Kabanata 32: Komosyon

2206 Words
32 Patay malisya lang ako sa ingay ng kapaligiran. Kanina pa lumilipad ang isip sa mga gawain. Minsan pakanta-kanta na lang ako sa isipan kaya naman hindi ko pansin ang kanina pang nagtatawag sa akin. Tsaka lamang ako nagising sa huwisyo nang may kumalabit sa aking Marlboro girl. "Wag kang aanga-anga dito. Pinapatawag ka," Ani nito sabay nguso sa private table ni Mayor. Sumenyas ito sa akin kaya habang tangay-tangay ang mop sa ikalawang kamay, dinala ako ng mga paa sa kanilang kinaroroonan. Tinapon nito ang upos na sigarilyo sa punong ashtray. Ako naman ay ura-uradang nagliligpit ng kanilang mga kalat. Hindi lang ako ang naroroon, kasama ni Mayor ang kanyang escorts. Ramdam ko ang kanyang mapagmatyag na mata, hindi ko nga lang mawari kung inaanalisa niya ang kilos ko kaya naman mas lalo akong nagmadali. "Tabihan mo ako dito," Ani ni Mayor, dahilan para mabilis akong mapa-angat tingin. "Mayor… pasensya na. Di ko po iyon trabaho, taga-linis lang ako," Sinindihan ng katabi niyang escort ang sigarilyo. Panay ang kabog ng aking dibdib, hindi dahil sa takot, pero sa posibilidad na maulit ang ganitong pangyayari kung sakaling hindi ko linawin ang aking trabaho. "Huwag mo akong bastusin tumabi ka sa akin," Makahulugan kong tinitigan ang kanyang mga katabi, gayundin ang waitress sa isang gilid, ngunit nanatili silang tahimik. "Sir pasensya na, papagalitan po ako ng manager ko," Tumikhim siya, maya-maya ay humithit muli sa kanyang sigarilyo. "Sige tawagin mo manager mo," Nabigla ako sa kanyang sinabi kaya hindi ko mawari ang isasagot. "Di po..." Hindi ko akalain na didiretsuhin niya ako kaya halos magkanda-utal-utal ako. Ang mga tao sa paligid ay nagkatinginan, miski ang mga escorts sa tabi niya ay nagtataka akong pinasadahan ng tingin. Ni isa sa amin ay hindi naka-imik. Lahat nagulantang sa pangyayari. Mukhang hindi na nakapag-timpi si Mayor at maagap na tinawag ang kanyang mga tauhan. "Dalhin mo sa akin yan, itabi mo dito," "Opo," Ani ng kanyang mga tauhan. Nanlaki ang aking mata. Datapwa't itinanggi ko ang pag-table, pilit nila akong kinaladkad. Nagpupumiglas ako ngunit malaki ang pangangatawan ng kanyang mga tauhan kaya halos maubos ang aking lakas. Wala ni isa ang tumulong sa akin kaya sa pagkakataong ito, ramdam ko ang siphayo. Atubiling umalis ang katabi nitong escort at ako ang ipinalit sa kanyang pwesto. Pwersahan nila akong pinaupo sa tabi ng alkalde, medyo mahigpit ang kapit sa balikat ko. Tanging sama ng tingin lamang ang naibaling ko. Bukod kasi sa maimpluwensya ang angkan ng mga Legazpi, napapalibutan ako ng kanyang mga kalalakihan kaya hawak nila ako magkabilaan. Pinasadahan niya ako ng tingin bago bumuga ng usok. Hindi ko naitago ang simangot sa mukha habang winawasiwas ang kamay, pilit pinapawi ang usok mula sa sigarilyo. "Anong meron sayo... Mas maraming magagandang babae..." Tinignan niya ako mula ulo hanggang paa. "—hindi ka rin naman mayaman," Puno ng pang-iinsulto ang kanyang tono, ngunit sanay na sanay ako sa ganitong estilo kaya ipinagsawalang bahala ko ang panlalait. "Anong kailangan niyo sa akin?" Bahagya siyang tumawa habang pinipitik ang daliri. "I like the direction we're heading," Makahulugan niyang dinuro ang upper floor, kung nasaan ang tinatawag at itinuturing nilang supremo. "Alam kong kilala mo ang lalaking nandoon…Sabihin mo lang sa akin nalalaman mo at sisiguraduhin kong may pabuya kang matatanggap," "Mayor... hindi kita maintindihan. Wala akong kinalaman sa anuman ang mayroon sa pagitan niyo. Naglinis lang ako, tapos." Medyo iritado kong ani pabalik, tuluyang kinalimutan ang pagiging magalang. Mukhang hindi siya kumbinsido. "Don't make me repeat myself. Anong sinabi niya sayo?" "Naglinis lang po ako doon. Walang ibang dahilan o malisya," Bahagya siyang tumawa. "Bullshit," Aniya bago itapon ang halos buo pang sigarilyo. "Ikaw ba ang panibago niyang p*ta? Lahat ng babaeng pinadala ko sa kanya ay tinanggihan niya pero ikaw lang ang tanging nakalapit..." Nanlaki ang aking mata nang mas lalo siyang manggalaiti. Hinawakan niya ako sa magkabilang pisngi gamit ang isang kamay, habang ang ikalawa dumako sa aking suot na polo. Makahulugan niya akong pinagmasdan, yung tingin puno ng intimidasyon. Nanatiling tahimik ang kanyang mga kalalakihan ngunit alam kong nakatuon sila sa pangyayari. Malakas ang kabog ng aking dibdib at bago ko pa mapigilan ang sarili, marahas ko siyang tinulak. Hindi inaasahan ni mayor ang ginawa ko kaya agad akong tumayo sa kinauupuan at sinubukang tumakas, ngunit naka-abang na ang kanyang mga tauhan. Nagulat ako sa sumunod na pangyayari. Isang marahas na hatak ang dahilan para sumalpok ang aking likod sa matigas na glass table. Laking pasasalamat ko at hindi nabasag kundi baka tuluyan akong nasugatan. Several gasps were heard all across the room, but no one dared to stop the commotion. Walang may lakas ng loob sumuway sa may mataas na katungkulan. Hindi ko mapigilan ang mapaungol sa sakit dala ng pwersahang hatak. Buong magdamag akong nakatayo at dala ng marahas na pagkahagis sa akin—tuluyan kong naramdaman ang hapdi ng kasukasuan. "Tuturuan kita ng leksyon!" Nakita ko ang kanyang kamay sa ere, tila sasampalin ako sa mukha. Dala ng tensyon at bilis ng pangyayari, ipinikit ko ang mata, hinihintay ang mangyayari. Ngunit lumipas ang ilang segundo at walang palad ang dumapo sa aking pisngi. Inaninag ko ang alkalde at nabigla nang makita ang kamay na pumigil sa kanya—yung lalaking naka-mask... si Midnight. Nagsilakihan ang mata ni mayor kulang na lang ay lumuwa ito sa sobrang gulat. Puno ng ugat ang kamay ni Midnight, halatang batak na batak sa bakbakan. Malaking lalaki ang mga tauhan ni mayor ngunit wala silang sinabi sa bulto ni Midnight. Kulang na lang ay sakupin na buong palad niya ang ulo ng alkalde. Nanlalaki pa rin ang mata ni mayor, nanginginig ang bibig sa takot at bago pa siya makapagsalita, hinawakan ng supremo ang kanyang kwelyo at sa isang iglap, binagsak ito sa kabilang glass table. I heard the sounds of broken glass upon impact. Sa sobrang bilis ng kaganapan, nanatili akong nakapako sa hinihigaan. Nang magising ako sa huwisyo, sinilip ko ang pangyayari at halos bumalik sa akin ang trauma nang makita ko ang eksena—patuloy na pinagsusuntok ng lalaki ang halos walang malay na mayor. Maya-maya ay tumingin ito sa akin—ang puti niyang maskara punong puno ng tilamsik ng dugo. ____ "Okay ka na?" Halos wala ako sa sariling tumango sa nagaalalang tanong ni Mari. "Wag kang mag-alala, naayos na ni madam ang kaguluhan," Nanatili akong tahimik. Ilang saglit muna ang lumipas bago ako magsalita. "K-kamusta siya? Buhay ba si mayor?" Bagama't basura ang kanyang ugali, wala naman sa kahilingan ko ang may masaktan. Tumango si Mari at kinuha ang hawak kong cold compress. Pumunta siya sa likod ko at maingat na minasahe ang aking balikat. "Masakit pa ba?" Umiling ako. "Hindi naman... masakit lang nung tumama yung dulo ng lamesa," "Buti na lang nandon si sir Midnight to save the day," Pabiro niyang ani. Kinagat ko ang labi. "Siya rin ang dahilan kung bakit ako tinatratong ganon... Nadikit lang ako sa kanya ng ilang minuto parang nailagay na agad ako sa alanganin," "Hindi naman siguro..." Nilingon ko siya. "Ikaw na mismo ang nagsabing mag-ingat sa kanya," "I-Oo... pero I promise you, hindi naman ganito dito. This place is not a hell house. Maniwala ka sa akin... It's just... a f*****g wrong time to be. Lalo na ngayon agrabyado si mayor dahil mukhang lumipat na sa kabilang panig ang kanyang supporters," "Anong kinalaman ko doon? Bakit mo siya pinagtatanggol?" "Hindi ko siya pinagtatanggol...sinasabi ko lang na ngayong desperado siya baka kinakailangan niya ng koneksyon sa ilalim para... puksain ang kanyang kalaban," Sinabi niya ang huli sa mahinang tono. "I can't... Hindi ko ata kaya magtagal dito Mari... This is supposedly my first day. Everything that happened says a lot about this place. Hindi ako pwedeng magbulag-bulagan sa warning signs," Marahang tumango si Mari. "Pero... baka di ka na rin tanggapin sa dating coffee shop na pinagtatrabahuhan mo," Halos matawa ako sa kanya. "Ganon lang yon? Matagal ang aming pinagsamahan ni mam Vivien. Alam kong... alam kong tatanggapin niya pa ako. Kailangan ko lang siyang pakiusapan at bigyan ng magandang dahilan kung bakit tila nasasakal ako sa trabaho. Maiintindihan niya ako..." Ani ko na parang kinukumbinsi ang sarili. ____ NAGPATULOY ang kasiyahan sa club, na animo'y walang nangyaring kaharasan. Pilit kong pinakikilos ang sarili ngunit tuwing naalala ko ang dugong umaagos sa mukha ni mayor, bumabaliktad ang sikmura ko. Ilan sa mga tauhan ng alkalde ang pinalabas. Balita ko ay ipinagbabawal na silang tumapak dito. But that leaves me with the question, what about him? Wala akong narinig na anumang balita ukol sa kanya. Kung pinalabas ba siya o hindi...base sa mga usap-usapan, he's a crime lord. Kaya malabong managot ito ng basta-basta. Dakong alas-nueve y media nang magsimulang humupa ang dagat ng mga party-goers, regular customers at guests. Tinignan ko isa't isa ang masa ng taong lumalabas sa entrance, pilit tinatanaw ang lalaking iyon. Sa kasamaang palad, pasara na ang club, wala pa ring Midnight ang bumungad sa aking paningin. Hindi ko mawari sa sarili kung gusto ko ba siyang pasalamatan o gusto ko lang siya pagmasdan ng maigi nang sa gayon matutunan kong umiwas sa kanya, datapwa't malakas ang hatak nito. A part of me is conflicted but I do want to say thank you. Kung wala siya, baka kanina pa ako nabastos ng husto. Kanina pa umalis si Mari, saktong closing time. Nagpaalam naman siya sa akin, aniya ay may ka-meetup pa siya sa Villarreal Condo. Gaya ng sabi, sanay na ako sa kinagisnan niyang trabaho at buhay. Ang naging payo ko na lang ay magingat siya. Maraming masamang tao sa mundo. "Rose...Pinapaalis ka na ni madam," Lumingon ako sa nagsalitang babae. She was a petite but beautiful woman. Hindi ko siya kilala kaya nakaramdam ako ng hiya gayong alam niya ang pangalan ko. "Umm... pero wala pang ala-una atsaka aantayin ko pa kapalit ko," Nilaro ng babae ang kanyang daliri. "Kailangan mo na daw umalis kung hindi papagalitan kami," Kumunot ang aking noo. It was a weird request, pero sino pa ba ako para magreklamo? Mas magandang maaga mag-exit para ako'y makapag-pahinga na rin. Tumango ako bilang baling at isa-isang niligpit ang mga cleaning supplies pabalik sa janitor's area. Hindi na rin ako nagpalit ng damit, datapwa't punong puno ako ng pawis. Bukod sa wala akong dalang pamalit, atat na rin ako makauwi. Habang papalabas ng employee's exit, iilang mapanuring mata ang dumapo sa akin. Ramdam na ramdam ko iyon kaya hindi ko mapigilan tumitig pabalik. Agad din naman nilang iniwas ang tingin. Paglabas ng exit, agad akong sinalubong ng malungkot at madilim na daanan. The cold breeze of December swept me to my feet and somehow it felt familiar. Sanay akong magisa, magisa sa lahat ng bagay. Mapa-birthday, Christmas, holiday o pag-uwi ng bahay. Tuwing ginagabi ako, hindi ko mapigilan ang pagiging sentimental. Naglakad na ako paalis ngunit pagliko sa kabilang bahagi ng nightclub, animo'y nakakita ako ng multo nang masilayan ang isang black sedan na naka-park sa isang gilid, at ang lalaking nakasandal dito na parang kanina pa ako inaantay. Midnight... Anong ginagawa niya dito? Lilihis na sana ako sa kabilang direksyon, pabalik sa exit ng club nang makarinig ako ng papalapit na yabag. Isang matikas na bodyguard ang biglang sumulpot sa likod ko. Dahil okupado ang aking isip, hindi ko napansin ang tauhan nitong nakatago lamang sa dilim. Nagsitaasan ang balahibo ko. This moment was unexpected. Hindi ko mapigilan pagsiklupin ang mga palad gayong namawis ako sa kaba. Midnight looked at me with stern eyes even with a mask on the upper half of his face. Pakiwari kong sadya niyang tinatago ang identidad, he was an important figure in the underground afterall. Ang pinagkaiba ay wala na itong bahid ng dugo. Mabilis kong pinokus ang sarili sa mapagusap niyang mata. His eyes were bleak and seemed hollow. It made me realize that he is impossible to read. And to think na mahirapan akong basahin siya ay malaking bagay. I was an observer all my life. And like my initial thoughts of him, he remained an enigma to me. Kahit madilim, kitang-kita ko ang pag-igting ng kanyang panga. "Mauna na po ako...S-salamat kanina," Sa sobrang pitlag, naibulas ko na lang ang pasasalamat. Nagsalita ang tauhan nito sa likuran ko at hindi ko mapigilan mabahala. Kaunti na lang ay tumalon ang puso ko sa takot. "Miss...ihahatid ka na raw ni boss," Lumingon ako bago sumilay ang pekeng ngiti sa mukha ko. "Hindi na po. Salamat na lang," Tawa ko, palihim na sumulyap kay Midnight. Hindi nagsalita ang tauhan nito pero hinarangan niya ako nang sinimulan kong maglakad. Napalunok ako ng ilang beses. "Hindi na talaga kailangan..." Sinabi ko iyon habang nakatitig sa mata ni Midnight. He was intently staring at me, unmoved by what I just said. Panandalian kaming nagkatitigan. Maya-maya ay umiwas ako ng tingin. Bagama't wala itong imik, his stare was a command and a warning. Napasinghap ako bago marahang tumango, kung sakaling mapahamak ako at sana huwag naman... Sa hindi malamang dahilan, parang gusto kong balik-balikan ang unang pagkakataong nakita ko siya. Every night was comforting to me, sinasalamin ng malungkot na pagsapit ng gabi ang nararamdaman ko—and when I looked at him, I'm reminded of the dark and gloomy place I find solace in.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD