34
Pagkalabas ay agad sumalubong sa akin si Midnight. Naka-lukot na ang kanyang sleeves sa braso dahilan para sumilip ang kanyang mga tattoos na may naka-burdang ahas, punyal at mga rosas. Hindi ko mapigilan kabahan sa di malamang dahilan.
Lumapit siya sa akin habang nakapamulsa ang isang kamay. Inabot niya ang kamay ko bago pagsiklupin. Biglang binalot ako ng init niya. Sinubukan kong kumawala dahil ayokong magkaroon siya ng maling akala ngunit mahigpit ang kanyang hawak.
"Hindi tayo dapat ganito umasta..." Muli kong paalala pero tila bingi siya sa aking hinaing.
Iginaya niya ako sa dalawang sasakyang naka-park, ngumit imbis sa sedan na sinakyan namin dati, dinala niya ako sa itim na bugatti.
"Dalawa sasakyan mo?"
Wala itong naging verbal na sagot kundi ang makahulugan nitong ngiti na mas lalong nagpakabog ng dibdib ko. Hindi ko maintindihan pero may iba talaga tuwing ginagawa niya iyon.
Pinagbuksan niya ako ng pinto at hinayaang maunang pumasok habang siya'y umikot pa sa kabilang banda para makaupo sa driver seat.
Lumapit siya sa akin para ayusin ang seatbelt ko. Isang puwang na lang ang natira sa pagitan naming dalawa at sa puntong iyon halos maubusan ako ng hangin sa baga.
Tinignan ko siya sa mata nang halos magdaplis ang aming mukha. Naputol na lang ang pagti-titigan nang buksan na niya ang makina ng sasakyan.
Nagsimulang umugong ang kotse habang binuksan ko naman ang bintana. Hindi naman siya nagreklamo sa ginawa ko kaya sa tingin ko ay wala namang problema sa kanya. Gusto ko lang talaga madama ang lamig na hangin, yung presko at masarap langhapin.
Ilang saglit, bumalik ang atensyon ko sa kanya. Gusto ko sanang magsalita kaso umurong ang sasabihin ko. He's mute. I don't know how I could communicate with him. Isa pa, medyo marupok na ang sign language ko. Matagal na rin simula nang umalis ako sa bahay-ampunan. Ngayong nasa labas na ako, tsaka ko lamang napahalagahan ang lahat ng turo nina mother.
KANINA pa siguro kapansin-pansin ang pagiging kabado ko sa biyahe. Walang makakasisi sa akin gayong hindi ko alam kung saan ang patutunguhan namin. Ang tanging nagpapanatag sa natatakot na damdamin ay ang isipin wala rin silang mahihita sa akin.
Biglang bumukas ang itaas ng sasakyan. Halos mapanganga ako ng sumilay ang makinang na atmospera. Tinignan ko ang katabi ko. May sumilay na ngiti sa mapupulang labi nito. Naglaro sa isip ko ang mga ginagawa niya para sa akin.
Sa totoo lang ay ayokong magpadala sa ganitong klase ng panunuyo at ayokong tunghayan ang maaari pang maramdaman.
But for this day, I'll enjoy the ride.
Tumunog ang sound system ng bugatti at tumayo ako sa kinauupuan. Kapit-kapit ko ang harapan ng sasakyan habang tinatanaw ang kapaligiran.
'It's you, that's what I want to tell you. Keeping it low, I'm always waiting for the chance'
Everything was bright. Nadaanan namin ang lipon ng skyscrapers na tumatagos sa kalangitan.
Mas lalong gumanda ang eksena nang madaanan namin ang mahabang tulay patungo sa Crystal Hills. I was never fond of man-made wonders not until I saw this specific scenery. Lahat ay nakaka-mesmerize...nakakapanibago.
'Keeping it low, because losing you is the death of me...'
Tinaas ko ang kamay at sisigaw na sana ako nang biglang magputukan ang fireworks sa kalangitan. Bahagya akong natahimik sa display. Samu't saring ilaw, kulay at hugis ang natuklasan ko. The best part—everything was in full view. Na para bang para sa akin...na parang espesyal ako.
'But you don't see me'
Muling dumako ang atensyon ko sa lalaking katabi. Gusto ko siyang usisain. In the end, I just stayed quiet.
PUMARADA ang sasakyan sa isang naka-set up na carnival. Nililiwanagan ng LED lights ang bawat sulok ng madilim na lugar. Kanina pa pala hawak ni Midnight ang kamay ko. Nang dumako kami sa lugar tsaka ko lamang napagtanto.
Nauna siyang lumabas at gaya ng dati pinagbuksan niya ako ng pintuan. Gusto ko sanang kausapin siya ngunit nauna ng maglakbay ang mata ko.
Walang katao-tao gayunpaman may mga nakastation na empleyado sa mga palaruan.
Para sa akin ba tong lahat?
Hindi ko alam ang mararamdaman. Sa isang panig ay natutuwa ako. Sa buong talang ng buhay ko, hindi pa ako nakakarating sa perya—lalo na't magpakasaya. Pakiramdam ko wala akong nagawa para magkaroon ng ganitong klase ng sorpresa.
Hinarap ko siya. "Sir... bakit mo ginawa to? Anong gusto mo parating?"
Sa ilang pagkakataon, wala siyang naging imik. Kapit niya pa rin ang aking kamay kaya nang dalhin niya ako sa isang malapit na tent, hindi ko mapigilan magpatanggay.
Tinuro niya sa akin ang laruang oso. Umiling ako. Hindi ko talaga interes ang mga stuffed toy, lalo na ngayon napaka-engrande ng setup.
"Please... wala tayo sa ganitong sitwasyon," Ani ko sa kanya.
Ngumiti ang mapupula niyang labi bago ako sukbitan ng outer suit sa balikat. Nagbuntong hininga ako. Pagbibigyan ko siya ngayong araw, tutal nasisiyahan naman ako sa ganitong bagay kahit papaano.
"Doon tayo," Hinatak ko siya sa isang booth na may samu't saring premyo. Mga baso, pinggan at kung ano ano pa.
"China set... yon ang gusto ko at masaya na ako," Sabi ko sa kanya, tinuturo ang set ng kubyertos sa isang gilid.
Siguro naman kung hindi siya mananalo, tiyak na tatamarin din siya. Mukhang mahirap ang palaro, gumagalaw kasi ang target area at kada-level ay mas lalong bumibilis.
Kinuha niya ang prop gun at saglit na tumingin sa akin. Gamit ang isang kamay, isa-isa niyang pinabagsak ang target mark.
Napanganga ako sa nangyari.
"C-congrats mam... Ito ang premyo," Medyo nanliliit na ani ng empleyado lalo na nang pagmasdan niya si Midnight na katabi ko.
"Salamat,"
Malayo sa aking akala na ako pala ang mapapagod. Inisa isa namin ang booth ng perya at lahat ng palaro ay naipanalo ni Midnight. Pinasadahan ko siya ng tingin, mukhang wala lang sa kanya ang palipat-lipat namin ng pwesto at lugar.
"Aren't you tired?....Grabe. Gusto kong magpahinga,"
Napakarami kong hawak na prizes, ang pinakamabigat ay ang teddy bear na pink. Hindi ko alam bakit ito ang naging plano ko gayong maliit lang ang apartment ko at halos wala naman akong mapaglalagyan ng gamit.
Ngayong problema ko iyon, nahihirapan akong alamin ang magiging solusyon bukod sa ibenta ang lahat.
Tiningala ko ang ulo para makahinga. Nakita ko ang ferris wheel at animo'y bata, muli akong nabuhayan.
"Gusto kong sumakay don...b-bago umuwi,"
Muntik na akong mabahala sa magiging reaksyon niya, sa kabutihang palad ay wala naman ito naging reklamo.
Binagtas namin ang daan papuntang ferris wheel. Isang senyas lamang ng kamay ni Midnight halos magkandaugaga ang mga empleyado. Dumiretso kami sa loob ng bagon bago ito magsara ng tuluyan. Habang umaangat, sinalubong ako ng magandang eksena sa harapan. Uulitin ko. Hindi pa ako nakakaranas magpunta ng perya. Maraming nagsasabing napakalungkot ng buhay ko at hindi ko sila masisisi. Napakamapaglaro ng tadhana kaya kahit kailan wala akong laban.
"This is amazing...My first time seeing the city. Salamat..." Binaling ko ang atensyon sa kanya. The faint light of the fare illuminated his white phantom mask. Minsan napapaisip ako sa sarili. What kind of beauty is he hiding underneath? Napalunok ako ng malalim, lalo na nang mapagtanto kung ano ang iniisip.
Am I growing too fond of him? Alam kong hindi dapat.
Tumayo ito sa pagkakaupo at niyakap ako mula sa likod. Saglit akong na-estatwa, pinipigilan ang labis na pagtibok ng puso ko. Pero matapos mahimasmasan, agad akong kumalas sa pagka-kayakap niya.
_____
ANG BIYAHE pauwi ay halos napunan ng maya't maya kong pagnakaw ng sulyap sa lalaking kasama. Hindi ko nga rin namamalayan na kanina pa pala ako nabuga ng hangin. Kung hindi siguro siya kilalang pinuno sa ilalim, tiyak na may lakas pa ako ng loob diretsyohin siya. Kaso kung hindi naman ako magsasalita, malamang ay magpapatuloy ang ganito naming gawi. Gulong-gulo na ako.
Pagdating sa b****a ng village, tahimik akong dinaluhan ni Midnight at pinagbuksan ng pintuan. Sa kabilang kamay, hawak-hawak niya ang shopping bag na punong-puno ng mga premyo at regalo. Napalunok ako sa huling pagkakataon bago siya komprontahin.
"Why are you like this sir?"
Gaya ng dati, nanatili itong walang imik. Ang pagkakaiba ay ang pagbabago ng ihip ng hangin. But I pressed on.
"Kakakilala lang natin. At...at hindi ako interesado sa kung ano man ang meron tayo. I just...feel na kailangan ko tong linawin,"
Hindi tulad kanina, may kakaiba na itong tingin na binaling, na animo'y sinusukat ang bawat ekspresyon ko. Datapwa't nakakawindang, ipinagpatuloy ko pa rin.
"Pwede mo akong maging kaibigan, empleyado o karamay. Pero hanggang doon na lang tayo... sana ay huling pagkakataon na ito. I really did appreciate everything," Sinabi ko iyon ng may pinal na tono.
Matapos pahayag ang saloobin parang unti-unting nabawasan ang bigat ng damdamin ko.
Dumako ang mata ko sa hawak niyang shopping bag at parang gusto ko pagsisisihan ang sinabi gayong napaka-higpit na ng kapit nito sa hawakan.
Hindi ko na pinigilan ang sarili. I shouldn't feel bad at all. Gusto ko lang maging totoo sa kanya.
"I'll take my leave. Pasensya na...salamat uli at magiingat ka,"
Tinalikuran ko siya at maglalakad na sana paalis ngunit agad akong natigilan nang marinig ang pagkasa ng baril.
Mula sa aking bumbunan, naramdaman ko ang paglapat ng kanyang baril. Malamig at maligasgas. Wala sa sarili kong tinaas ang kamay dala ng takot at panghihina. Kakaunting kibot na lang ay parang bibigay na ang tuhod ko. I should've expected this. Kriminal siya. Anong bang pantasya ang nasa isip ko?
That everything would be alright? Na may kaunting kabaitan pa siya? Mali ako. Maling mali.
Panandaliang nabalutan ng katahimikan. Ang malakas na t***k ng puso ko ang tanging namamagitan.
Hirap akong umapuhap ng hangin. "P-parang awa mo na..."
Sa isang iglap, ang kaninang kasiyahan ay naging kalbaryo.
He drew near me. Ramdam ko ang malaki niyang hubog na dumungaw sa akin. Tinakpan niya ang mata ko ng malaki niyang palad at halos mapugto ang hangin sa aking baga. Then he brought his mouth to my neck, his lips grazing my bare skin leaving trails of hot, soft kisses on my sensitive areas. Kinagat ko ang labi.
Nagsitaasan ang balahibo ko kasabayan ng kanyang pag-hapit sa akin. Then his hardness became apparent.
Pakiramdam ko nagkakasala ako.
Nirolyo niya ang cylinder casing ng handgun na parang tinutukso ako.
Pinikit ko ang mata. Silently, I prayed for what I'm about to do next.
Biglaan ko siyang siniko at sinubukang ilagan ang direksyon ng kanyang baril ngunit napakabilis niya. In an instant, he managed to put me on a chokehold. Mahigpit ang hawak niya sa leeg ko at halos mabulunan ako. Napunta na ang baril sa aking sentido.
Wala na akong laban. This was my chance and I blew it.
"I-I'm s-sorry...I'm..." Mas lalong humigpit ang hawak niya at tuluyan akong naubo sa kanyang pagkakasakal.
"P-please... I-I'll d-do anything. G-gusto ko pang m-mabuhay," Kinapitan ko ang maugat niyang kamay na nakapulupot sa aking leeg.
Nang makita niya ang pagtutubig ng mata ko tsaka niya lang niluwagan ang hawak. Hikahos akong umapuhap ng hangin—na parang nalulunod.
Nanghihina pa rin ako. And he was still holding me by the neck, leaving bite marks on my skin. Wala itong pakialam sa nararamdaman ko. All he knows is to feed on my fear.
Pamilyar ang kaganapan gaya ng napakapait na nakaraan, pero sa kabilang banda, ngayon ko lang naramdaman ang ganitong sensasyon.
I couldn't help it. Mas lalong lumalim ang paghinga ko at humigpit ang kapit sa tagiliran nang simulang maglakbay ang kamay nito. Bago pa maging malala at hindi kanais-nais, humugot ako ng lakas na loob.
"H-hindi na ako aalis... I'll do anything..."
Then he finally let go.
_____
WALANG HUMPAY na katok ang bumulabog sa akin.
Dalawang araw na ang nakalipas matapos ang insidente kay Midnight. At hanggang ngayon ay para akong binabangugngot ng alaala. Natatakot akong umangos mula sa higaan at dahan-dahang kumuha ng armas.
Wala akong safety features sa apartment kaya bahagya akong natatakot. Nanatili akong tahimik habang inaalam kung sino ang bumisita sa akin ngunit nang magsalita ang taong nasa likod ng pintuan, tsaka lamang ako nakahinga ng maluwag.
"Rose!"
Tumambad sa akin ang hinihingal na Mari matapos pagbuksan ng pinto.
"Anong ginagawa mo dito?"
"Bakit hindi ka pumasok ng isang araw at kahapon?"
Mariin kong kinagat ang labi. Hanggang ngayo'y hindi ko pa napagiisipan ang sasabihin.
How could I tell her? Baka madamay pa siya at isiping kasalanan niya.
"M-may sakit ako,"
"Putragis Rose. Wag mo nga akong lokohin. Matagal na tayong magkaibigan...Pero siya...hindi iyon ang pinunta ko dito tutal sarado na ang bar,"
Mabilis ko siyang binalingan. "Anong ibig mong sabihin?"
"Under investigation ang buong club. Kasama na ang mga empleyado at escorts,"
"Teka...pero sinabi mo walang ganong nangyayari,"
"Iba ito ngayon Rose. Ibang detective at kapulisan ang pumunta sa club. Malamang ay seryosong kaso ito,"
Pumanting ang tenga ko. "Kaso?"
Bago pa siya makasagot, nakarinig kami ng papalapit na yabag.
Lumabas ako ng tuluyan para masilayan ang sitwasyon. Isang police car ang nakapark malapit sa gate ng aming compound. Samu't saring mga kapitbahay ang nakamasid sa amin pero ni isa ay walang kumibot sa pangyayari. Bigla akong nakaramdam ng hiya dahil alam kong ako ang kanilang pakay. At kung ano man iyon, sana hindi ako dehado.
"Ikaw ba si Rose?"
Huminga ako ng malalim bago harapin ang nagsalita at agad nalaglag ang panga ko sa gulat.
"Ethan?"