bc

Ikaw ang Pinili ko, Ikaw ang Mahal ko

book_age16+
20
FOLLOW
1K
READ
goodgirl
student
sweet
campus
school
intersex
love at the first sight
bodyguard
gorgeous
sacrifice
like
intro-logo
Blurb

Namulat si Margarette sa munting pantasya na balang araw ay magkakaroon din siya ng "prince charming". At nakita niya iyon sa katauhan ni Jordan. Ngunit tila may kulang. At nang matuklasan niya ang panloloko nito ay lahat ng pantasya niya ay biglang naglaho sa pangalawang pagkakataon.

Nang sa pakiramdam ni Margarette ay iniwan na siya ng lahat ay naroroon si Rod bilang sandalan niya. Sa unang pagkikita pa lamang nila ay may ibang nararamdaman na si Margarette na hindi niya maipaliwanag sa mismong sarili. Hanggang sa pangalawang pagkakataon ay muli siyang iibig. Ngunit ang tadhana ay sadyang mapaglaro dahil ang akalang lalaking babago ng pamantayan niya sa isang lalaki ay muli rin pala siyang sasaktan.

Paano muli ibabangon ni Margarette ang puso na tila sinaksak ng paulit-ulit hanggang sa hindi na ito muling tumibok pa?

chap-preview
Free preview
PAUNANG SALITA
April 30, 2004 "SA wakas natapos rin kita!" Bulalas niya. Nasa likod-bahay siya para magwalis. Hindi pa man siya nakakalahati sa pagwawalis ay may pumasok na kapilyuhan siya sa isip. Sa puno ng kaimito, naisip niyang iguhit doon ang letrang "R" na sumisimbolo ng initial ng unang lalaking mamahalin niya. At ang mga sumusunod na dapat ay katangian nito: guwapo, syempre; tall and dark; matalino dapat, iyong bang laging top sa klase; makisig ang katawan para kaya siyang ipagtanggol; ang panghuli at importante sa lahat ay iyong mahal siya at ipaglalaban siya hanggang sa huli. Si Margarette ay ang uri ng dalagang sentimental and have a strong belief in so-called prince charming at sa edad niyang dose anyos, ha. Nangingiting dinaanan ng kamay ni Margarette ang nakaukit na puso sa puno at sa loob niyon ay ang letrang "R". Well, dreams do come true. "Hoy, Rita!" Biglang napalingon sa pinanggalingan ng matinis na tinig si Margarette. "Anong ginagawa mo riyan!" Nakatawang puna ng maliit na babae. Si Felly, ang katulong ng mayamang kapitbahay nila. Pandak at maitim ito pero hindi aeta. Inangat niya ang hawak na walis. "Nagwawalis ako." Sinasabi iyon habang palapit siya rito. Sa pagitan nila ang kahoy na bakod ng bahay nila. "Anong chismis?" Biro niya.. "Magtungo ka sa bahay ng mag-asawang Faustino, may handaan." Dinadaos sa araw na iyon ang pista ng Sto. Domingo, ang bayan nila. "Ay oo nga! Sige pupunta ako. Maliligo lang ako, Felly." Excited niyang sabi. "O siya, magkita na lang tayo roon, hanapin mo ako para makapagbalok ka para kay Zai." Ang tinutukoy ay ang bunsong kapatid niya. Tumango siya at nagpasalamat. Basta na lang itinapon roon ang walis. Hindi nagawang tapusin ang ginagawa. Dali-dali siyang naligo at nagbihis. Pagkatapos ay nagpaalam kay Lisa, ang mama niya, na magtutungo siya sa bahay ng mag-asawang Faustino. Nakahiga si Lisa at sinabi sa kanyang huwag magtatagal dahil masama ang pakiramdam at walang magbabantay kay Zai. ISANG malawak na lawn ang agad na bumungad kay Margarette pagpasok pa lamang sa gate ng mag-asawang Faustino. Iginiya siya ng unipormadong katulong sa venue ng handaan. Napakaraming tao. Walang pinipili. Lahat ng klase ay naroon, mahirap at mayayaman. Iyon ang pinakagusto niya sa mag-asawa, napaka-humble. Nagsimula siyang sumandok at kumain. Halos manlaki ang mga mata niya sa masasarap na nakalatag sa mesa. Hindi nga niya alam ang pangalan ng mga pagkaing iyon. Parang mas gusto na lang niyang titigan kaysa kainin dahil sa ganda ng pagkakaayos ng mga ito. Hindi niya pinatawad ang pagkain. Bawat makita at ihanda ng mga servants ay tinitikman niya. Wala siyang hindi gusto. Hanggang sa matapos siyang kumain. Gusto man niyang magtagal ay hindi maaari. Walang magbabantay kay Zai. Magalang siyang nagpaalam sa mag-asawa. "Maraming salamat po sa pagkain...". "Wala iyon, basta ikaw, Rita." Ang matandang lalaki. Tumawag ng katulong ito. "Ipagbalot mo nga ang batang ito ng iba't ibang klase ng pagkaing nakahanda. Sabihin mo kay Felly." Napasinghap siya. "Naku, maraming salamat po!" Natutuwang wika ni Margarette. "Ang nanay mo nasaan?" Tanong naman ni Mrs. Faustino. "Nasa bahay po. May sakit..." "Ang nanay mo talga." Naiiling nitong sabi at sinamahan ng buntong hininga. Hindi niya maintindihan ang ibig nitong sabihin. Itatanong sana niya ngunit nagsalita si Mr. Faustino. "'Wag mong pansinin ang sinabi ng asawa ko, Rita..." hinarap nito ang asawa. "'Wag mong idamay ang bata, Melda." Marahang sabi ng matanda ngunit nagbababala ang tinig. Nang iabot sa kanya ni Felly ang nakabalot ay muli siyang nagpasalamat sa mag-asawa. Si Felly na rin ang naghatid sa kanya. HINDI pa man siya nakakalapit sa gate ng bahay nila nang mapahinto sa paglalakad si Margarette. Bigla-bigla na lamang ay kinabahan siya. Napahawak siya sa dibdib. Hindi niya maintindihan ang nararamdaman. Ang kaba niya'y bumibilis na halos hindi makahinga. Napapailing siyang nagpatuloy sa paglalakad. Naisara na niya ang gate at tinutungo na ang pintuan sa entrance nang may marinig siyang ungol. Nakauwi na ba ang papa? Tanong niya sa sarili. Ang pinto sa sala ang tinungo niya. May butas roon. Dahil sira ang door knob noon pa man. Nilagyan lamang niya iyon ng papel upang matakpan. Tinanggal niya ang papel. Sumilip siya. Nakita niya si Zai. Nakatalikod, ngunit alam niyang naglalaro ito. Naroon pa rin ang ungol na habang tumatagal ay lumalakas. Ungol iyon ng mama niya. Matagal siyang tumayo roon. Inoobserbahan ang tunog na naririnig. Mayamaya, may naririnig siyang ungol ng lalaki. Sino iyon? Hindi iyon boses ng papa niya. Alam niya, nararamdaman niya. Lalong bumilis ang kabog ng dibdib niya. Nawala ang mga ungol. Nagdesisyon siyang maglabas ng boses kahit hirap itong ibuka ang bibig. Sa nanginginig na boses, "M-Mama, a-andito na ako..." Sapat upang marinig ng ina. Walang sumagot. Pero naririnig niya ang pagkaluskos ng mga paa. Sa tingin niya ay nagmamadaling kumilos, hindi siya sigurado. Sumilip siya muli sa butas sa pinto. Sindak na napasinghap siya. Nanlalaking mga matang sinundan ng tingin ang lalaki. Tanging ang brief lamang ang suot. Hawak pa nito ang mga damit na hinubad. Tinutungo nito ang pinto sa may kusina palabas. Napasandal siya sa hamba ng pinto. Nanginginig ang mga kamay na itinakip sa bibig. Anumang oras ay babagsak na ang luha sa mga mata niya. Hindi niya lubos mapaniwalaan na magagawang magtaksil ng ina. Pigil na pigil niya ang paghagulhol. Hinihigpitan ang pag kakatutop sa sariling bibig. Hindi ba't may pamilya na rin ang lalaking iyon? Nang tawagin siya ng mama niya, doon lamang siya nagpunas ng mga luha. Huminga ng malalim na tila noon lang nagkaroon ng lakas. Umikot siya upang tunguhin ang kabilang pinto. Nang lumingon sa kanya ang lalaki'y nakangiti. Napasinghap siya. Ang lakas ng loob ng lalaking ito! Nasa tapat na siya ng pinto ng mabungaran ang ina. Nakaupo. Nakakalumbaba at nakangiti. Nagniningning ang mga mata. Kita niya ang saya mula sa mukha nito. Tila hindi pa yata siya nito napansing dumaan sa harap. Pakiramdam niya ay kaluluwa siya na hindi man lang tinapunan ng tingin. Nilagpasan niya ito at umupo sa katapat na upuan. Titig na titig siya sa hitsura ng ina. Nalulungkot siya para sa ama. Sigurado siyang hindi nito alam ang ginawa ng asawa. Kailangang makausap niya ang ina. Ngunit wala siyang lakas ng loob. Natatakot na baka saktan ng sariling ina. Ngunit hindi kayang pigilin ni Margarette ang sarili. "Mama, ano ang ginagawa ng lalaking iyan dito?" Umpisa niya. Sinulyapan ang lalaking nasa ilalim ng puno ng suha. Pagkatapos ay ibinalik ang tingin sa ina na hindi pa rin nawawala ang ngiti. "Mabait siya. Nagdala siya ng ulam dito." Tugon nito na hindi siya nililingon. Nang muli niyang lingunin ang lalaki ay nakatitig rin kay Lisa. Nanginginig ang mga kamay at mga tuhod ni Margarette. Hindi mawari ang dapat maramdaman sa mga sandaling iyon. "May relasyon ba kayong dalawa?" Sabi niyang tila walang kabuhay-buhay. Nilingon siya nito. "Natukso lang ako Rita. Kasalanan ng ama mo." Matigas na sabi nito. Tiim ang mga bagang. Binalik ang tingin kay Nick na parang doon kumukuha ng kasiyahan. Hindi siya nakaimik. Nagdadabog na tinungo ni Margarette ang kwarto nilang magkakapatid. Kinuha ang unan at niyakap iyon at nahiga. Doon niya ibinagsak lahat ng luhang kanina'y naputol. