46 Maybe it's because of his words. Or his touches...pero baka wala rin ako sa sarili ngayong gabi. Hindi ako ganito dati. Kinukwestyon ang sariling mga desisyon. Pero nang inangkin niya ang labi ko, parang lumipad lahat ng inhibisyon ko. Hindi pa ako sigurado kung nadala lang ba ako ng emosyon sa mga nalaman, o talagang nasasanay na ang katawan ko sa bawat hagod at dampi ng aming mga balat para malimutan ang sariling prinsipyo. "D-Damian..." "Hmmm?" Tila nabaliw ako sa nakakalasing niyang pagangkin kaya nakalimutan ko na ang dating bansag sa kanya. "Help me forget... T-tulungan mo akong...makalimutan," Kahit na madalas kaming magkasakitan, sa gabing ito, umapaw ang kakaibang emosyon sa aking dibdib. Bagay na matagal kong hinahanap. Para sa akin, ito ang kauna-unahang pagkakat

