bc

Sangre 4: Serron Harley, My Loving Enemy (Filipino)

book_age18+
503
FOLLOW
1.5K
READ
murder
brave
confident
journalists
twisted
bxg
monster
city
enimies to lovers
lies
like
intro-logo
Blurb

WARNING!

Rated 18

This novel strictly not suitable for minor readers.

SUNOD-SUNOD ang dagok sa buhay ni Jove. She lost her twin sister and the man she loved. To keep her sister’s career active, she pretends to her, an artist. Dahil sa kasikatan, nakalimutan niya ang tunay niyang katauhan, the wildest part of herself. And one unexpected one-night stand with a stranger, she lost her precious innocence and it gave her a big responsibility. But that responsibility was a curse for her. Iniwan niya sa kaibigan ang kanyang anak sa takot na makaapekto ito sa career niya.

But karma is real, she lost everything in her life, even her career. Until she meets Serron Harley, the guy behind her sister’s suicide. Pero tila taliwas sa kanyang akusasyon ang katangian nito dahil sa halip na kamuhian ito ay nahuhumaling siya rito. And she was stuck on him after a familiar feeling while they were together. And that’s a curse knowing that this guy was not just an enemy, he’s her nightmare and seems to be good karma.

chap-preview
Free preview
Prologue
Identity: Name:    Serron Harley Age:       463 years old Height:  5’11’’ Eyes:      Sky blue Favorite Color: White/blue   Special Ability: Can detect hidden auras and hide it.              Short Profile: He belongs to the black blood vampires, but he chose to become independent, exploring the world. He is one of the oldest vampires in his generation, but his experience was limited especially when living with humans. Serron learned to respect humans and he didn’t kill especially those innocents. He loves serving humans who need legal counseling and attention. He was also a good friend and a lover.                           Prologue   LALONG sumisigid ang kirot sa puso ni Jovelyn habang tinatanaw niya ang papalayong pegura ni Kent. Kent was her first boyfriend for almost three years. High school pa lang sila noong niligawan siya nito pero college na sila nang sagutin niya ang binata. Nakipaghiwalay sa kanya si Kent. Hindi na siya nagtanong kung bakit ito nanlamig sa kanya, it’s because of her. Her lack of time and attention to him. Since she started to accept an exclusive contract as a novelist and a scriptwriter of the largest TV network and publisher, she almost forgets everything in her previous life. Sobrang busy niya sa trabaho at may nakalimutan siyang tao na uhaw sa kanyang atensiyon. At the age of eighteen, she got a fame and stable income in writing while she’s studying. Ang bilis umangat ng career niya at walang tigil ang pasok ng oportunidad. Pero noon ay ramdam niya na may kulang pa rin sa buhay niya. Nineteen years old na siya at nag-aaral pa rin sa kursong Bachelor of Arts. Hindi niya nagalaw ang pagkaing in-order niya. Inimbita niya roon sa restaurant si Kent para mag-lunch. Pero iyon na pala ang huling araw nila ng nobyo. Walang paliguy-ligoy na sinabi nito na hindi na ito masaya sa relasyon nila. Nag-init ang bawat sulok ng kanyang mga mata at hindi nagtagal ay nangilid ang maninipis na luha sa magkabilang pisngi niya. Lumamlam ang kanyang paningin. Hindi pa natatapos ang pagluluksa niya sa namatay niyang kakambal ay may mas matindi pa palang sakit na mararanasan niya. Durog na durog na ang puso niya. “Jove, let’s go to the bar later!” yaya sa kanya ni Trese nang sagutin niya ang tawag nito. Kaklase niya ito sa ibang subject. Naging irregular kasi siya since nakapag-stop siya ng one semester. Pinahid niya ng tissue ang bakas ng luha sa kanyang pisngi. Hindi niya napigil ang kanyang pagsinghot. “What time?” tanong niya sa namamalat na tinig. “Six pm,” sagot nito na puno ng excitement. “Wait, are you crying?” nag-aalalang tanong nito pagkuwan. She can’t help but bursting out her emotions. “Wala na kami ni Kent. Nakipag-break na siya sa akin,” tugon niya. “What? Oh my gosh! B-but why?” nag-echo sa tainga niya ang matinis nitong tinig. “It’s my fault. Dahil sa sobrang busy ko ay nakalimutan ko na siya,” pag-amin niya. “Gosh! Let’s talk about it later sa bar ng cousin ko. May klase pa kasi ako,” anito. “Okay.” “I’ll call you later. Bye.” “Bye.”   KABUBUKAS lang ng bar ng pinsan ni Trese sa Talisay City. Malapit lang ito sa subdivision na tinutuluyan niya. May pa-unlimited cocktail ang bar since grand opening nito. Ang daming pakulo. Naikuwento niya kay Trese ang tungkol sa pagkikipaghiwalay ni Kent sa kanya. High school pa lang ay kaibigan na niya si Trese at alam nito lahat ng nangyayari sa buhay niya. Suportado na nito ang relasyon nila ni Kent since sa panliligaw pa lang ng binata. “Grabe, biglaan ata,” komento ni Trese. Inukupa nila ang mesa malapit sa counter. “Hindi ko naman siya masisi. Ako naman talaga ang nagkulang,” aniya. “As in, without giving you enough an explanation?” “My reasons are not enough to change his mind.” Masakit pa rin ang puso niya. Hindi niya namamalayan na nakailang baso na siya ng cocktail na medyo matapang. Hindi siya sanay uminom pero dahil sa sakit na nararamdaman niya ay tila kusang nagugustuhan ng katawan niya ang epekto ng alcohol. It helps to lessen her pain. “So, ganun na lang ‘yon?” ani Trese. “Ayaw ko nang pilitin ang ayaw.” “Sa bagay, matigas ang pride mo.” Hindi na siya kumibo. Nang akmang tatayo na siya ay bigla siyang nahilo. Nagpumilit siyang kumilos at nagpaalam kay Trese na magbabanyo. Nakarating naman siya sa banyo at nakapag-freshen up. Pagbalik niya at hindi na niya makita si Trese. Lalo lamang siyang nahihilo dahil sa malilikot na ilaw. Lumabas siya ng bar at tinungo ang kanyang kotse. Hindi niya mai-shoot ang susi sa dahil parang bibigay na nga mga mata niya. Nagdesisyon siya na huwag nang mag-drive. Naglakad siya patungo malapit na hotel. Tahimik na ang paligid. Wala siyang makitang tao na kasabay niyang naglalakad. Pagdating niya sa madilim na bahagi ng kalye ay namataan niya ang matangkad na lalaking nakatalikod. Nakatayo ito sa may poste ng kuryente. Hindi siya sigurado sa suot nito, basta naka-all black ito. Nang malapit na siya rito ay natisod siya sa nakausling bato. Hindi niya naibalanse ang kanyang timbang kaya kaagad siyang nadapa. Naitukod niya ang mga kamay niya sa lpang may matatalim na bato. Ramdam niya’ng may kumirot sa kaliwang palad niya. Nasugatan ata ang palad niya. “Ugh!” daing niya. Nagpumilit siyang tumayo. Hindi man lang siya tinulungan ng lalaki. Nang tingalain niya ito ay nakaharap na ito sa kanya. Nanlalabo ang paningin niya pero sigurado siya na guwapo ang lalaki. “Hump!” Pumiksi siya nang bigla siya nitong kilasin sa braso at marahas na binuhat. Sandali siyang nakalimot nang gupuin siya nang matinding pagkahilo. Nang muli siyang mahimasmasan ay natagpuan niya ang kanyang sarili sa ilalim ng malaking katawan ng lalaki. Expose na ang kanyang kahubdan. Umigtad siya nang may tumulay na mainit na bagay sa kanyang katawan. Napakasarap ng init nito, nakakaliyo at lalong nakalasing. Bago sa kanya ang pakiramdam na iyon. Her innocence became wild when she feels his warm mouth ravishing her core. Her parted legs clang around his nape. Para siyang nasa paraiso na walang ibang nararamdaman kundi kaligayahan. Para siyang nakalutang sa ulap, while there’s a guy adoring her body. Napaungol siya nang lumasap ito sa kanyang kaselanan. Wala siyang ibang iniisip nang mga sandaling iyon kundi ang makarating sa dulo na nais niyang makamit. Pero bago iyon, namayani ang makapigil-hiningang kirot dulot nang agarang pag-angkin sa kanya ng lalaki. Bumalik ang pagkahilo niya nang bayuhin siya nito nang malakas. Kagyat lamang ay naglaho rin ang kirot at nahalinhan ito ng nakakahibang na sarap. “Aahhh…” she moaned in the middle of her trembling body. Ang bilis ng kanyang katalik, kaagad siya nitong naihatid sa tugatog. Subalit hindi sila nagtapos doon. After a first round, there’s a second and third round. Kaya lalo siyang nabaliw at nakalimot. MATAAS na ang araw nang magising si Jove. At nagulat siya nang mapansin ang sarili na hubad sa ilalim ng hinubad niyang saplot. Nakahiga siya sa papag ng sirang kubo sa gitna ng kagubatan. Hindi niya magawang tumayo dahil sa labis na kirot sa bahagi ng kanyang p********e. “s**t!” she cursed when she noticed that she was in the vacant lot near the cemetery. Mabilis siyang nagbihis at naghanap ngdaan palabas sa lugar na iyon. Farm na pala ang karugtong ng gubat. Dalawang buwan pa ang lumipas. Hindi malaman ni Jove ang gagawin nang makalipas ang dalawang buwan ay hindi na siya dinadatnan ng dalaw. Nang magpakonsulta siya sa doktor ay kumpirmadong nagdadalang-tao siya. Hindi pa siya handa maging ina. Tinangka niyang ipalaglag ang bata ngunit huli na. Maayos niyang isinilang ang sanggol sa tulong ng kaibigan niyang midwife. Hindi na siya nagpadala sa ospital nang gabing manganak siya. Nasabik siya nang masilayan ang anak niyang lalaki, ngunit may kung anong demonyo na nag-udyok sa kanya na iwan ang bata kay Lera. Pumayag naman ito. Magulo ang isip niya nang mga panahong iyon. Iniisip niya na baka maapektuhan ang trabaho niya bilang script writer at impostor ng artista niyang kakambal dahil sa pagkakaroon niya ng anak na walang ama. Sinabi lamang niya sa manager na magbabakasyon siya sa probinsiya niya pero ang totoo, inilihim niya ang pagbubuntis niya. Ang problema pa, hindi niya maalala ang mukha ng lalaking nakatalik niya noong gabi. Basta na lang siya iniwan sa gubat. “Jove, what’s wrong with you?” kaagad ay tanong ng manager niya, o mas tamang sabihin na manager ng kakambal niya. Nasa kanyang bahay siya sa Talisay Cebu at nakahilata sa kama. “Sorry, I can’t go back at work. I need more rest,” sagot niya. “Then, call Joli. Hindi maaring mabinbin nang matagal ang projects.” Kinabahan siya. No one in showbiz industry knows that Joli was dead six months ago. Siguro nga ay nababaliw na siya sa kanyang pinaggagawa. Hind niya matanggap na wala ang ang kapatid niya na hindi man lang natuklasan kung ano ba talaga ang dahilan ng pagpapakamatay nito. “Sorry, she said, she can’t go back to work,” aniya. “What about you? Are you tired of pretending as Joli?” “Sorry, I need to rest.” “Okay. I’ll give you another six months.” “Eight months, please,” hirit niya. Narinig niyang bumuntong-hininga si Alic. “Fine. But please, do my favour, keep pretending as Joli. She left us without saying anything or even notify me about her plans. May plano pala siyang mangibag bansa at sa kalagitnaan pa ng taping. Ano ba ang nangyayari sa kapatid mo?” Hindi na niya iniintindi ang pinagsasabi ni Alic. Malabo na ang paningin niya dahil sa luhang bumalot sa kanyang mga mata. Naninikip ang dibdib niya. Naputol na lamang ang linya. She was suffering from anxiety. She doesn’t know how to handle her situation at that time. Mabuti na lang bakasyon na nang mabuntis siya. Hindi niya na-enrol ang isang semester dahil kailangan muna niyang manganak. Sunod-sunod ang dagok sa buhay niya. Inatake pa siya ng postpartum depresyon lalo na nang  pagbalik niya sa Maynila ay hindi na siya nabigyan ng mga proyekto. Hindi na niya maipapatuloy ang pangarap ng kakambal niya na maging mahusay na artista. Maging ang writing career niya ay matumal. Bumalik siya sa Cebu upang sana bawiin ang anak niya kay Lera ngunit nabalitaan niya na nasa Spain na pala si Lera at doon na nakapag-asawa kasama ang anak niya. Ni wala itong iniwan na address. Halos gumuho ang mundo niya. Abot-langit ang pagsisisi niya bakit iniwan pa niya ang anak niya rito. Nawala ang lahat sa kanya. Lalo lamang naging kainip-inip ang buhay niya. Kung hindi sana namatay ang kakambal niya ay hindi sana nagkaleche-leche ang buhay niya. Hindi niya nagampanan ang pagiging mahusay na artista ng kapatid niya. Hindi epektibo ang pagpapanggap niya dahil ang totoo… hindi naman talaga siya artista. Utang niya lahat sa kapatid niya. Ngunit nang mawala si Jolina ay halos gumuho na ang lahat sa kanya. Kasalanan iyon ng lalaking minahal ng kapatid niya. Walang nakakaalam na matagal nang patay ang kapatid niya maliban sa pinagkakatiwalan niyang kaagak. Ayaw niyang maglaho ang alaala ng kapatid niya kaya napilitan siyang tanggapin ang hiling ng manager ni Joli na magpanggap siya bilang ang kakambal niya para lang hindi ito masira sa production company na nag-offer ng malaking project sa kapatid niya. Ang alam ng manager ni Joli, nag-walk-out na walang abiso ang kapatid niya dahil sa misunderstanding. Doble tuloy ang papel na ginagmpanan niya. Ngunit dahil sa kamalasan niya ay lalong nasira ang career niya at ng kapatid niya. Nabalewala ang pagod niya at maging pag-aaral niya ay napurnada. Hindi niya iyon matanggap. Wala siyang ibang tinuturong dahilan kundi ang lalaking dahilan bakit nagpakamatay ang kakambal niya. Sinira ng lalaking iyon ang buhay nilang magkapatid. “Joli?” Kumislot siya nang marinig ang boses ng lalaki. Pagpihit niya sa kanyang likuran ay anino ng lalaki ang nakita niya. Madilim sa loob ng kuwarto ni Joli dahil pinaputol na niya ang kuryente since wala namang nakatira. May sariling bahay si Joli at bihira niya itong nabisita. “S-sino ka?” tanong niya habang pilit inaaninag ang lalaki. Kumislot siya nang biglang nabasag ang salaming bintana at may pumasok na malaking ibon. Dumapa siya sa sahig. Biglang nawala ang lalaki. “Aaaahhh!” sigaw niya nang hampasin siya ng malapad na pakpak ng ibon. Nagpumilit siyang tumayo at tumakbo palabas ng kuwarto. Ngunit dahil sa pagkataranta ay nahulog siya sa hagdan. Umiikot ang paningin niya nang bumagsag siya sa sahig. Ang huli niyang naaninag ay malabong mukha ng lalaki na nakadukwang sa kanya. Ginupo siya ng matinding kirot sa bahagi ng kanyang ulo sanhi upang manilim ang kanyang paligid.  

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

The Empire Series: Vance Luanne

read
562.8K
bc

A night with Mr. CEO

read
175.4K
bc

Taz Ezra Westaria

read
106.9K
bc

UNDERWEAR/MAFIA LORD SERIES 5/Completed

read
311.9K
bc

My Secret Agent's Mate

read
115.1K
bc

DARK MONTEMAYOR The Quadruplets ( Tagalog )

read
608.7K
bc

The Ex-wife

read
211.0K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook