"Sandali!" Nagpapanic na nagpumiglas si Mary sa pagkakahawak ng dalawang lalaki sa magkabilang pala-pulsuhan niya. Nasa open field sila. Though, hapon na at malayo rito ang exit ng school at parking lot na way ng karamihan ng mga estudyante, imposibleng walang mapadaan roon at makita ang dalawang lalaking ‘to na sapilitan siyang hinihila. “B-Bitiwan niyo nga ako! Hindi ko kayo kilala!” Napahinto sa paghila sa kaniya ang dalawang lalaki bago narinig niyang nagsalita ‘yong isa. “Ikaw yung bagong recruit, di ba?” Kumunot ang noo ni Mary. “Recruit? Recruit saan? Anong pinagsasabi niyo!” “Huwag ka nang mag-maang-maangan diyan. Halika na! Kanina ka pa hinihintay ng superior namin.” “H-Hindi ko talaga alam ang sinasabi niyo! Kaya bitiwan niyo ako!” Natigilan ang mga lalaki sa pagh

