Chapter Two

2413 Words
“KUMUSTA na pala ang acting career mo, Joli? Hindi kasi ako updated sa showbiz kaya hindi kita nasusundan,” usisa ni Serron kay Jove. Pinagmamasdan din pala siya nito habang nakatingin siya sa menu book ng bar. Bahagyang uminit ang ulo ni Jove. “Okay lang,” tipid niyang sagot. Mukhang wala talagang alam ang lalaking ito sa nangyari kay Joli. O baka naman ay nagkukunwari lang ito para magmukhang inosente? “Kailan ka pa nag-stay rito sa Cebu?” tanong na naman nito. Ibinaba niya ang binabasang menu. “Matagal na. May nabili akong lupain malapit dito for resort investment. Para naman may mapupuntahan ang naipon ko mula sa pag-a-artista,” aniya. “You mean, ikaw ang nakabili ng for sale na lupain katabi namin?” nasurpresang tanong nito. Tumango siya. “Magiging kalaban ko na ang resort ninyo,” pilyang sabi niya. Tumawa nang pagak si Serron. “So, I guess you’re here to get some ideas, am I right?” usig nito sa kanya. Ngumisi siya. “Is that illegal?” aniya. “Nope. That’s your business and it’s a challenge for us to have a competitor like you,” sabi pa nito. Tumawa siya nang pagak. “Parang ganoon na nga iyon. Pero gusto ko maging mas maganda ang resort ko at siguradong dadayuhin ng mga torista.” “Matutulungan kita riyan. I have a lot of knowledge about interior designs. I studied architecture twenty years ago when I was in New York,” anito. Namangha siya. “Oh, talaga?” eksaheradong komento niya. Napapataas pa ang isang kilay niya. “You mean, this unique designs of interior and exterior designs of the resort are all your idea?” usisa niya. “Some parts but not all. I have an engineer friend that also good it comes to creating the sketch. Mas magaling siya,” tugon nito. “Uhm, why you didn’t pursue your job regarding the course you chose?” interview niya rito. “Mas gusto kong tumulong sa maliliit na mamamayan. Sa mga traumatic person na nabibiktima ng mga karahasan.” “Oh? You mean, are you working for social welfare?” Namangha siya. “Yap. I care for children who are experiencing early depression and trauma. I just feel them, I feel how hard to live with traumas.” Matiim na natitigan niya ito. Bigla kasing dumilim ang mukha nito. Nakadama siya ng munting kibot sa malaking bahagi ng puso niya. Mukhang may malungkot itong karanasan sa buhay. “Excuse me, nasabi mo na ba sa akin ang tungkol diyan dati? Hindi ko maalala,” pagkukunwari niya. Wala naman talaga siyang alam tungkol sa buhay nito. “I’m sure, hindi pa. Ayaw mo ng sad stories kaya hindi ako nagkuwento sa iyo.” Tatangu-tango lamang siya. Napansin niya ang maya’t-mayang pagtitig sa kanya ni Serron. Hindi mapakali ang mga mata nito. Mamaya’y dumating na ang order niya. “Let’s eat!” aniya nang sinimulan na niyang galawin ang pagkain. “Go ahead. Katatapos ko lang kumain. Na-miss lang kitang makitang kumakain,” nakangiting sabi nito. Hindi niya maintindihan bakit uminit ang mukha niya sa sinabi nito. Serron has a sweet voice na kay sarap pakinggan. Matipuno ang boses nito pero sakto lang na hindi kasing tigas ng iba. Masyado itong malambing magsalita na wari hindi makabasag-pinggan. Hindi siya sanay na may nakatingin sa kanya habang kumakain. Lalo na kung kasing guwapo ni Serron. Nakaka-tense. Nang sipatin niya ito ay kaagad siya nitong nginitian. Pero may pagkakataon na kinikilabutan siya. Pakiwari niya’y kinikilatis nito ang pagkatao niya. Malamang may napapansin itong kakaiba sa kanya. “How’s your married life, Joli?” mamaya’y tanong nito. Natigilan siya. Awtomatiko’y binato niya ito ng manghang tingin. Anong ibig nitong sabihin? Kailan pa siya ikinasal? Or mas tamang tanong, kailan pa ikinasal ang kapatid niya? Wala naman siyang maalala na nagpakasal si Joli. Kung totoo man dapat siya ang unang makakaalam. “I never been married, Serron,” matatag na sagot ni Jove sa tanong ni Serron. Hindi kaagad nakaimik si Serron. Titig na titig lamang ito sa kanya. Bigla na lamang siya kinabahan. Hindi dapat niya sinabi iyon. Dapat nag-imbestiga muna siya sa mga kaganapan sa buhay ng kapatid niya na hindi niya alam. Dalawang buwan din silang hindi nagkita at nagkausap ni Joli bago niya ito matagpuang patay sa kuwarto niya. May outing sila noon kasama ang mga kaklase niya sa Palawan at isang linggo siyang hindi umuwi. “Anong nangyari sa inyo ni Harvey?” tanong nito pagkuwan. Sino si Harvey? Nagtatakang nakatitig siya sa lalaki. Nabulabog na ang isip niya. Dapat talaga nag-imbestiga muna siya bago niya sinugod si Serron. Pinagpapawisan na siya nang malamig. “Excuse me, Sir Serron, hinahanap po kayo ni Dr. Rivas,” mamaya’y apila ng isang waiter. “Excuse me, Joli,” ani Serron saka siya iniwan. Nakahinga siya nang maluwag. Mabuti na lang may umabala sa kanilang kuwentuhan, kung hindi ay baka nabisto na ni Serron ang pagpapanggap niya. PINAGMAMASDAN ni Serron si Joli buhat sa malayo habang kausap niya si Dario. Kanina pa niya binabasa ang buong presensiya ng babae at hindi niya maramdaman ang orihinal na aura ni Joli na nakilala niya noon. Kahit matagal nang hindi sila nagkita, nakarehistro na sa isip niya ang aura nito. Ibang-iba ito ngayon, ang kilos at punto ng pananalita. May kaibahan din sa boeses nito, wala na ang munting lambing. Hindi lingid sa kaalaman niya na nagbabago ang human nature ng mga tao, pero sigurado siya na hindi ang aura nito. His radar depends on humans' aura that can be found in their DNA. He can identify humans by detecting their auras. Kahit magpalit ng anyo ang mga ito, malalaman pa rin niya kung tamang tao ang kaharap niya. Though he was confused, he knows that Joli would not fool him. Wala siyang ideya sa nangyayari sa buhay nito since matagay na wala siyang panahong tutukan ito. Alam niyang lalo itong sumikat pero naging busy siya kaya halos nakalimutan na niya ito. “Sumama ka na sa akin sa CDO,” pagkuwa’y wika ni Dario. Naroon sila sa lobby na karugtong ng restaurant. Mula roon ay natatanaw niya si Joli na kumakain. Nakatayo lang sila roon ni Dario. “Meron ba tayong bagong plano?” tanong niya habang nakatingin pa rin sa babae. “Wala pa pero may dalang batang lalaki si Leandro from Spain. Isa siyang day walker, pero may dugo siyang pinoy.” Mariing napatitig siya kay Dario. “Daywalker vampire?” manghang gagad niya. Day walker ang tawag nila sa mga hybrid vampire na nalahian ng tao. Ang mga ito kasi ay nabubuhay sa araw at hindi nasusunog. Bihira ang ganoong lahi since from their late generation, vampires didn’t breed in any species, especially humans. Kaya espesyal ang mga daywalkers. “Yap. Iniimbestigahan pa ni Zyrus at Jegs kung kanino siyang anak. Hindi natukoy ni Leandro kung sino ang mga magulang niya. Natagpuan lang siya ni Leandro sa isang gubat sa Spain. Pero lumabas sa DNA result niya na nagmula siya sa lahi ng mga bampira na may itim na dugo,” wika ni Dario. Napamata siya. “You mean, he’s from our bloodline?” manghang tanong niya. “Exactly. Busy si Erron kaya ikaw ang nilapitan ko baka sakaling ma-identify mo kung kanino siyang anak. Mahalaga na makilala natin ang parents niya,” anito. Napaisip siya. Aywan niya bakit nasabik siyang makita kaagad ang batang tinutukoy ni Dario. Hindi na siya nagpakita kay Joli. Pinasabi na lamang niya sa waiter na bayad na ang kinain nito at pinabigay niya ang calling card niya. Pagdating sa mansiyon ni Dario sa CDO ay agad hinagilap ni Serron ang batang tinutukoy nito. Naabutan niya si Riegen at Jegsyn na nag-uusap sa veranda. Natameme ang mga