Warning 45 Ilang saglit kaming nanatili sa ganoong posisyon nang maisipan kong itulak siya ng bahagya para matitigan. Halos mapawi ang lahat ng pagdududa ko nang masilayan ang makahulugan niyang mga tingin. Bigla akong nahimasmasan sa ginawa ko. Hindi pa rin maayos ang lahat. Wala pa ring nangyari sa sumbong ko. Ang dahilan kung bakit ako dumulog sa kapulisan, para humingi ng tulong. "No...this is wrong. Nagkamali ako," Sinubukan kong umalis ngunit hinawakan niya ang braso ko. "Where do you think you're going?" Imposibleng mahalin niya ako. Hindi iyon totoo. Gusto niya lang ako pahirapan para makaganti. Alam kong galit siya sa akin simula pagkabata. Alam kong sinasadya niyang makuha ang loob ko para mas lalo akong sirain. Dahil kung hindi, bakit alam niyang ikakasira ko ang ngayong

