sees us here?” Napangiwi si Mary. Ang tinutukoy nito ay ang terror at matandang dalaga nilang adviser na madalas pagkatapos ng klase ay nag-iikot-ikot sa paligid ng school. Ang nahuhuli nitong tumatambay na estudyante at naglalaro sa computer shops malapit sa school ay inirereport nito sa guidance councilor Nasa ikatlong taon na highschool sila Mary at Kate. Pareho pang kasama sa top pupils ng klase kaya naman takot silang mamataan ng naturang guro. What’s worst is, kilalang spot ng mga estudyanteng palihim na naninigarilyo ang shortcut na dadaanan nila. No choice naman kasi kung mamasahe pa sila dahil aabutin ng isang oras bago sila makabalik. Rush hour na kasi at tiyak na traffic. Kailangang makabalik sila sa school bago umuwi ang guard na si Kuya Night Owl, kung saan nila ipinaiwanan ang gamit nila. Hiling na lang talaga ni Mary na sana ay hindi kasama ang route na ‘yon sa sinusuyod na daan ni Ms. Aira. “Bilisan na lang natin.” Tumingala si Mary sa papadilim na kalangitan saka tiningnan ang pambisig na relo. Pasado alas na. “Ano pa nga bang magagawa ko! Hay, naku! Last mo na talaga ‘to! Mapapahamak pa tayo sa kabaitan mo, eh!” Himutok pa rin nito. Napangiwi si Mary. They’ve met when they were in freshmen. Transfer student si Kate mula sa isang private school kaya sikat at nakilala kaagad sa paaralan nila. Sumali ito sa news paper club bilang writer ng entertainment segment. Habang si Mary naman ang head ng cartoonist department. Madalas silang magkasama sa mga meeting kaya naging magkaibigan sila. Mabibilang sa daliri ang mga kaibigan ni Mary. Hindi kasi siya magaling makipag-socialize. As a child, she was shy. And she grew up alone. Wala kasi siyang kapatid. Dahil bata pa lang naghiwalay na ang mga magulang ni Mary. Ang Papa niya na isang pintor ang nagpakalaki sa kaniya. Dito niya namana ang pagmamahala sa sining. Most especially paintings. Nilakihan na lang ni Mary ang bawat hakbang at hinila si Kate papasok sa makipot na eskinita. Tinahak nila ‘yon ang may kahabaang daan. Subalit natigilan siya ng maramdamang kumapit sa braso niya si Kate. “Mary…” Kunot noong tinanaw ni Mary ang dulo ng eskinita. At nakitang malapit sa b****a niyon ay nakasandal sa pader at naninigarilyo ang apat na kalalakihan. Base sa uniform na suot ng mga ito, nag-aaral sa isa pang public school malapit sa paaralan nila ang apat. Ang bali-balita ay bagsakan ng mga drop out, kicked out at pasaway ang eskwelahan na ‘yon. Kaya naman takot na takot silang maka-encounter ng mga estudyante mula roon. Nagkatinginan si Mary at Kate saka sabay na bumalik ang tingin sa unahan. Kasalukuyang tumuwid naman ng tayo ang apat na kalalakihan. Nakatuon na rin ang tingin sa kanila. Kumaway pa ‘yong isa. Kinilabutan si Mary. Hinila naman ni Kate ang manggas ng suot niyang uniform. “Besh, nakakatakot ang papanget. Bumalik na lang kaya tayo.” Nahihintakutang usal nito. “Kung babalik tayo, aabutin tayo ng ilang oras bago makabalik sa school. Baka makasalubong pa natin si Ms. Aira papasok sa kanto ng school.” Tugon ni Mary. “s**t! Oo nga! Hindi ako pwedeng magkaroon ng record sa guidance! Baka tuluyan akong malaglag sa top! I kennat!” Eksaheradng tinampal nito ang noo. Last period ay mababang marka ang nakuha nito sa teacher nila sa GMRC. Madalas kasing mag-overlunch ang dalaga at panay ang daldal sa klase. Huminga ng malalim si Mary at mariin na hinawakan ang kamay ng kaibigan saka ito hinila. “Let’s go. Just looked down. Huwag mo silang titigan sa mata.” “Ano ‘yon aso lang?” Kunot noong binalingan niya ito. “Just do what I’ve said.” Umirap ito. “Okay! Okay! Basta ililibre mo ako ng Slurpee! Ikaw may dahilan bakit tayo nandito!” Napangiwi si Mary. “Oo na. Tara.” Malalaki ang hakbang na tinahak nila ang makipot na eskinita. Habang papalapit sa kinaroroonan ng apat na lalaki, sinenyasan ni Mary si Kate na yumuko. Ikinubli naman ni Mary ang mukha sa strands ng mga buhok na nangangalaglag sa gilid ng mukha. “Uy… mga taga-Trinity highschool…” Bungad ng isa sa mga lalaki habang naglalakad sila sa harapan ng mga ito. Nakita ni Mary sa sulok ng mga mata ang kakaibang tingin na ipinukol sa kanila ng grupo. Humigpit ang hawak niya sa kamay ni Kate. Ganoon rin ang kaibigan sa kaniya. “Ang gaganda pala talaga ng mga nag-aaral sa Trinity. Ampuputi!” Singit naman noong lalaking nagmukha ng daster ang polong uniform nito dahil sa sobrang laki niyon. “Pwede ba makipagkilala mga Miss?” Segunda ng isa pang lalaki na nakasuot ng snapback cap na pula. “Mababait kami pramis. Di lang halata.” Nagtawanan ang grupo. Umangat ang tingin ni Kate at bigla na lang sumagot sa mga ito. “Mababait? Sa itsura niyong ‘yan? Mukha kayong mga mandurukot sa recto!” Namilog ang mata ni Mary at binalingan ang kaibigan. “Kate!” “Nice! Palaban! Ayos! Ganyan mga type na type namin sa babae! Di ba, mga pre!” Nagsipangayunan ang mga kalalakihan. At nanlaki lalo ang mga mata ni Mary nang umalis ang dalawang lalaki sa pagsandal mula sa pader at mabilis na humarang sa harapan nila. Paglingon nila sa likuran, naroon naman ang dalawa pang lalaki. “Ano? Uubra pa ba ang tapang niyo, ah?” Nakangising tanong ng mukhang lider. Nakabukas ang lahat ng butones sa uniform nito. Kitang-kita nila ang tattoo sa leeg at dibdib nito na di natatakpan ng sando. Maging ang peklat sa mukha nito na marahil ay sanhi ng makikipag-basag ulo. Napaatras si Mary at Kate saka helpless na nagyakapan. Mariin siyang pumikit nang aktong hahawakan na sila ng mga ito. Subalit bago pa ‘yon mangyari narinig ni Mary na nagsalita ang isang malalim at baritonong boses. “Anong ginagawa niyo, ha?” Dumilat si Mary at nakitang nakatayo sa likuran ng dalawang lalaki ang isang malaki at matangkad na bulto. She couldn’t clearly see his face dahil medyo madilim sa kinaroroonan nila. “Bakit?” Matapang na pumihit paharap ang lider sa lalaki. “Papalag ka? Apat kami isa ka lang.” That’s true. But these man was way taller than these guys. Halos umabot lang sa ilalim ng tainga nito ang pinaka-matangkad sa grupo ng mga kalalakihan which is the leader. Imbes na matakot, hindi tuminag ang matangkad na lalaki. Hindi nagtagal ay sumulpot pang isang lalaki. Mas maliit kaysa sa nauna. Inakbayan nito ang lider. May ibinulong ito sa lalaki at kitang-kita ni Mary nang mapalunok at bumakas ang takot sa mukha ng lider. Walang sabi-sabing sinenyasan nito ang mga kasama saka nagmamadaling umalis. Nagtatakang sinundan pa ni Mary ng tingin ang grupo ng mga kalalakihan na balak silang gawan ng masama kani-kanina lang. What just happened? “Whew! Mga duwag naman pala ang mga ‘yon. Puro angas lang,” wika ng lalaking bago dating. Bumaling ito sa kanila ni Kate. “Nasaktan ba kayo, mga miss?” “OMG!” Tili ni Kate. “Thank you for saving us from those kanto boys!” Preskong hinawi ng binata ang kwelto nito. “Wala anuman, girls.” Saka hinaplos-haplos ang panga nito na parang nagpapa-pogi. Pinangunutan ito ng noo ni Kate. “Excuse me. Hindi ikaw no!” Mataray na sagot ng kaibigan saka binalingan ng tingin ang matangkad na lalaki. “Him…” she pointed. “Thank you!” Hindi umimik ang matangkad na lalaki. Instead sumulyap ito kay Mary na tahimik lang rin na nakatayo sa tabi ni Kate. Nag-iwas siya ng tingin at kaagad na hinawakan sa kamay ang kaibigan. “Salamat sa pagliligtas niyo sa amin. But we really need to go.” Sabay hinila ito palabas ng eskinita. “Wait!” Sumunod at humarang sa daraanan nila ang mas maliit na lalaki. “Hatid na namin kayo.” “No thanks.” Umiiling na tanggi ni Mary. Hindi naman nila kilala ang mga ito. Paano kung nagkukunwaring knight in shining lang pala, but deep inside they’re a villian lurking in the dark. “Hep!” Itinaas ng lalaki ang mga kamay na tila nabasa ang iniisip niya. “We’re harmless. I assure you. Actually, nag-aaral kami sa De Asis Academy.” Pinasadahan ng dalawang dalagita ang suot ng binatilyo at nakilala ang uniporme ng prestihiyosong private school sa lugar nila. Nagkatingininan si Mary at Kate saka bumalik ang atensyon sa binata na ngayon ay abot sa tainga ang ngiti. “Anyway, I’m Nate.” Inilahad nito ang kamay. Kunot ang noong bumaba ang tingin nila roon ni Kate. Saka nagkatinginan ulit. Napapahiyang kinamot ni Nate ang batok nito. “Okay. I get it. Mahirap naman talaga magtiwala.” Nakatawang sabi nito saka bumaling sa likuran nila. “And by the way, that’s my friend. Duke.” Sabay na lumingon si Mary at Kate. Natigilan pa si Mary nang tumama ang mukha niya sa dibdib ng bultong hindi niya inaasahang nakatayo pala sa kaniyang likuran. Tumingala siya at nagtama ang tingin nila ni Duke. Kasalukuyang nasa ilalim sila ng lamp post kaya naman mas malinaw na niyang nakikita ang mukha nito. He looked… “Ang gwapo!” Mahinang bulong sa kaniya ni Kate saka maliksing pumwesto sa harapan niya. “Hi, Duke! I’m Kate!” Sabay lahad ng kamay. “Nice to meet you!” Sinulyapan ng binata ang kamay nito bago sandaling nakipag-kamay. Pagkatapos ay sumulyap kay Mary. “Oh… anyway,” inakbayan ni Kate si Mary. “This is my friend. Mary!” Tumango lang si Mary atsaka nag-iwas ng tingin. “Hindi ba marunong ngumiti ‘yang kaibigan mo?” Mabilis na lumipad ang tingin ni Mary pabalik sa nagsalitang si Duke. “What?” Nagkibit ito ng balikat. “Isn’t polite to smile when someone introduces you?” “Hindi ka rin naman nag-smile, ah?” Bwelta ni Mary. Tinaasan pa niya ito ng kilay. Natigilan siya nang bahagyang yumuko si Duke dahilan upang magpantay ang mukha nila. Ilang sandaling tinitigan pa siya nito bago unti-unting ngumiti. Nahigit ni Mary ang hininga. “Tama na ba ‘to?” Anito saka tinaasan siya ng kilay. Mary was speechless. Hindi niya maialis ang tingin sa mukha nito. He has a perfect white teeth. And that smile could light up the whole city… “Ah!” Impit na tili ni Kate sa tabi ni Mary. Tsaka lang siya tila natauhan. Namula ang pisngi niya nang mahuling lalong lumapad ang ngiti ni Duke. Mabilis tuloy siyang nag-iwas ng tingin. Napansin ba nitong napatulala siya sa mukha nito? “Whoa!” Singit ni Nate. “Minsan lang ngumiti ang kaibigan kong ‘to, ah!” Sabay tumingkayad para akbayan si Duke na tumuwid na ng tayo. “So, payag na ba kayong ihatid namin kayo?” Lumingon si Kate kay Mary. “What do you think?” “Mahirap na baka may makasalubong na naman kayong gago sa daan,” segunda pa ni Nate. “Kapag ganitong oras nagkalat na ang mga estudyanteng taga-Santa Fe.” Tukoy pa nito sa eskwehalan nung mga kalalakihang nangharang sa kanila kanina. Nakagat ni Mary ang ibabang labi. Hindi makasagot. “Tama sila! Kaya magpahatid na tayo!” Sulsol ni Kate. “But…” pasimple siyang sumulyap kay Duke. Nakatingin rin ito sa kaniya kaya nahuli siya nito at automatikong umangat ang sulok ng labi. Mabilis na nag-iwas ng tingin si Mary at tumalikod. What’s wrong with him? “Ano na?” Untag ni Kate na sinilip ang mukha niya. “Pumayag ka na. Nagmamagandang loob lang naman sila.” Napabuntong hininga si Mary at napipilitan na lang na tumango. Baka mamaya nga ay makasalubong na naman nila ang mga kalalakihang ‘yon. Paano kung tuluyan na silang gawan ng masama oras makitang wala silang kasama? “Okay. S-Sige na nga.” Pag-sang ayon niya. “Nice!” Nilingon ni Kate ang dalawang lalaki. “Let’s go, guys! Pumayag na si Mary!” * * NILAKAD ng apat ang kahabaan ng daan pabalik sa Trinity National Highschool. Nangunguna sa paglalakad si Mary at naririnig niya sa likuran si Kate na kausap ang dalawang lalaki. Kung si Mary ay hindi masyadong magaling sa socialization, kabaligtaran naman si Kate na kahit saan mapadpad kaagad nagkakaroon ng kaibigan. “Bakit kasi doon kayo dumaan? Teka, paano ba kayo napadpad muna doon?” Nagtatakang tanong ni Nate. “Hay, naku! Ito kasing si Mary, dinalhan ng pagkain ang mga anak niya!” “She already had kids?” Biglang singit ni Duke na kanina pa rin tahimik at nakikinig lang sa dalawa. Namula ang pisngi ni Mary. Ang ingay talaga ng bibig ni Kate. Tumawa ang dalaga. “Anak! Mga kuting kasi ‘yon! Pet lover yan si Mary. Nasobrahan nga lang! Pati mga street cats at dogs kung ituring niya parang mga baby!” “Kate… I heard you.” Saway niya ritong hindi lumilingon. Tumawa lang ito at nagpatuloy sa pakikipagdaldal sa dalawang lalaki hanggang sa makarating sila sa school. Tumayo si Mary sa tapat ng gate at hinintay si Kate na nakikipagpalitan pa ng numero kay Nate. Mayamaya ay tumakbo ito papunta sa kinaroroonan niya. “Bye, guys! Thank you sa paghatid!” Kumakaway na paalam nito sa dalawang lalaki. Kumaway pabalik si Nate. “Bye, girls!” “Let’s go inside!” Ani Mary at hinila na ang kaibigan. Pero bago tuluyang pumasok sa gate lumingon si Mary sa kaniyang likuran. Just in time Duke looked over his shoulder. Nagtama ang paningin ng dalawa at sabay ring mabilis na nag-iwas ng tingin…
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD