"Good morning, Pa," nakangiting bungad ni Mary sa papa niya nang makitang pumasok ito sa dining area hawak ang dyaryong binili sa naglalako.
Ngumiti naman si Moises at binati rin si Mary. "Good morning, 'nak." Hinalikan pa siya sa gilid ng noo bago kumuha ng mug at sinalinan ng kape mula sa thermos saka naupo sa hapag.
Tinapos ni Mary ang pagpiprito. Siya ang naka-assign sa pagluluto ng agahan. Inilapag niya ang platong may omelette at hotdogs sa lamesa kasama ng sinangag na nauna na niyang ginisa at pandesal bago umupo na rin sa pwesto niya.
"Kumusta sa school? Binigay na ba ang report card niyo?" Tanong ng Papa niya habang binubuklat-buklat ang news paper.
Sa umaga lang halos sila nakakapag-usap. Ginigugol kasi ng Papa niya ang buong maghapon sa pagpipinta at pag-gawa ng portrait na kinokomisyon dito, na pangunahing income nito.
Bukod roon ay sumaside-line rin itong cartoonist sa isang lokal na diyaryo dito sa lugar nila. Lahat ng mapagkakakitaan, pinapasok ng Papa niya para lang maitaguyod siya ng mag-isa at maibigay ang mga pangangailangan niya.
He's single parent. Sampung taon si Mary no'ng maghiwalay ang mga magulang niya. Naalala pa niya kung paano siyang nagmamakaawa at umiiyak habang nag-eempake ang Mama niya ng mga gamit nito.
She was begging her not to go and not to leave them. But Mary's fragile heart torn into two as her mother didn't listen. Tumutulo ang luhang pinagmasdan niya itong lumabas ng pinto bitbit ang dalawang maleta.
Hindi niya maintindihan ang dahilan bakit kailangan nitong sirain ang pamilya nila. Bakit pinili nitong iwan ng Papa niya.
She used to read her books about princess and prince. Doesn't she believe in happily ever after?
Nagdamdam si Mary sa Mama niya. Ilang taong hindi niya kinibo at pinansin ang mga tawag at text nito. Dumating sa puntong kapag pumupunta ito sa bahay nila para dumalaw ay hindi niya ito nilalabas.
But as she grew up, unti-unting napagtanto ni Mary ang mga mali sa relasyon ng magulang niya. They didn't sleep in the same room when she reached her seventh birthday.
She remembered how they argue a lot even on a small things. Ang madalas na pagseselos ng Papa niya kapag naglalagay ng kolorete sa mukha ang Mama niya bago pumasok sa opisina.
Hindi niya rin maalalang naglambingan ang dalawa o di kaya'y nagtawanan tulad ng mga magulang ng kaklase nila.
She thought at a young age it was normal. It was okay. Pero hindi pala. Dahil ang pagmamahalan, dumating man sa puntong, nahihirapan na kayo— hindi niyo susukuan ang isa't isa. You will find ways to work things out. And lastly, pipiliin niyo pa rin ang isa't isa.
Wala pa siyang karanasan pagdating sa pag-ibig at pakikipag-relasyon, pero alam ni Mary sa sarili niya kapag dumating siya puntong 'yon, she wont be like her parents.
Nag-angat ng tingin si Mary mula sa pag-kain. "Hindi pa po, Pa. Katatapos lang ng periodical exam namin."
"Hindi ka ba nahirapan sa exam?"
"Sakto lang po. Nag-aral naman ako kaya marami akong nasagutan."
"Good. Mag-aral ka ng mabuti, Mary. Huwag ka munang mag-nonobyo."
"Pa, naman..." pinamulahan siya ng pisngi. "Wala pa 'yon sa isip ko."
"Pinapaalalahanan lang kita. Maraming opportinity ang naghihintay sa 'yo kapag inuna mo ang pag-aaral. Hindi tayo mayaman kaya edukasyon lang rin ang maipapamana ko sa 'yo." Mahabang pangaral nito.
"Opo, Pa. Huwag rin po kayong mag-alala, priority ko po ang pag-aaral ko." Ngumiti si Mary. "I promise you, I'll make you proud."
"Being the head of cartoonist department? I'm already a proud father."
Natigilan si Mary nang pumihit paharap sa kaniya ang Papa niya at matiim na titigan ang kaniyang mukha.
"Bakit po, Pa?" Nagtatakang tanong niya.
Umiling ito. "I know you have a bright future ahead of you, Mary. Take every opportunity. Huwag mong hahayaan na may humadlang sa 'yong abutin ang mga pangarap mo even me, your father."
Kumunot ang noo ni Mary, hindi maintindihan ang sinasabi ng Papa niya. May kung anong kislap pa ang dumaan sa mga mata nitong hindi niya maipaliwanag. Subalit nang ngumiti ito sa kaniya, napangiti na rin si Mary.
"Yes, Papa. I'll be like you! The best painter in the whole wide world!"
Marahan itong tumawa at ginulo ang buhok niya. "Oh, siya. Tapusin mo na 'yang kinakain mo. Baka ma-late ka pa sa klase mo."
Maganang kumain si Mary habang kinukwento sa Papa niya ang mga magaganap na mga program sa school nila, hindi napapansin ang lungkot sa mga mata nitong pinagmamasdan ang mukha niya.
***
"Huwag mo na akong daanan mamaya, Pa!" Umikot si Mary sa driver seat kung saan nakaupo ang Ama pagbaba niya ng lumang owner type jeep nila.
Inihahatid muna siya ng Papa niya sa school bago didiretso sa maliit nitong studio malapit lang rin sa bahay nila.
"Sasabay ako kay Kate. Tsaka may meeting rin po pala kami Journalism club!"
"O, sige. Mag-iingat ka. Tawagan mo ako sa landline kapag nasa bahay ka na."
"Okay, Pa!" Humalik siya sa pisngi nito bago naglakad na palayo. Ngunit bago pumasok sa gate lumingon siya rito at kumaway. "Bye!"
Ngumiti ito at kumaway rin pabalik. Siniguro pang nakapasok na siya sa loob ng paaralan bago pinaandar ang sasakyan.
Mag-aaral sa Trinity National Highschool si Mary mula first year. Isang public school na nag-ca-cater ng mga estudyanteng malaki ang potensyal.
Hindi basta-basta tumatanggap ng estudyante ang paaralan. Bukod sa kailangang pumasa ka sa entrance exam ay mayroong gradong kailangan i-maintain.
Luckily, nakapasok si Mary at na-ma-maintain naman niya ang matataas na grades. Dati ring mag-aaral ang Papa niya sa Trinity at kilala ito pagdating sa sining. Ilang parangal rin ang naiuwi at ibinigay nito sa Trinity. He was quiet well known because of the that.
Lumiko si Mary sa dulo ng pasilyo at pumasok sa ikatlong silid aralan. Bumungad sa kaniya ang maingay na mga kaklase. Maaga pa kaya hindi pa nagsisimula ang klase.
Nagtungo siya sa kaniyang pwesto at kumunot ang noo nang makitang napapaligiran ng kaklase nilang babae si Kate.
Well, hindi naman bago 'yon sa kaniya. Kapag wala pang teacher, parang mga tsismosa sa kanto ang mga kaklase niya at si Kate ang tagahatid ng mainit na chika.
Napapailing na naupo siya at kinuha na lang libro sa bag niya para magbasa ng lecture nila sa Math. Hindi siya gaanong magaling sa subject na 'yon. Sumasakit ang ulo niya geometry!
Pero hindi makapag-focus si Mary dahil sa ingay ng mga kaklase niyang babae sa pangunguna ni Kate. Ayon sa naririnig niyang usapan ng mga ito "hot issue" ang dalawang binatang nakilala nila kagabi.
"Totoo mga taga-DAC yung nagligtas sa inyo kagabi?" Hindi makapaniwalang tanong ni Tanya. Ang treasurer nila.
"Uh- huh! My gosh! Pagkatapos kaming harangin ng apat na panget na taga-santa fe, biglang may tumayo matangkad na lalaki sa likod nila!" Tumili si Kate. "Grabe! Natakot sila kay Duke!"
"The tall and handsome, guy?" Hindi maitago ang anticipation sa boses na singit ni Jelly na secretary naman nila.
"Ahhhh!" Nagtilian ang mga ito.
"Oo! s**t! Walang panama si Richard Guttierez ng Mulawin!"
Nagtilian na naman ito sa sinabi ni Kate. Para mga kinakagat ng langgam sa singit at kili-kili.
"Oh, bakit narinig ko ata pangalan ko na pinag-uusapan nila?"
Kunot noong nilingon ni Mary ang nagsalita sa kaniyang tabi at nakita si Nico. Short for Nicodemus. Ang Escort ng klase nila.
Isa ito sa mabibilang sa daliring kaibigan ni Mary. Kasama niya ang binata sa Journalism club na nagsusulat naman under sports segment.
Natatawang umirap siya. "Feelingero mo."
"Sila naman nagsasabi na kahawig ko raw 'yon, ah!"
Hawig naman talaga nito. Lalo kapag naka-sideview. May lahi rin kasi itong spanish. Kaya naman sikat na sikat sa mga girls kahit sa ibang section at higher batch.
"Oo na." Sang-ayon na lang ni Mary.
"Parang napilitan ka pa." Kinuha nito ang libro sa kaniya at pinasadahan ang mga sagot niya roon. "Mali itong sagot mo sa number 5. Square root ng 25 ay 5, Mary Avery."
Ngumuso si Mary at binura ang sagot niya. "Thanks. I hate figures you know."
"Yeah. I know. Because you're into arts. Mas imagination at creativity ang umiiral sayo kaysa solving and analysis." Tugon nitong tinapik ng hintuturong daliri ang noo niya. "Anyway, may gagawin ka ba sa mamaya?"
"Hmmm?" Kunot noong tumagilid ang ulo ni Mary, nag-iisip. "May meeting tayo sa Journalism club para sa upcoming sports fest."
"s**t. Oo nga pala." Natampal nito ang noo.
"Bakit ba? Anong mayroon mamaya?" Nagtatakang tanong niya.
"Papasama sana ako sa 'yo bumili ng materials natin sa MAPEH. Mas marami kang alam sa arts. I can't even distinguish whats the difference between paint brushes!" Ginulo nito ang buhok. "Nakabili na ba kayo ni Kate?"
"Ah, yeah. Bumili na kami nung isang araw. Pero sige, sasamahan kita."
"Ayon!" Napapitik ito sa ere. "Thanks! Patulong na rin mag-drawing." Sabay ngisi.
Natigilan sila sa pag-uusap at napalingon sa gilid nila nang magtilian na naman ang mga kaklase nilang babae.
"Ahhhh!"
"s**t! Ang iingay naman ng mga 'yan!" Reklamo ni Nico na tinakpan pa ang tainga bago tumayo. "Dun na ako sa upuan ko. Basta sa mamaya, ah?"
Tumango si Mary at ibinalik ang tingin sa mga kaklaseng nag-tsi-tsisimisan pa rin.
"Papupuntahin mo talaga sila mamayang uwian?"
"Oo nga!" Mayabang na sagot ni Kate. "Sandali itetext ko si Nate."
Nakita niyang halos magkapalitan na ng mukha ang mga ito sa pagsisiksikan para lang mabasa ang tinatype ni Kate sa cellphone nitong nokia 3315.
"Ayan, message sent!"
"Ahhhh!" Tilian ulit.
Naputol ang paghuhuntahan ng mga ito nang bigla dumating si Ms. Aira. Ang terror nilang adviser. Lahat ng palakad-lakad ay mabilis na bumalik sa silya ng mga ito. Maging si Kate ay tumakbo sa pwesto nito sa tabi niya.
"Get one whole sheet of paper! May quiz tayo!"
Dismayadong umungol ang lahat. Pero makapag-reklamo. Para kasing dragon kapag nagalit si Ms. Aira. Para siyang bubuga ng apoy anytime.
***
LUNCH time nang lumabas si Mary kasama si Kate papuntang canteen. Wala pa rin itong ibang bukang-bibig kundi ang kaganapan kahapon. Hindi rin tumitigil sa pagdutdot sa cellphone nito.
"Kate, kumain ka nga muna." Naiiling na saway niya sa kaibigan habang pinagmamasdan itong parang luka-lukang nangingiti mag-isa. "Sino ba 'yang ka-text mo?"
"Si Nate."
"So, bago mo na namang crush 'yan?"
Last week lang si Damon na mula higher batch ang crush nito, ah? Bago kaagad?
"Duh... si Duke ang crush ko! Bridge lang namin si Nate."
Naiiling na pinagpatuloy ni Mary ang pagkain. Kung magpalit ng crush si Kate parang nagpapalit lang ng damit.
"Ahhh! Sumagot na si Duke sa text ko!" Biglang tili nito. "Grabe! Kagabi pa ako nagtext! Akala ko hindi na sasagot!"
"Kagabi mo pa tinext... ngayon ka lang nireply-an?"
"Okay lang." Nagtipa ito ulit sa cellphone. Ang lakas ng tunog ng keypad dahil sa pagmamadali nito. "Sabi ni Nate hindi raw talaga mahilig mag-text 'yong kaibigan niyang 'yon. So, meaning isang privilege na nagreply siya sakin!"
Privilege?
Sa itsura no'n na daig pa ang mga model at artista, imposibleng walang katext 'yon. Baka nga kaliwa at kanan pa. Malamang rin ay maraming naghahabol sa lalaking 'yon.
Ano bang pakialam mo, Mary? Bulong ng isip niya.
"Anyway..." inilapag na ni Kate ang cellphone sa lamesa at nagsimula na ring kumain. "Sasama ka ba mamaya sa amin?"
"Sasama? Saan?"
"Pinapunta ko sila mamayang uwian. Sakto naman nagyaya si Nate mag-mcdonalds."
"What?" Gulat na bumalik ang atensyon ni Mary sa kaibigan. "At sasama ka naman? Hindi mo pa sila masyadong kilala!"
Kunot ang noong tumingin ito sa kaniya. . "Anong masama? I accepted them as friends. At kaya nga nagyaya sila mag-mcdonalds, syempre para makilala nila tayo!"
Napailing si Mary. "Not a good idea. They're still strangers. Mahirap magtiwala."
"Niligtas nila tayo, Besh! Hinatid pa tayo rito sa school. Kung masama sila sana sa daan palang may ginawa na silang masama sa ‘tin! And they seemed nice naman. Dapat nga mag-sorry ka sa ginawa mo."
"Ha? At bakit naman ako mag-so-sorry?"
"Totoo naman kasi yung sinabi ni Duke! Dapat man lang nag-smile ka. Hindi ka nga nag-introduce ng sarili mo ng maayos! Ano na lang sasabihin ng mga taga-DAC, ha? Suplada tayong mga taga-Trinity!"
Nakagat ni Mary ang ibabang labi. Nakaramdam siya bigla ng hiya. Sa pagkakaalam pa naman niya, isa ang De Asis Foundation sa nagbibigay ng malaking donasyon sa paaralan nila. Paano na lang kung malaman ng may-ari na sinusupladahan niya ang estudyante sa paaralan nito?
Sabihin pa na ungrateful sila?
"Ano payag ka na? Patunayan natin na mababait ang mga nag-aaral sa Trinity!"panunulsol pa ni Kate.
Walang nagawa si Mary kundi marahang tumango at bumuntong hininga. "Okay. Sige, sasama na ako."
"Yes!" Tuwang-tuwang dinampot kaagad nito ang cellphone at mabilis na tumipa. "Ayan! Message sent!"
***
PAGSAPIT ng uwian natagpuan ni Mary ang sarili na nakasunod kay Kate kasama ang lima nilang kaklaseng babae na kausap nito kanina. Ipapakita raw muna nito sa mga kaklase nilang hindi ito nag-iimbento lang na may nakilala silang taga-DAC.
At paglabas nga nila sa gate, impit na nagtilian ang mga ito na parang kinurot singit. Paglingon ni Mary nakita niyang naghihintay si Nate at Duke sa gilid.
Dahil kilalang school ng mayayaman ang DAC at nakasuot ng uniform ang dalawang binata— lahat ng dumadaan ay napapalingon sa gawi sa mga ito.
Agaw pansin rin talaga ang height ni Duke. Mas matangkad pa yata ito sa mga varsity ng school nila.
"Hi, guys!" Bati ni Kate nang makalapit sa dalawa.
Nagtulakan naman at parang mga kiti-kiting hindi mapakali ang mga kaklase nilang babae sa likuran nito.
Habang si Mary ay tahimik na tumayo sa may gilid.
"Hi, Kate!" Nakangiting bati rin ni Nate. Nakahawak sa strap ng backpack na nasukbit sa likod nito. "May mga kasama pala.”
"Ah, yes! These are my classmates." Binalingan ni Kate ang mga kaklase nilang hindi mapakali. "Girls, si Nate."
"Hi, Nate!" Chorus na sabi ng mga ito na may kasamang pag-kaway.
"Hello! Nice to meet you all!" Tsaka nakipag-kamay isa-isa sa mga ito. "Whoa!" Nagulat pa si Nate nang magsunggaban na parang leon ang mga kaklase nila.
Hindi napigilang mapangiwi ni Mary. Siya na lang ang nahihiya para sa mga ito. Parang ngayon lang makakilala ng mga taga-private school.
Totoo naman, ah. Sikmat ng isip niya.
"Uh, sino yung kasama mo, Nate?" Painosenteng turo ni Tanya kay Duke. Na akala mo ay hindi pinag-uusapan ng mga ito kanina ang lalaki.
"Ah, that's my friend. Duke." Binalingan ni Nate si Duke.
"Hi, Duke!" High pitch na sabay-sabay ulit na bati ng mga kaklase nila at nagtulakan na naman.
Pero hindi tuminag si Duke mula sa pagkakasandal sa pader. Sinulyapan lang nito ang mga babae at bahagyang tumango.
Parang napahiya naman ang mga kaklase nila. Nagsipirmi at naging miss prim and proper bigla.
“Pasensya na kayo, girls. Medyo mahiyain kasi ‘yang kaibigan ko na ‘yan,” napapakamot sa batok na sabi ni Nate.
“Okay lang ‘yon!” Tugon ni Kate na winasiwas ang kamay. “Gusto lang naman nila kayong makilala. Di ba, girls?”
May bahid man ng dissappointment ang mga anyo dahil hindi nakamayan si Duke, nagsipagtango pa rin ang mga ito.
Ilang sandaling nakipag-usap pa si Nate sa mga kaklase nila. Sinubukan pa nitong tawagin at isama sa usapan si Duke, pero nanatili lang roon ang binata hanggang sa magpaalam na ang mga kaklase nilang babae.
“Whow! Medyo sikat pala kami sa school niyo,” nakatawang sabi Nate nang maiwanan silang apat.
Nameywang at umangat ang kilay ni Kate. “Excuse me. Sikat ang school niyo. Hindi kayo.” Mataray nitong sinabi sabay kinuha ang payong sa bag. “Oh, paano so ano na? Saan ba tayo? Mcdonalds?”
“Kayo ba? Gusto niyo sa KFC or Greenwich?”
Nakikinig lang si Mary sa pag-uusap ng dalawa nang biglang maramdaman niyang may tumayo sa kaniyang tabi. Lumingon siya at nakita si Duke.
Nakamulsa rin itong sumulyap sa kaniya.
Mabilis tuloy na napaiwas ng tingin si Mary.
Bakit ba ito lumapit sa kaniya?
Lumipas ang ilang minutong walang nagsasalita sa kanila. Pero ramdam na ramdam ni Mary ang presensya nito sa kaniyang tabi. Hindi niy rin maintindihan bakit ba, bumibilis ang pintig ng puso niya.
“So… can I have the smile I’m asking last night?”
“Ha? Ano?” Lumingon si Mary at natigilan nang hindi niya inaasahang ang close up na mukha nito ang tatambad sa kaniya.
Just like last night, he was leaning closer to her. His face inches away from her. She could smell his minty fresh breath.
“Yung ngiting hinihingi ko mula sa ‘yo… ibibigay mo na ba sa akin?”
Napalunok si Mary. Nang mula sa likuran ay may tumawag sa pangalan niya.
“Mary Avery!”
Lumingon si Mary at nakitang papalapit si Nicodemus. Nang ibalik niya ang tingin kay Duke napansin niyang nakatingin na rin ito kay Nico…