Kabanata 33: Pilit

2138 Words
33 Kinakabahan ko siyang nilapitan. Bagama't natatakot, pilit kong tinago ang pangamba. Tumigil ako nang makarating sa harapan niya pero agad din akong na-estatwa nang masilayan ang hawak na baril sa ikalawang kamay. Madilim ang kapaligiran kaya hindi ko iyon napansin kanina. Mukhang nahalata niya ang tingin kong nakatuon sa hawak niyang armas kaya agad siyang lumapit. Inabot niya ako nang may kakaibang pinapahiwatig. Binalot ako ng amoy niya, habang ang mga tattoo na nakaburda sa kanyang balat ay parang nagbibigay babala. Aaminin kong mabango siya bagaman ang presensya niya'y nakamamatay. Marahan niyang inangat ang baba ko para matitigan ng maigi at sa halip na umiwas ng tingin, muli na naman akong hinigop ng kulay-abo niyang mata. Yung tipong nang-aakit. Kapit niya pa rin ang baril sa kabilang kamay, at tila ginagamit niya iyon para mapaamo ako. Walang iba ang nakakasaksi sa pangyayari. Sa paraan ng aming pagtiti-tigan, tipong kami lang ang nasa lugar ngayon. Tumaas ang gilid ng kanyang labi bago ako igiya sa back seat. At nang makalayo siya ng ilang pulgada ay tsaka lamang ako nakabuga ng hiningang kanina ko pa pala pinipigilan. Kasalukuyan siyang nakatalikod sa akin kaya hindi ko mapigilan mapansin ang lapad ng kanyang balikat gayundin ang muscles niya na animo'y naglalayong kumawala sa suot na suit. Ilang beses ko ata uulitin ang pagpuna sa kanyang bisig, bukod sa parang nangangain siya ng tao, para din siyang modelo. Pinuntahan ko ang passenger side nang sumenyas siya. Maya-maya'y kinulong niya ako sa matitipuno niyang brasong nakasandig sa magkabilang gilid ko. Sobrang lapit niya sa akin, miski bawat paghinga niya ay ramdam na ramdam ko. Suddenly, I heard a click. Animo'y tupang nakawala sa lobo nahimasmasan ako at nabigyan ng pagkakataong makahinga muli. Binuksan niya ang pintuan, hinihintay akong pumasok. Siniil ko ang labi bago walang angal na sumunod. Hindi ko sinasadya ang pangyayari at sa pagkakataong ito gusto ko tumakas. Kung ano ang misteryosong meron siya, nasisigurado kong delikado pasukin. Pero huli na ang lahat, dumating na kami sa ganitong punto. Sa kaloob-looban, ang dalangin ko'y sana panandalian lang ito. Ipinirmi ko ang sarili sa mamahaling leather cushion ng sasakyan, habang sa kabilang passenger side pumasok si Midnight. Ilang saglit pumasok na rin ang tauhan nitong magsisilbing drayber para sa amin. The engines revved up, kasabayan nang malakas na pagkabog ng aking dibdib. I heard a click of a cigarette being lighted and suddenly we were off to the lone and dim road. Pinigil ko ang sarili hindi mahilo sa usok ng sigarilyo. Bagama't nakabukas ang bintana, hindi nito napigilan ang nakakapinsalang usok ng tabako. "Mam san po tayo," Napalingap ako nang magsalita ang drayber. Panandalian akong napaisip, habang ang lalaking nasa gilid ko'y maingat akong inobserbahan. "Gate 3 po sa Luciana village," Pagsisinungaling ko. Walang sabat na tumango ang drayber. Mula sa gilid ng aking mata, napansin ko ang pag-angat ng labi ni Midnight. He was still smoking, minding his own business but the smirk on his face never left him. Sa kabilang kamay ay nilalaro niya ang cylinder ng kanyang baril. Nahalata kaya niya ang pagsisinungaling ko? Kinagat ko ang labi. Hinding hindi ko ibibigay sa kanila ang tunay kong address. Tanga lang ang mahuhulog sa ganoong klaseng bitag. Buong biyahe walang umimik at ang tanging ingay na naririnig ko'y t***k ng aking puso. Kanina pa ako parang estatwa, natatakot magkamali. Datapwa't maamo ang hanging hatid ng gabi, nilalamig ako sa kinalalagyang sitwasyon. Maagap ding nabasag ang namamayaning katahimikan nang hindi ko na naitago ang pangangati ng lalamunan. Tinapik-tapik ko ang dibdib habang umuubo. Napansin iyon ng katabi ko kaya walang pag-aalinlangan nitong tinapon ang upos ng sigarilyo sa bukas na bintana. Nahihiya kong pinigilan ang ubo ngunit mas lalo lamang lumala. Pinikit ko ang mata ngunit agad rin akong napadilat nang maramdaman ang pagusod ni Midnight palapit. Naghumarentado ang puso ko nang halos isang dangkal na lang ang layo namin, ang isang kamay ay nakakapit sa baril. "P-please... wag..." Sa halip na sumagot, sumilay ang pilyo nitong ngisi bago buksan ang bintana sa tabi ko. Ilang segundo akong natunganga. Matapos ay nanlilit akong sumiksik sa gilid ng leather seat—pilit kinukurtina ang mukha ng buhok ko. Kulang na lang ay tumalon ako sa kahihiyan. Imbis na hayaan, ipininid niya ang buhok ko sa tenga. Kapagdaka ay naginit ang pisngi ko. "S-salamat pala kanina... Hindi ko akalain pagtatanggol mo ako," Nanatiling tahimik ang lalaki. Kanina ko pa iniisip kung pipi siya o sadyang ayaw niya magsalita, ngunit ayoko nang manghimasok sa kanyang buhay. Ang mahalaga'y kaligtasan ko. "Pero sana sa susunod...hindi na mangyari. Ayokong lumaki ang gulo. Natatakot akong masangkot ako, ikaw at ang iba sa kaguluhan—kaya sana po maintindihan niyo," Gaya ng inaasahan ko, nanatili pa rin siyang walang imik. _____ TUMIGIL ang sasakyan sa tapat ng street light at waiting shed ng Luciana Village. Bababa na sana ako ngunit nauna nang lumabas si Midnight. Umikot siya at pumunta sa passenger side ko. Bahagyang may gulat sa mukha ko nang pagbuksan niya ako ng pinto. "Thank you," Sinarado niya ang pinto bago paigsiin ang distansya sa pagitan naming dalawa. Siniil ko ang labi habang ang mata niya'y nadako sa ginawa ko. "Mauuna na ako... Lalakarin ko pa papasok ang tinutuluyan ko...Salamat ulit," Salamat at hindi niyo ako pinagtangkaan ng masama, gusto ko sana idagdag. Tinanggal niya ang suot na suit. Pinanood ko siya hanggang sa ilagay niya sa balikat ko ang kasuotan. Agad ko ring hinubad ang garment. "Hindi na kailangan. Salamat na lang po," Inabot ko sa kanya ngunit ayaw niyang tanggapin. May kung ano sa tingin ipinukol niya kaya wala na akong ibang nagawa kundi ang pumayag. Sinuklian ko siya ng pagtango bago muling isukbit sa balikat. "Salamat ulit..." Halos sirang plaka kong banggit bago magsimulang maglakad. Habang humahaba ang distansya sa aming dalawa, hindi ko mapigilan ang mapa-sulyap paminsan-minsan. Nakapamulsang tinatanaw niya pa rin ako, kaya agad ko namang binawi ang pagsilip. Sa kabutihang palad, may awa pa ang diyos. Hindi naman nila ako sinundan—taliwas sa aking akala. Wala ring mga tambay ang pakalat-kalat, na bihira lang mangyari. At higit sa lahat, kauna-unahang beses muli nang may sumagip sa akin. _____ NAKAKAGULAT man pero ilang araw akong tumagal sa night club. Hindi ko rin mawari a sarili gayong nangako akong hindi na babalik. Maliban sa kaalamang delikado ang taong iyon, naniniwala akong hindi niya rin ako sasaktan. Baliw ba ako para ilagay ang sarili sa alanganin? Siguro nga...pero gaya ng sabi, nailagay na ako sa sitwasyong ito—sa ayaw ko man o hindi. Bukod pa doon, sinubukan kong bumalik sa dating coffee shop. Nasa kalagitnaan ako ng entrada nang masilayan ang bagong empleyadong umookupado ng dati kong trabaho. Wala rin akong nagawa kaya napilitan akong bawiin ang pakay. Alam kong galit sa akin si Mam Vivienne...at baka nabastusan siya sa pangyayari, gayunpaman nag-iwan pa rin ako ng liham at regalo. Nagpapasalamat sa kanyang kabutihang sinukli sa akin. Sana lang ay balikan niya ako ng mensahe mula sa numerong iniwan ko. "Rose, table three please," Tumango ako kay Madam Juls at agad sinuyod ang daan patungo sa lamesang tinutukoy niya. Halos paulit-ulit ang gawain pero wala akong reklamo. Masaya siya sa paraang naaaliw ko ang sarili. Tuwing weekdays lang ang out namin ng alas-dose ng gabi habang tumatagal ng ala-una hanggang alas-tres ng madaling araw naman pagdako ng katapusan ng linggo. At tuwing sasapit ang hating-gabi, inaasahan ko na ang mangyayari. "Rose...pinapatawag ka," Nginuso ni Carol, yung babaeng may berdeng buhok, ang upper dance floor. "Hindi ba masyadong maaga?... Alas-otso pa lang, may tatlong oras pa ako sa main hall," "Pinapautos," "Nino?" "Ni madam..." May pag-aalinlangan akong tumango bago samsamin ang mga panglinis sa kamay. Pinasadahan ko ang open area na punong-puno ng mga customers. Habang papataas ay kusang humawi ang lipon ng mga taong nakatambay sa upper cabana. "Sir... nandyan po ba siya?" Tumango ang naka-bantay na bodyguard bago buksan ang pintuan. Napalunok ako sa sarili. Ilang araw nagpaliban sa club si Midnight simula ng huli naming pagkikita kaya hanggang ngayon ay pala-isipan ang muli naming paghaharap. Gaya ng dati, kusang sumara ang binds ng glass panel sides, at tuluyan kaming nilihim sa mga mapanuring mata. Pinagmasdan ko ang lalaking nakasandal sa mahabang sofa, prente ang upo habang pinagmamasdan ako—at nang salubungin ko ang kanyang nag-aalab na tingin para akong nasunog. Ramdam ko ang kagustuhang himukin ang nakaka-intimida niyang presensya pero nabigo ako. "Pasensya na sir dahil hindi ko dala ngayon yung suit mo... Pero nakasukbit naman siya sa janitor's room. Nilabhan ko na po yon atsaka... pinanlatsa," Bahagya akong natigilan nang ngumiti siya—perpekto ang kanyang ngipin kaya halos masunog sa init ang aking dibdib. "—kung pwede mamaya ko na lang ibigay," Tumango siya bilang responde bago inumin sa isang tagay ang alak sa baso. Sumenyas siya sa akin para lumapit at parang dati, naobliga ako sa pinaghalong takot at mangha. Hinapit niya ako matapos dalhin ng paa patungo sa kanyang kinaroroonan. Kapiranggot na puwang ang namagitan sa aming katawan—ang kanyang malaking kamay ay nakapalibot sa aking pulsuhan. "M-may kailangan po kayo?" Animo'y kumislap ang kanyang mata sa pitik ng ilaw mula sa dancefloor. Hinanap ko sa mata niya ang nais sabihin. Marahan niyang pinagsiklop ang aming daliri dahilan para bahagyang mapitlag. Napakalaki ng kanya, sakop na sakop ang aking palad. Umupo ako sa kanyang tabi gaya ng pinapahiwatig pero alerto pa rin ako sa posibleng mangyari. Nang magkaroon ng lakas ng loob, binitawan ko ang kanyang hawak. "Kailangan ko pa ring maglinis..." Ambang aangos ako sa kinauupuan ngunit pinigilan niya ako. Sa halip, hiniga niya ang ulo sa aking kandungan. Kanina pa gusto kumuwala ng puso ko sa paghuhumarentado, mas lalong lumala sa kasalukuyan naming posisyon. Maliban sa tila malamig niyang panlabas, napa-kalapit ng aming katawan. Ipinikit nito ang mala-abong mata at kahit nakamaskara ang taas na bahagi ng mukha, ramdam ko sa puso't isipan ang gandang lalaki niya. Klase ng mukhang mahirap makalaban dahil alam mong bibigay ka... "Sir, mukhang pagod ka... gusto mo may kasama pag natutulog?" Nanaig ang katahimikan kaya hindi ko na pinilit makuha ang sagot. "—gusto ko lang rin sabihin... Hindi pwedeng ganito lagi. Kailangan ko rin magtrabaho," Hinalikan niya lamang ang kamay ko bagama't nakapikit pa rin ang kanyang mata. Naramdaman ko ang pag-init ng katawan gayundin ang mapanganib na t***k ng puso ko. "You shouldn't do that... Hindi...hindi ako interesado sa ganong bagay," Sa maraming pagkakataon, nanatili itong walang kibo na animo'y dumaan at lumabas sa kabilang tenga ang sinabi ko. Matiim kong innobserbahan ang lalaking mahimbing na natutulog sa kandungan ko. He was still holding my hand. Mahigpit at may paninindigan na parang anumang oras ay aalis ako. Sinubukan kong bawiin ang kamay ngunit wala siyang balak bumitaw. Sa hindi malamang dahilan, naaalala ko ang sarili sa kanya. Ramdam ko ang lungkot niya, ang kadilimang lumulunod sa kanyang ekspresyon. Humugot ako ng malalim na hininga bago bigkasin ang matagal ko ng ninanais. "Sir... can you take off your mask? Gusto ko makita mukha mo..." Imbis na sumagot, ang tanging ingay sa tahimik naming mundo ay ang nagtutugtugang amplifiers sa dance floor. Kinakabahan ako sa totoo lang dahil baka magalit siya. Sa kabutihang palad ay mukhang hindi naman. Sinubukan kong abutin ang kanyang maskara ngunit pinigilan niya ako. Agad namang natupok ang hiling ko. Inilagay niya ang palad ko sa kanyang dibdib. Kinagat ko ang looban ng pisngi sapagkat dumapo sa akin ang mapait na alaala dati. Gusto kong makalimutan pero paulit-ulit akong minumulto ng nakaraan. Sa halip na pagtuunan ng pansin, sinandal ko na lang ang ulo sa sofa bago subukang magpahinga gaya niya. Wala na akong pakialam kung mapagalitan sa puntong iyon. Ang nais ko lang ay makatulog...makapag-pahinga kahit saglit. ____ HINDI KO NAMALAYANG isang oras mahigit na pala ang nakalipas simula nang makatulog ako. Nang kalabitin ako ng isa sa mga tauhan ni Midnight, tsaka lamang ako nagising. Kung kanina ay nakaupo akong natutulog, ngayo'y tuluyan akong nakahiga sa malambot na sofa. Pinagmasdan ko ang kaharap kong bodyguard. Hawak-hawak nito ang isang mahabang vest na animo'y inaalok sa akin. Kinuha ko iyon sa kamay niya at agad umangos sa kinalalagyan. "Nasan si sir...?" "Hinihintay ka nya sa labas. May pupuntahan daw kayo, inayos na niya ang kailangan ayusin," Kumunot ang noo ko. "Saan?" "Walang sinabi pero mam kailangan mong sumunod sa ayaw mo o hindi," Napalunok ako sa kanyang pahayag na puno ng babala. Maya-maya'y may inilabas na naman itong sapatos mula sa hawak na shopping bag. "Ito mam suotin mo," "Pero," "Kung ako sayo mam, wag ka ng magreklamo. Ayoko ring mapagalitan," Naunawaan ko ang sinasabi niya. Mahirap din ang kanyang katayuan, gaya ko ay naiipit din siya. Sinuot ko ang mukhang mamahaling sapatos bago mag-angat ng tingin. "Sakto sa paa ko," At saktong wala rin akong matinong sapatos...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD