35
SIMULA ng magtransfer ako ng eskwelahan dala ng labis na pambubully hindi ko na muling nakita pa si Ethan at ang mga dati kong kaibigan. Mga inakala kong kaibigan. Naka-graduate ako ng highschool sa isang public school at kahit ganoon ang nangyari na nasayang ang pagkakataon kong makapagtapos sa kilalang paaralan—hinding hindi ko pinagsisihan ang desisyon ko.
Naging malungkot na mansyon ang dating masaganang mga De Luca, lalo na ng tumayo bilang ilaw ng tahanan si Liezel. Hanggang ngayon masama ang loob ko kay papa. Bakit si Liezel? Bakit niya niloko si mama? Bakit niya hinayaan si mama na naka-admit lang sa isang mental facility? Marami akong kuwestyon at lahat ng iyon ay wala akong sagot.
Aaminin kong minsan akong nakinabang sa pera ni papa. Pero ngayon nagsusumikap ako para sa akin. Ngayong malaki na ako, marami na rin akong napagtanto sa buhay.
Lalo na ang dahilan kung bakit ayaw sa akin ni Ethan.
Nabalik din ako sa huwisyo matapos ang ilang minuto.
"Ethan?"
Kung kanina estranghero pa ako sa mata niya, ngayo'y sumilay ang pagkapamilyar niya sa akin.
Nagsalubong ang makakapal niyang kilay. "Rose?"
Tinanguan ko ito. "Ang tagal na nating hindi nagkita," Nakangisi kong sabi.
Nginitian niya ako pabalik dahilan para sumilay ang perpekto niyang ngipin.
Sa pagitan naming dalawa, nagtatakang luminga si Mari. "Magkakilala kayo?"
Sinulyapan ko siya at binigyan ng tipid na ngiti. "Magka-schoolmate kami dati,"
Sumulyap muli ako kay Ethan. Medyo malaki ang pinagbago niya. Ang tanging pinagkaiba ay ang kislap ng determinasyon at kasanayan sa kanyang mata. He grew up. Just like me.
But his was a good change. Napakagwapo gaya ng dati. Muntik ko ng malimutan ang mga pangamba nang magtama ang aming paningin. Mula sa mapula nitong labi hanggang sa malalamig nitong mata at matangos na ilong, nasisigurado kong wala ring nagbago sa akin.
He was my first love, the man I can't be with—and like a foolish little girl, I still had this hope for us.
"Wait. So kilala mo si Officer Villanueva?" Halos kurutin ako ni Mari habang binabanggit niya iyon.
Dahil dalawa kaming parang na-hipnostimo sa presensya ni Ethan, bahagya kaming nagusap ni Mari sa makahulugang tinginan.
"Umm...pahiram muna si Rose...officer,"
Wala namang naging angal si Ethan. Ngumiti lang ito sa kanya. "Sure. Go ahead,"
Halos kurutin akong hatak-hatak ni Mari sa isang gilid. Panandalian niyang sinilip si Ethan bago ngitian muli. Sa kabilang banda, ang kaninang nakikinig na mga kapit-bahay ay unti-unting napawi.
"Why didn't you tell me? Na kilala mo yang matinik na opisyal ng distrito natin?"
Kibit-balikat akong sumagot. "Wala akong alam. Matagal ko na siyang hindi nakausap..."
Atsaka siya rin naman ang kusang umiwas sa akin. Gusto ko sanang idagdag.
"Rose...tsansa mo na to! Sa magandang buhay!"
Kumunot ang noo ko. "Anong gusto mong sabihin?" Makahulugan kong nginuso ang labi. "Kaming dalawa?"
Dahan-dahan itong tumango.
Nanlalaking mata ko siyang hinampas sa tagiliran. "Baliw ka ba? Hindi kami ganon. Higit sa lahat..kuya ko siya,"
"Ako nga yung kinu-kuya-kuya ko dati naging jowa ko,"
Hinampas ko uli siya sa pangalawang pagkakataon.
"Wala namang hampasan, Rose. Nahahalata ka ni pogi," Aniya sabay nguso sa nakapamulsang Ethan dahilan para lalo akong mamula.
"Tigilan mo ako. Seryoso ako,"
Inirapan niya ako. "Kausapin mo na. Nagaantay,"
"Ano bang sasabihin niya?"
"Siguro yung kaso,"
"Kaso?"
Buntong-hininga lang ang sinagot niya bago magkibit-balikat. "Sa kanya mo na itanong para naman may laman usapan niyo mamaya,"
"Ikaw...talagang sineset up mo ako ngayong mukhang seryoso ang sitwasyon,"
Tumuwid siya ng tayo at bahagyang napakamot ng ulo. "Alangan naman salubungin mo ang bad news ng puro negatibong bagay. Maghanap ka naman ng kapiranggot na katatawanan... O siya, kayo na bahala. Aalis na ako at may ka-meet up ako,"
Hinampas niya ako sa pwet dahilan para mapitlag ako ng bahagya. Pinukulan ko siya ng masamang tingin bago ito magpaalam sa aming dalawa ni Ethan.
Ilang minuto muna ang lumipas at nanatili akong nakapako sa kinatatayuan. Matapos ayusin ang kompustura pinuntahan ko si Ethan na ngayo'y may kausap na sa kanyang radyo. Habang bising-bisi, hindi ko mapigilan titigan siya. He was fine, just like back then. Ayoko lang bigyan lalo ng pansin dahil baka mahulog ako sa ikalawang beses. At hindi dapat mangyari iyon.
Nang mapansin niyang kanina pa ako nagaantay, agad siyang nagpaalam sa kausap. Bigla tuloy akong naguilty dahil baka naabala ko pa siya sa importanteng diskusyon.
"Ethan...Anong pinunta mo dito?" Hindi na ako nagpatumpik-tumpik pa at agad siyang diniretso. Alam kong may mahalagang pagusapan, at kung ano man iyon, sana kaya pang malutasan.
"Rose...can we talk with lunch?"
Bumuka ang bibig ko at sumara hanggang sa tango na lang ang naibaling ko.
_____
KASALUKUYAN kaming nasa steak house bagama't nakailang protesta na ako sa kasama. I insisted that we should have lunch at fast food restaurants. Pero ang lalaking to ay mahirap kontrahin. Ayaw kumain sa turo-turo. Maarte ba talaga siya? O gusto niya lang maging pormal at itreat ako sa magandang resto?
Alin man sa dalawa ang opsyon, kailangan ko pa rin ihanda ang sarili sa dala niyang balita. Siguro pampalubag loob itong treat niya.
Agad kaming inaccomodate ng isang waiter kahit pa wala kaming reservation. Naisip ko tuloy na baka regular dito si Ethan. Pulis lang siya diba? Hindi naman siguro pasok ang sahod niya sa ganitong klase ng high-end resto. Not unless siya na ang nagmana sa kompanya nila gaya ng pinaghahandaan niya.
Pinaghanda ako ng upuan ni Ethan. Napaka-gentleman talaga. Pinasalamatan ko siya bago umupo at hinintay ang aming order.
"Ethan...ano sasabihin mo?" Hindi maitago sa boses ko ang kaba.
Sa totoo lang ay kanina pa ako nagooverthink sa posibleng nangyari o problema.
Nginitian ako ni Ethan. Maya-maya dumating na ang aming order. "Rose...wag ka masyadong kabahan. You're not going to jail for anything. May mga itatanong lang ako,"
Nahimasmasan ako ng kaunti. "Okay...kung ano man iyon, magiging honest ako sa sagot ko,"
"You were always honest Rose. Wala kang takot sabihin ang nararamdaman mo,"
Ramdam ko tuloy na may dobleng kahulugan ang sinabi niya pero pinagsawalang-bahala ko na lang iyon. Sinimulan niyang kunin ang kubyertos sa gilid ng kanyang plato. Ako naman ay sumunod na lang din. Nanalangin muna ako bago kumain at napansin iyon ni Ethan.
"You have a boyfriend?"
Mabilis pa sa alas-kwatro akong napalingap. "Huh?"
Inulit niya ang tanong ng walang bahid na kahihiyan. "You have a boyfriend?"
"Ito ba yung tatanong mo?"
"Ofcourse not Rose...I just wanted to ask,"
Alam ko namang pinapasaya niya lang ang sitwasyon kaya nginitian ko siya bago umiling. "Why? Are you going to ask me out?"
Bahagya siyang napatawa. Pogi pa rin talaga.
"You're the same old Rose. Direct and honest,"
Pinaglaruan ko ang daliri ko, pilit tinatago ang pamumula. "No boyfriend since birth,"
"I see...simula dati, mailap ka na talaga sa lalaki,"
Sa halip na sumagot, tumawa na lamang ako. Oo, tama ka. Dahil yan sayo, gusto ko sanang sabihin.
"So... anong pakay mo sa club? Imposibleng nandoon ka para... para mag-avail ng serbisyo," Tukso ko sa kanya. Gusto ko tuloy tanungin kung ako pa ba to. Malayong makipagbiruan ako. Seryoso kasi akong tao.
"You offer services?"
Umiling ako. "No, taga-linis lang ako don,"
"I thought so... but I was almost fooled into thinking I could buy your services," Biro niya sa napakagwapong paraan. Hindi ko tuloy mapigilan kurutin ang sarili sa nararamdamang galak.
Sobrang tagal ko ng ipinagpaliban ang salitang pagibig at dahil kumakatok sa akin ang dating nararamdaman, hindi ko mapigilan maramdaman ang kakaiba pero pamilyar na emosyon.
"Unfortunately officer...hindi ako nabibili," Biro ko pabalik na halos hindi ko magawa sa iba.
"I know Rose... that's what I like about you. You're way out of my league,"
"Way out of your league?" Natatawang iniling-iling ko ang ulo. "Ako dapat nagsasabi niyan..."
"Don't worry. I don't think I'm like that anymore,"
Kumunot ang noo ko. "Ha?"
"I'm saying... kaya ko ng panindigan ang gusto ko kung sakali. Sorry, forget my ramble,"
Panandaliang natahimik. Ang tanging ingay na namamayani ay ang tunog ng mga kubyertos at mga taong mahinang nagdidiskusyon. Pinagmasdan ko siya ng ilang saglit. Gusto kong usisain ang pinapahiwatig niya ngunit masyado ng malayo ang agwat ng aming relasyon. Wala na ako sa puntong malaya ko siya matatanong sa iilang bagay.
Humiwa ako ng porsyon ko ng steak. "Masaya ako para sayo,"
Nagtaka siya sa paraan ng pagkakasabi ko. "What do you mean?"
"It's just... I can never be free. Kaya naiinggit ako sayo,"
Napansin niya ang pagkabagabag ko dala ng sinabi kaya agad niyang hinawakan ang kamay ko.
"Rose... It's your choice to be free. Tell me. Ano ang humahadlang sayo?"
Panandalian akong natahimik. Pinagiisipan ang sasabihin. Pero mukhang naintindihan niya ang matagal ko ng suliranin.
"Is it because of him?"
Napatigil ako sa pagnguya. Tila naging mabagal ang takbo ng oras at dahan-dahan kong sinalubong ang mapupungay niyang mata.
Sa isip niya siguro, naalala niya pa rin ang batang minsan nag-amok sa harapan ng stage. Na nanalo ng talent porsyon dala ng memoir performance. Siguro tanging si Ethan lang ang nakapansin sa desperasyon ng aking boses noong araw na iyon.
"Rose. It's not your fault. Alam kong maraming nagbago simula ng trahedyang iyon. But it's not your burden..." Saglit itong nagalangan sa susunod na sasabihin. "—I know it sounds bad. Trust me. But I'm happy he's gone. Hindi ka na niya magugulo,"
Mapait kong nginuya ang kinakain. Hanggat maaari gusto kong iwasan ang anumang patungkol kay kuya.
"Hindi lang naman iyon...Minsan, nararamdaman kong magisa lang ako sa problema,"
"Is that why you drop out?"
"Maybe..."
"Rose...You should've told me, sana natulungan kita,"
"Paano mo ako tutulungan? You wanted me out of your life"
"That was because of your brother. Now things changed. Lalo na...lalo na ng mawala siya,"
Buntong hininga kong binitawan ang hawak na kubyertos. "Naniniwala ka talagang patay na si kuya?"
Bahagya siyang nagulat sa sinabi ko. "What do you mean?"
"He's alive. Believe me or not,"
"Rose..."
Iritado kong sinuklay ang buhok at hinawakan ang ulo. "Diba? Walang naniniwala..."
He didn't respond for a while. Siguro tinatantya niya ang magiging sagot. Hindi ko siya masisisi. I looked like a mess everytime he's brought up. Talagang wala akong ideya sa kung anong klaseng paliwanag ang maaari kong ibigay. Yung hindi ako pagiisipan ng kung ano-ano.
"Where do you think he is?"
Nagangat tingin ako sa kanya. Medyo gulat sa narinig. "Hindi ko alam...kung nasan man siya o ano na ginagawa niya sa buhay niya sa totoo lang ay wala talaga akong ideya...Pero maniwala ka sa akin Ethan...nagparamdam siya sa akin. Buhay siya,"
Alam kong nahihirapan siyang unawain ang kwento ko. Kahit sino namang pinagsabihan ko ay tingin nila nababaliw ako. Na nangungulila ang damdamin ko sa pagkawala niya—pero malayo ang opinyon nila sa katotohanan ko.
Tumango na lamang ito sa akin bago abutan ng maliit na card. Agad ko itong pinagmasdan.
"Tawagan mo agad ako pag sa tingin mo nasa alanganin ka...and if what you're saying is true...don't hesitate to ask for help,"
Bagama't alam kong may pagaalinlangan siya sa katotohanan ng sinabi ko, tumango na lang ako sa kanya. "T-thank you. Nakakahiya,"
"Don't be. It's my job to ensure your safety,"
Kinagat ko ang labi bago muling kumain.
Halos maubos ko na ang steak ko dala ng sobrang pagkagutom, o baka siguro matagal na akong hindi nakatikim ng ganitong luto. Buti hindi mapanghusga si Ethan.
"Nga pala...Malayo sa isip kong magpupulis ka...Ano bang gawain mo don? Pasensya na. Wala talaga ako alam sa police enforcement,"
He smiled. "I'm a police detective Rose. And I hunt down criminals,"
Napauwang ang bibig ko. "Then that means...May hinahanap kang kriminal. Yun ba ang dahilan kung bakit ka nandito?"
Tumango ito. "Ngayong nadako tayo sa usapang iyon. I want to warn you Rose. Delikado ang lugar na pinagtatrabahuhan mo,"
"Alam ko naman iyon... pero anong klase bang krimen? Madalas ang gulo sa lugar na iyon. Tungkol ba to sa dr*ga? May buy-bust operation kayo?"
Umiling si Ethan. "No. Ang hinahawakan namin ay isang murder case ng isang tanyag na personalidad. Si Mayor Legazpi...alam kong kilala mo siya,"
Bigla akong kinabahan sa narinig.
"May suspect kami. But according to our intel... you're his last encounter?"
Dala ng narinig, bigla akong sinikmura. Pinaghalong kaba, takot at nerbyos ang naramdaman ko. Parang kilala ko na ng suspek nila. Hindi pala parang. Nasisigurado kong siya iyon...
Ilang saglit akong natememe. Dala nv ekspresyon ko, nagpatuloy si Ethan sa sinasabi.
"Kilala siyang bounty hunter sa Italya. He's very renowned undergound. Many call him the hitman of drug cartels,"
Alam kong may mga kriminal na aktibidad ang lalaking iyon pero hindi ko maunawaan ang lawak ng sakop nito. If he was that big deal, bakit siya nandito? Bakit parang interesado siya sa akin?
"Rose?"
Manginig-nginig akong sumimsim ng tubig. Masama itong balita. Para sa akin. Ngayong target niya ako—hindi ko alam ang mangyayari sa akin. Ayoko pa talagang mamatay. Marami pa akong gustong tuparin...mga taong gustong hanapin. Hindi pwede.
"Ethan...kilala ko ang tinutukoy mo," Nahirapan akong ibuka ang bibig at sabihin ang nalalaman pero kailangan kaya pinilit ko. "Kilala siya sa bansag na Midnight sa bar namin. Pero kahit kailan...hindi ko pa nakikita mukha niya kaya walang ako ideya sa tulong na maibibigay ko sa inyo,"
"Rose, you're his only access. The police will cooperate and give you security and clear instructions," Hinawakan niya ang palad ko na ngayo'y nanlalamig. Buti hindi niya pinuna. "—I'm here now. Wag kang matakot,"
"Hindi mo siya kilala Ethan...Wala siyang takot manakit. Nakita ko ng sinuntok niya ang mayor ng... ng dahil sa akin. A-at minsan na rin niya akong tinutukan ng baril. Alam kong pinagiinitan niya ako ngayon,"
"Rose...calm down," Lumapit siya sa akin at lumuhod sa harap ko.
Halata ang paghuhumerentado ng kaloob-looban ko kaya hinigpitan ko lang ang hawak sa kamay niya. Hinagod ako ng tingin niya at parang alon sa dagat, agad akong huminahon.
Tama siya. Dapat akong maging kalmado. Isa siyang opisyal ng gobyerno. And I will be in safe hands. Ilang araw lang o pagkakataon ang hihingiin nila sa akin. I can push and tolerate it, even for a while.
"Ano man ang pinaplano niyo...tutulungan ko kayo sa abot ng makakaya ko. Pero please...guarantee my safety. Natatakot ako Ethan,"
Sinalubong niya ang mata ko ng may pinapahiwatig.
"Trust me, I'll do what I can,"
______
MADILIM NA ng lumabas kami sa mall na pinuntahan. Tuluyang nagtago sa likod ng ulap ang araw habang humalili ang kasalungat nito sa kalangitan. Sa ikalawang kamay, hawak-hawak ko ang ibang pinamili. Base sa ihip ng hangin, mukhang uulan mamaya-maya, bagay na gusto ko munang iwasan.
Nilingon ko ang kasama. "Hindi mo na dapat ako nilibre Ethan. Kaya ko naman bumili ng para sakin,"
He turned, ang isang kamay nakapamulsa. "Rose... it's my treat,"
Tumango ako sa kanya, wala na ring lakas makipaglaban pa dala ng narinig na balita. "Well...thank you. I guess we'll keep in touch then,"
"For the case, ofcourse,"
"Paano kung tapos na ang kaso?"
Ngumiti siya. "I plan to meet you every now and then,"
Kinagat ko ang looban ng pisngi bago tumalikod. Tinangay ng hangin ang buhok ko kaya napilitan kong inipit sa tenga. It's going to rain hard. Malakas ang kutob ko. Mauuna na sana akong umalis nang may pumasok sa isip ko. Hinarap ko uli si Ethan na nakatanaw lang sa paalis kong anyo.
"Ethan...pwede ka ba sa pasko?
Pinagmasdan ko ang paggalaw ng kanyang mapupulang labi na halos tipid kung magsalita. "Why?"
"Actually...wala akong kasama sa pasko. K-kung may oras ka sana, kumain tayo. Sagot ko ang pagkain,"
Ngumiti siya sa akin. "I would love that Rose,"
Hindi ko mapigilan ang pagngiti. Kinagat ko ang looban ng piski bago marahang tumango.
"Sige... you know my number,"
Maya-maya ay nilabas niya ang susi at binalandara sakin. "Do you want a ride? I brought the police car,"
Umiling ako. "Wag na Ethan. Sa trabaho mo yan. Atsaka alam kong hindi pa tapos working hours mo,"
Kinagat niya ang labi bago sinukbit muli ang kamay sa bulsa. "Alright...stay safe,"
"Ikaw rin...salamat uli sa oras,"
______
HABANG PAUWI, hindi ko mapigilan ang ngiti ko. Hindi ko ba maintindihan pero kakaiba talaga ang epekto sa akin ni Ethan. Wala na akong nararamdaman sa kanya, pero tuwing maaalala ko ang dating nararamdaman, bumabalik sa akin ang matamis at masakit na alaala. Na para bang bata uli ako. Na para bang wala namang nagbago sa buhay ko at napaka-normal pa rin ng lahat.
Naputol ang daloy ng pagmumuni-muni ko nang makalagpas sa paradiso street. There was stillness amongst the shadows. Nakakapanibago ang daan dahil walang katao-tao sa anumang sulok ng daanan. Maaga pa naman, wala pang alas-diyes kaya bahagya akong nabahala. Miski ang tindahan sa kanto ay sarado.
Babagyo ba? O anumang sakuna na wala akong kamalay-malay?
Binilisan ko ang takbo hanggang sa marating ko ang compound ng apartment ko. Walang aso mula sa kapit-bahay ang tumahol. Panandalian muna akong luminga-linga sa mga kapit-bahay ko bago pagpasyahan pumasok na sa looban ng maliit kong kwarto.
Buti na lang at hindi ako inabot ng ulan, kung sakali ngang bubuhos sa galit ang kalangitan.
Tinanggal ko ang suot na sapatos at sinarado ang pintuan bago buksan ang ilaw.
Pero ang kaninang napapagod kong katawan ay biglaang nabuhayan. Awtomatiko kong nabitawan ang mga napamili at napaupo sa sahig.
"A-anong g-ginagawa mo dito..."
Nahirapan akong magsalita lalo na nang mapagtantong hindi ako nagiisa. Para akong inaatake sa puso dala ng sobrang bilis ng tikbok nito. Kasabayan ng pagtambol ng dibdib ko ay ang dagundong ng nagbabadyang bagyo. Mula sa aking kama, nakita kong unti-unting umangos sa pagkakaupo si Midnight. May kapit siyang baril sa ikalawang kamay. Ito ang pamilyar niyang armas na minsan nang naitutok sa akin.
Ang unang rumehistro sa isip ko ay ang tumakbo. Kailangan kong lumayo. Papatayin niya ako.
Hindi na ako nagaksaya ng oras. Agad akong tumayo at binuksan ang pintuan.
Pero mahaba ang kanyang biyas. Matangkad at napakaliksi ng kilos.
Bago pa ako makahingi ng saklolo sa mga katabing umuupa, mabilis niyang nabusalan ang bibig ko gamit ang malalaki niyang palad at marahas na itinulak sa aking kama. Nanlalaking mata akong nagpupumiglas sa kanyang hawak. Tadyak, kalmot, lahat na ata ay nagawa ko pero nanatili itong walang imik at walang inda sa ginawa ko.
"Hindi pa ba ako sapat para sayo?"
Kung kanina ay nagsisipumiglas ako, ngayo'y bigla akong natigilan.
Ilang segundo akong naestatwa.
Mabibigat at halos hikahos na hinga ang pinakawalan ko.
Hindi...hindi ako pwedeng magkamali.
Matagal ko nang hinintay ang muli naming pagkikita. Paulit-ulit kong nilaro sa isipan ang posibleng mangyari. Imposibleng hindi ko matandaan ang boses ng taong naging dahilan ng aking masasamang panaginip...ng aking takot at pangamba.
Matagal ko nang hinintay pero hindi sa ganitong paraan.
"K-kuya..."
Ngumisi siya.