ito nang makita siya. “Bakit ganyan kayo kung makatingin?” curious na tanong niya sa mga ito nang mapansing may something sa tingin ng mga ito. Para bang may nagawa siyang kasalanan na hindi niya alam. “Speaking of the devil,” halos pabulong na wika ni Riegen. “I hope alam mo na ang tungkol sa batang napulot ni Leandro sa Spain,” ani Jegs. “Oo, pero ano bang meron sa kanya?” takang tanong niya. “Mas mainam kung tingnan mo siya,” sabi ni Jegs. Pagkuwa’y iginiya siya ng mga ito sa kuwartong pinagdalhan sa bata. Naabutan niya roon si Zyrus na inaasikaso ang sugat ng bata sa kanang braso. Natigilan siya nang masilayan ang mukha ng bata. Hindi niya maintindihan bakit tila bigla siyang nanumbalik sa kanyang kabataan kung saan nakatitig siya sa malaking salamin at nakikita ang kanyang sarili. May kung anong kumislot sa malaking bahagi ng puso niya. “Sangre! Sangre!” sigaw ng bata habang nagpupumiglas. Nakatali ang mga paa at kamay nito habang nakaupo sa silya katabi ng mesita. “Nauuhaw na siya at nagugutom. May stock ba tayo ng dugo? Kanina pa iyan nanghihingi ng dugo, ah,” wika ni Riegen nang lapitan nito ang bata. “Hindi pa dumating ang human blood na order ko sa blood bank. Meron tayong sariwang karne ng manok,” tugon naman ni Zyrus. Humakbang palapit sa bata si Serron. Nititigan niya nang malapitan ang bata na kung tumitig sa kanya ay wari gusto siyang lapain. Nanlilisik ang mga mata nito. “And who are you?” tanong nito sa kanya. “I’m Serron,” mabilis niyang sagot. “I hate you!” asik nito sa kanya. Nagpupumiglas pa rin ito. “How did you say you hate me? We’re just met here,” aniya. “Sangre! Sangre! Sangre!” sigaw na naman nito. “Dito pala ipinanganak sa Pilipinas ang bata pero sa Spain lumaki. Filipina ang nagpalaki sa kanya, pero ayaw niyang sabihin kung sino. Wala na raw siyang ina at ama. Hindi pa namin matukoy kung alin sa mga magulang niya ang bampira, pero sigurado kami na ang tatay niya ang bampira dahil sa tapang ng dugo nito. Forty percent lamang ang dugo ng tao na meron sa kanya. The rest ay mula sa bampira,” paliwanag ni Zyrus. “Bakit may sugat siya? Hindi ba dapat kusa iyang gagaling?” pagkuwa’y tanong niya. “Kinagat iyan ni Leandro para makatulog siya. Sobrang likot kasi at hindi mahawakan,” ani Zyrus. “Mukhang kailangan niya ng guidance,” aniya. Tinapik ni Jegs ang balikat niya. “Oo, kailangan niya ng guidance at ikaw lang ang makakagawa niyan, Serron. Wala kaming tiyaga magpaamo ng batang katulad niya,” anito saka humalukipkip. “Correct,” sang-ayon naman ni Riegen. “Kaya nga aakuin ko na,” sabi naman niya. Matiyaga siya sa mga bata kahit gaano ito kapilyo. Mamaya’y magkasunod na lumabas sina Riegen at Jegs. Naiwan naman sila ni Zyrus. Matapos turukan ni Zyrus ng pampatulog ang bata ay mahimbing na ang tulog nito. Tumahimik din. Umupo siya sa gilid ng kama sa tabi ng bata. Tinitigan niyang maigi ang mukha nito. “Ano’ng pangalan niya?” mamaya’y tanong niya kay Zyrus. “Jero, at wala daw siyang apelyido,” sagot naman nito. Nagliligpit na ito ng gamit. “Eight years old na siya. Ayon sa source namin, iniwan daw siya ng kumupkop sa kanya dahil kamuntik na niyang kagatin ang anak ng inahin nito. Natuklasan ng mga tao sa bayan nila na isa siyang bampira kaya itinakwil siya. Nagpalaboy-laboy siya at tuluyan natutunan kumain ng tao. Marami na siyang napatay sa Spain. Kaya nang mabalitaan ni Leandro na may batang bampira na pagala-gala sa lugar nila ay pinaglaanan niya ito ng panahon para madakip. Masyadong wild ang bata at umiiral ang pagiging bampirang may itim na dugo nito. Ang misyon namin ngayon ay matukoy ang DNA match ng bata sa kahit sinong pinoy, babae man o lalaki, pero majority ay mga babae. Hindi na rin namin mahanap ang taong nagpalaki kay Jero. Lumipat na raw iyon ng ibang bansa,” mahabang kuwento ni Zyrus. “Bata pa siya. Madali lang siya madisiplina,” aniya. “Oo, pero sa atin ikaw lang ang makakagawa niyan. Pero mas mainam kung sanayin siyang makisalamuha sa mga tao.” “Akong bahala sa kanya.” Pagkuwa’y tumayo na siya. Sabay na sila ni Zyrus na lumabas. Kinabukasan nang magising ang batang si Jero ay kaagad itong nilapitan ni Serron. Hindi na ito nagwawala katulad kahapon. Maamo na itong tingnan. Siguro dahil busog na ito. Nakainom kasi ito ng dalawang basong dugo nang magising kanina pero kaagad ding natulog ulit. Umupo siya sa gilid ng kama sa tabi nito. “How are you?” tanong niya. Mabuti na lang marunong sa wikang Inglis ang bata. Hindi siya nito sinagot. Tinitigan lamang siya nito nang masama. “Do you understand Filipino? Zyrus said you live here for almost three years before you migrated to Span.” “Let me out!” asik nito. Nanatili siyang kalmado. “You should learn how to respect elders, Jero. When I was a kid like you, I never killed humans or even vampires. I’m innocent it comes to killing. During my teenage, I killed once but not for my meal. I killed just to protect my mother from our enemies. In my entire life, you’re the only vampire I have known that killed multiple innocent lives at the age of eight. My brother Erron, he just likes you when he was a kid. He learned to kill because of my father. But he didn’t kill humans at his young age, unlike you. You’re impossible,” his litany, hoping that Jero would realize his mistake. Tinitigan lamang siya nito. Dahandahang kinakalas naman niya ang kadena sa mga kamay at paa nito. “I won’t ask you to be nice, I will force you and teach you how to be a normal kid,” aniya. Hindi naman pumalag ang bata nang mapalaya na niya ito. “Then, what next?” matapang na tanong nito. “We’ll live together with humans. I just like you, I can’t stay with humans for so long. But I need to act like them. I need to hide my dark side. We have to adjust for them to accept us and not to curse us. We need humans as part of our family.” “I don’t need family,” anito. “You can’t say that anytime. At your age; you need strict guidance from us.” “I don’t need anyone! I hate humans!” asik nito. Galit na naman ito. “Why?” curious niyang tanong. “They treat me like an animal!” Puno ng galit ang mga mata nito. May kung anong kumurot sa puso niya. “What about your parents? Did they treat you good?”  malungkot na usisa niya. “They’re all dead! Or they must die! They treat me like a nobody!” Nasilayan niya ang ga-butil na luhang lumaya mula sa mga mata ng bata. Lalo lamang kumalat ang kirot na namuo sa malaking bahagi ng puso niya. “If they care about me, why they need to leave me?” anito. Tinabihan niya sa kama ang bata. Hinagod niya ang likod nito. “I got your point. We can’t please them to cherish you if they don’t want to. But I can help you to find them,” aniya. “I don’t care anymore! They’re gone! I can live without them by my side!” Hindi niya maintindihan bakit ganoon na lamang ang paninikip ng dibdib niya habang naghihimagsik ang bata sa mga magulang nito. Pakiramdam niya ay sa kanya tumatama ang galit nito. Not to assume but he can’t help. He just felt strange emotions. Tumayo na lamang siya. “Maligo ka na. Pagkatapos ay aalis tayo,” aniya. “Where we going?” “Somewhere out there,” sabi lamang niya. Tumayo naman ang bata. “I hate this place, Serron!” reklamo nito. “Okay. Kaya nga aalis tayo. Ihahanap kita ng mas komportableng lugar kaya maligo ka na,” aniya. Tumalima naman ang bata. Binigyan niya ito ng tuwalya at iginiya papasok sa panyo. Naghintay lang siya sa labas.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD