Chapter One

2945 Words
HINDI na nagpakita sa madla si Jove nang malaman ng media na matagal na palang patay si Joli Lina na sikat na aktres at isa ring manunulat. Nagpanggap siyang si Jolina na kakambal niya upang mapanatili ang pangalan ng kapatid niya sa industriya. Ngunit na-trace ng editor niya ang pagkakaiba ng obra niya sa obra ng kapatid niya. Bagaman pareho sila ni Jolina na may talent sa pagsusulat, nakitaan pa rin ng kaibahan ang kanilang estilo. Binusisi rin ng mga management ng production company na ibang-iba ang naging acting niya sa isang pelikula na naiwan ng kapatid niya. “Bakit mo nagawa iyon, Jove?” tanong ng dating make-up artist ng yumao niyang kapatid. Dinayo pa siya nito sa bahay niya sa Talisay Cebu. Hindi siya kaagad nakapagsalita. Naunahan na siya ng kanyang emosyon. “Gusto ko lang naman manatiling buhay ang kapatid ko sa mata ng mga tao. Gusto kong magpatuloy ang pangarap niya. Kaya tinanggap ko ang pakiusap sa akin ng manager niya na si Alic, na habang wala si Joli ay ako muna ang papalit para lang hindi masira ang project,” aniya. “Pero niloko mo ang taong-bayan. Kahit kay Ms. Alic ay hindi mo inaming patay na si Joli. Hindi lang iyon, niloko mo pati sarili mo.” Palakad-lakad lang sa harapan niya si Luci. “Bakit hindi mo pinaalam sa amin na patay na si Joli?” usig nito. Nabuhay nang muli ang sakit sa kanyang puso nang maisip ang kanyang kapatid. Pinagsupling niya ang kanyang mga kamay habang prenteng nakaupo sa couch. Nangilid na ang kanyang luha. “She killed herself in my room,” humihikbing wika niya. “What?” Napamulagat si Luci. “Naabutan ko siyang duguan sa kama ko at may laslas sa pulso. Patay na siya nang madatnan ko. Hindi ko alam ang gagawin ko noong oras na iyon kaya lihim kong pinalibing ang kapatid ko sa tulong ng pinsan kong pari. I convinced him na huwag ipaalam ang nangyari. Napag-alaman ko kay Ms. Alic na may unfinished project pa pala si Joli, at iyon ang pinakamalaking project. Naghinayang ako kaya pabor din sa akin na magpanggap na siya. Nakiusap sa akin si Ms. Alic na gawin ko ‘yon pero wala siyang alam na patay na si Joli. Idinahilan ko lang na nasa Korea si Joli at nagpaagamot sa sakit niya. Pero hindi ko rin masisi si Fr. Lim na magsalita tungkol sa pagkamatay ni Joli. He’s right, I can’t hide the truth forever. I’m sorry, Luci,” emosyonal na kuwento niya. Umiling-iling si Luci. “Bakit hindi ka man lang humarap sa media para magpaliwanag?” “Wala na akong mukhang ihaharap, Luci. Ayaw ko nang bumalik ng Maynila,” aniya. “But you’re still an artist. You are a talented artist.” “Ayaw ko na, Luci. Babalik na lang ako sa pagiging freelance novelist. My pen name naman akong ginagamit, hindi na ako makikilala ng mga tao,” naduduwag nang sabi niya. “Pero sayang. Kung magpapaliwanag ka sa media at sa mga tao ay baka ma-appreciate pa nila ang ginawa mo. Maiintindihan ka nila.” “May sarili akong problema, Luci. I have a child,” bunyag niya. “What?!” Napaupo sa kaharap niyang couch si Luci. “Kaya ako nag-leave ng isang taon noon sa trabaho ay dahil nabuntis ako. But I lost my child. Or mas magandang sabihin na pinamigay ko siya.” “My God, Jove! Anong pinaggagawa mo sa sarili mo? Nawala lang ang kapatid mo nagkakaganyan ka na? Kung alam ko lang na ganito pala ang pinagdadaanan mo, hindi na sana ako pumunta ng Dubai. Sana alam ko rin ang nangyari kay Joli,” ani Luci. Pumalatak na ito. “I’m sorry.” Humagulhol na siya. Nilapitan naman siya ni Luci. “It’s okay,” anito at niyakap na lamang siya.   NANINIKIP ang dibdib ni Jove habang nakamasid sa batang lalaki na naglalaro kasama ang alaga nitong aso sa kabilang bakuran. Anak ito ng kapit-bahay niyang si Lawrence. Naalala niya ang anak niya. Kasing laki na sana iyon ni Lion—ang batang pinagmamasdan niya. Walong taon na rin sana ngayon ang anak niya. Matagal na niyang kinu-kontak si Lera pero hindi na niya mahagilap. Kahit sa social media ay wala siyang mahanap na Lera Marzan. Nagsisisi pa rin siya bakit iniwan pa niya ang anak niya rito. Naisip na naman niya ang dahilan kung bakit siya nagdudusa ngayon. Kung hindi nahibang sa lalaki ang kapatid niya ay hindi iyon nagpakamatay. At kung hindi namatay ang kapatid niya ay hindi rin sana siya nahibang at maisip na buhayin sa katauhan niya si Joli. Tahimik sana ang buhay niya. Hindi sana siya nalulong sa kasikatan, dahilan na pati ang lalaking mahal niya ay nawala sa kanya. Sinisisi na naman niya ang lalaking madalas ikuwento sa kanya ni Joli noon. Namatay ang kapatid niya na hawak-hawak ang litrato ng lalaki. Saksi siya kung paano nahibang ang kapatid niya sa lalaking una nitong minahal. Hindi pa niya nakita nang personal ang lalaking iyon pero mabigat na ang loob niya rito. Hanggat hindi niya ito nakakaharap at naipamukha rito ang kasalanan nito, hindi mabibigyan ng hustisya ang pagkamatay ng kapatid niya. “Harley’s Beach Resort,” sambit niya nang ihinto niya ang sasakyan sa tapat ng magarang resort sa Talisay. Kahilira iyon ng lupaing nabili niya para gawing resort. Naisip kasi niya na mag-business na lamang upang makaiwas na sa intriga. Pero bago siya malagay sa tahimik ay gusto niyang malinis muna ang kanyang pangalan. Nag-iipon pa siya ng lakas ng loob upang makaharap nang maayos sa media. Pagkuwa’y bumaba siya ng kotse at pumasok sa naturang resort. Alas-sais na ng gabi at balak niya roon sa resort maghapunan. Malakas ang kutob niya na mga bampira ang nagmamay-ari ng resort na iyon dahil sa logo na nasa gate. Isang imahe ng half-moon na may mata sa gita. Iyon din ang logo na nakita niya sa suot na kuwintas ng lalaking nasa larawan na kinabaliwan ng kapatid niya. Apelyido pa ng lalaking iyon ang pangalan ng naturang resort kaya sigurado siya na maaring pag-aari nito ang naturang resort. “Good evening ma’am! Welcome to Harley’s Resort!” nakangiting bungad sa kanya ng magandang front office clerk. Malaking sunglasses ang suot niya at inilugay lamang niya ang ga-baywang niyang buhok. Kapag kasi nakaladlad ang buong mukha niya ay siguradong dudumugin siya ng mga taong nakakakilala sa kanya. Manipis lang ang makeup niya. Lalo kasing sumikat si Joli Lina nang siya na ang tumayong si Joli. Naging sunod-sunod din ang project niya. “Uhm, I’m looking for Mr. Harley,” aniya. Parang sigurado na siya na doon talaga niya makikita ang pakay niyang tao. “Sino pong Mr. Harley ang gusto n’yong makita, ma’am?” pagkuwa’y tanong nito. Natigilan siya. Meaning, hindi lang iisa si Mr. Harley? Nakalimutan pa niya ang pangalan ng lalaki. Apelyido lang kasi ang tumatak sa isip niya. “Ahm, sino-sino ba ang narito?” pagkuwan ay tanong niya. “Si Mr. Erron Harley at Mr. Serron Harley po.” “Si Serron Harley,” nakangiting sabi niya. Sigurado na siya roon dahil nagsimula sa litrang ‘S’ ang pangalan. “May appointment po ba kayo sa kanya? Kaano-ano n’yo po siya, ma’am?’ pagkuwa’y usisa ng babae. Hindi na niya alam ang isasagot niya. “Kuwan… isa akong journalist from the TV network in Manila. Nagustuhan ko kasi ang place na ito kaya naisip ko na magandang gumawa ng documentary about sa uniqueness ng resort,” alibi niya. Hindi niya iyon napag-isipang maigi, basta lumabas lang iyon sa bibig niya. “Naku, sorry po, ma’am. Ang alam ko po ay hindi pumapayag ang management na ma-cover ang resort sa kahit anong pagdudukomento. Mas mainam po kung ang boss po namin ang makausap ninyo, pero hindi po ako sigurado kung narito siya ngayon. Hindi rin po siya tumatanggap ng appointment sa araw,” anito. Umismid siya. “It’s okay. Anyway, kukuha ako ng room for overnight,” sabi na lamang niya. No choice. Kumilos naman ang clerk. “Iisa na lang po ang available naming single deluxe room. Nasa poolside po siya,” anito pagkuwan. “Okay lang, basta sakop pa rin ng resort,”  aniya. “Okay po ma’am.” Nagsulat pa siya sa logbook na binigay ng clerk para sa guests records. Nahalata niya ang curiosity at excitement sa mukha nito nang ipakita niya rito ang ID niya. Of course, identical twin sila ni Joli, kaya iniisip na ng babaeng ito na siya si Joli. Pero hindi naman nito alam kung ano talaga ang pangalang tunay ng kapatid niya. Hindi naman siya nito kinumpronta, o baka nahihiya lang. Mamaya’y dumating na ang room boy at iginiya siya sa kuwartong uukupahin niya. May kadiliman ang pasilyong tinatahak nila patungo sa kuwarto niya. Pagdating sa sukdulan ng pasilyo ay may dalawang kuwarto na magkatabi. “Seriously?  Dito ang room ko?” kiming saad niya. “Yes ma’am. Ito na lang po ang available na room for one pax. Ang kabilang room po ay private. Kung gusto n’yo po, meron pong VIP room pero six thousand per night,” anito. Biglang sumakit ang bulsa niya. Kahit malaki na ang ipon niya ay hindi siya magwawaldas ng anim na libo sa isang gabing pag-stay sa isang hotel. Naghihinayang siya sa pera. “Okay na ako rito,” sabi na lamang niya. Pagkuwa’y iniwan na sa kanya ng lalaki ang susi. Pagpasok niya’y bumungad kaagad sa kanya ang halimuyak ng sariwang rosas. Napasinghot siya. May nagkalat na sariwang talulot ng rosas sa puting kama. Parang ang sarap niyong higaan. Ang totoo, wala naman talaga siyang balak mag-check-in sa hotel ng resort na iyon. Gusto lang talaga niya makita si Mr. Serron Harley. Magandang hakbang din iyon since napatunayan niya na doon lang natatagpuan si Serron Harley. Nakiusyoso na rin siya total magpapatayo siya ng sarili niyang resort. Marami siyang makukuhang ideya sa resort na iyon. May narinig na siyang tsismis tungkol sa resort na iyon. Since kumpirmado na nag-e-exist ang mga bampira, may nagsabi na bampira raw ang may-ari ng Harley’s Resort. Huli na sa balita ang mga tsismosa dahil matagal na niyang alam na may bampira sa lugar nila. Simula rin noong lumitaw ang mga bampira, nakapagsulat siya ng libro tungkol sa mga ito. Tama rin ang tsismis na bampira ang may-ari ng Harley’s resort. Bampira si Serron Harley, iyon ang kinumpirma sa kanya noon ni Joli. Kaya hindi siya naging pabor sa desisyon nito na makipagkaibigan sa lalaking bampira. Pero matigas ang ulo ng kapatid niya. Wala itong pinapakinggan. Dahil din sa pagkahibang nito sa bampirang iyon ay napabayaan nito ang career nito. Bigla siyang nakadama ng gutom nang makita niya ang kuwadradong menu book na nakapatong sa bed side table. Ngunit hindi pagkain ang hinahanap ng lalamunan niya kundi serbisa. Pagkatapos niyang maligo at makapagbihis ay lumabas siya ng kuwarto. Tamang-tama paglabas niya ng pinto ay siya ring bukas ng pinto sa kabilang kuwarto at lumitaw ang bulto ng pamilyar na lalaki. Natigilan siya nang humarap ito sa kanya. Hindi niya akalaing kusang lalapit sa kanya ang isdang gusto niyang mahuli. Tulalang napatitig din sa kanya ang lalaki. Nanlalaki ang magaganda nitong mga mata na naliligiran ng malalagong pilik. Suot nito’y puting polo-shirt na hapit sa maskuladong katawan nito at itim na maong pants na hapit sa mga hita nito. Itim na rubber shoes ang sapin nito sa mga paa. Mukhang bagong ligo ito at sinuklay patalikod ang medyo mahaba nitong buhok na halos iisa ang direksiyon. Kahit malamlam ang ilaw ay kitang-kita ang makinis at mapuputi nitong kutis. Mas maputi pa ata ito sa kanya. Hindi niya akalain na mas guwapo pala ito sa personal kaysa sa litrato. Matangkad ito at matikas ang tindig. Mahinahon ang hilatsa ng mukha nito—tipong hindi makakagawa ng masama sa mga babae. At hindi siya magtataka bakit nahibang dito ang kapatid niya. Pero bigla siyang kinilabutan nang maalala na isa itong bampira. Hindi talaga siya komportable sa mga bampira. Kahit anong puri ni Joli sa kabutihan ng nakilala nitong bampira, hindi pa rin siya pabor. Matagal na kasi siyang may hinanakit sa mga bampira. Maliban doon, bata pa lamang siya ay naniniwala na siya na totoo ang mga bampira, dahil ang Papa niya mismo ay nakadakip noon ng isang bampira, ngunit bampira rin ang pumaslang sa kanyang mga magulang. Lalo lamang sumidhi ang poot niya sa mga bampira habang naiisip na nawala lahat ng mahal niya sa buhay dahil sa mga ito. Kaya gusto niyang maging journalist ay dahil gusto niyang makapagsulat ng documentary tungkol sa mga bampira, at ilathala o ipaalam sa mundo na totoo ang mga ito. Sumasama siya sa mga social workers para makasagap ng impormasyon tungkol sa mga natutuklasan ng mamamayan na nagkakaroon ng trauma dahil sa mga pag-atake ng mga bampira. Kahit busy siya ay itinuloy niya ang kanyang pag-aaral at nakapagtapos. Gagamitin niya ang kanyang kaalaman upang makagawa ng makatotohanang dokumento tungkol sa mga bampira. Inipon niya lahat ng nalalaman niya at personal na karanasan. “And here you are,” mahinang sambit niya habang nakipagtitigan sa guwapong lalaki na halos isang dipa lamang ang pagitan sa kanya. “Joli?” mamaya’y bigkas nito. Napamata siya. Oo nga’t hindi siya nito kilala bilang si Jove. Inalis na rin kasi niya ang sunglasses niya baka mapagkamalan siyang ignorante. Iisipin talaga nitong siya si Joli. Alam kaya nito na patay na ang Joli na nakilala nito? Pero kung alam nito, hindi naman siguro siya nito tatawagin sa pangalan ng kapatid niya. Imposibleng hindi nito alam na may kakambal si Joli. “You still remember me?” aniya. Pinangatawanan na niya na siya si Joli. Sa paraang iyon ay mas madali niyang malaman kung ano talaga ang nangyari kay Joli at sa guwapong bampira na ito. “Yes, of course,” matatag na sabi nito. Humakbang siya nang dalawang beses palapit dito. Abot kamay na niya ito. Sinuyod niya ng tingin ang kabuuan nito. “Almost nine years din tayong hindi nagkita,” aniya. Siyam na taon na kasi ang nakalipas magbuhat noong magpakamatay si Joli. “No. Eight years if I’m not mistaken,” pagtatama nito. Natigilan siya. Imposibleng nakita pa nito si Joli isang taon makalipas na mamatay ang kapatid niya. Hindi na lamang niya pinansin iyon. Baka nagkamali lang ito ng bilang ng taon. At kataka-takang natatandaan pa nito ang panahong iyon kung hindi importante rito ang kapatid niya. “Anyway, kumusta ka na? How’s your life now? Parang hindi lang nadagdagan ang edad mo,” kiming sabi niya. Pasimpleng inayos niya ang kuwelyo ng damit nito na bahagyang natupi. Pinagmamasdan lamang siya nito. “Edad ko lang ang tumatanda. Maayos naman ang buhay ko,” kalmadong sagot nito.  He scanned her from head to foot, parang may hinahanap. “Ikaw, kumusta ka na?” tanong nito pagkuwan. Matagal nang patay… ngali-ngali niyang sabihin. “Well, okay lang din. Maganda pa rin naman,” pilyang sabi niya. Ngumisi ang lalaki. “I know that,” gatong naman nito. Naipamulsa nito ang mga kamay. “So… naka-check-in ka pala rito. I hope you would enjoy staying here,” kaswal na sabi nito. “Actually kararating ko lang. At parang sinadya na magkatabi ang kuwarto natin, ah.” Humalukipkip siya at hindi nasaway ang mga mata na suyurin ito ng tingin. “Ikaw ba ang owner ng resort na ito?” pagkuwan ay tanong niya. “Nope. Investor lang ako. Pag-aari talaga ito ng kapatid ko, my younger brother.” His facial expression showed a little confusion. “Oh, nice.” Nasurpresa siya sa nalaman, at the same time ay kinakabahan. She forgot something, she forgot to study first about Joli knowledge about this guy. Maybe Joli knows about Harley’s resort. “I had told you about this resort before. I invite you once but you refused me,” kaswal na wika ng lalaki. Kumabog ang dibdib niya. Hindi siya handa sa biglaang pagpapanggap. Nakagat niya ang kanyang ibabang labi. She must be careful with her words. Madaldal pa naman si Joli, unlike her, she’s more action, less talk. Pero since ilang taon siyang nagpanggap na si Joli, tila na-absorb na niya ang human nature nito. But of course, no one is alike even identical twin. “Uh, yes, I remember, sorry,” palusot niya. Naging uneasy tuloy siya. “You know how pressure my job is. It’s been a long time since the last time we met,” aniya. “That’s okay, I understand.” Malapad itong ngumiti at muling sinuyod siya ng tingin. “Anyway, kumain ka na ba?” pagkuwan y tanong nito. His question sounds good. Hindi niya palalampasin ang pagkakataong iyon. Kailangan niyang mapalapit kay Serron nang makapagsimula siya ng kanyang imbestigasyon. “Hindi pa nga. Pero parang mas gusto ko ng beer,” aniya. “Akala ko ba bawal ka sa liquor,” kunot-noong gagad nito. Napangiwi siya. Nakakalimot na naman siya. Nagka-ulcer noon si Joli kaya bawal na ang alak. “Uhm, gumaling na ang sakit ko kaya puwede na akong uminom ng beer pero light lang,” mabilis na palusot niya. Tumango ang lalaki. “Okay. Pero hindi ka pa rin dapat umiinom nang sobra, unlike before na halos hindi mo na ako makilala dahil sa sobrang kalasingan,” amuse na sabi nito. Natigilan siya. Iniisip na lang niya na baka noong nasa-Maynila si Joli ay madalas iyong maglasing. Ang sabi kasi ni Joli, sa Maynila nito unang nakilala si Serron Harley, sa isang bar. Mukhang kailangan pa niyang pag-igihan ang pagpapanggap. Wala pala talagang alam ang lalaking ito na may kakambal si Joli. Malamang hindi talaga sinabi ni Joli. Hindi rin kasi sila madalas magkasama ni Joli. May kanya-kanya silang bahay at buhay. Busy siya sa pag-aaral at pagsusulat, samantalang si Joli ay hindi nakatapos ng college dahil nag-artista na. Mas madalas na noon sa Maynila si Joli at nag-uusap na lamang sila sa phone. Minsan ay wala na silang komunikasyon dahil busy ito at ganoon din siya. “What do you want?” tanong ni Serron nang makaupo na sila sa mesa malapit sa bar counter. “Gusto ko lang ng beef steak with mash potato. Diet ako ngayon,” aniya habang nakatingin sa bar menu sa tapat nila. Naghahanap siya ng cocktail. “Okay.” Nagtawag ng waiter si Serron. Lihim niya itong pinagmamasdan habang pasimpleng tumitingin siya ng ma-o-order na inumin. Ibang-iba sa personal si Serron kumpara sa nai-imagine niya noong ikinukuwento pa lamang ito sa kanya ni Joli. At tama si Joli, ang cool nitong kausap—tipong madaling makagaanang-loob. Pero ipinaalala niya sa sarili na isa itong kaaway na may malaking pagkakautang sa kanya. Hindi dapat siya magpadala sa kabaitang ipinapakita nito. Naalala pa niya ang sinabi noon ng Papa niya tungkol sa mga bampira. Ang mga bampira raw ay magaling magpanggap. Kunwari mababait pero paraan lang iyon ng mga ito upang madaling makabingwit ng mabibiktima.    
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD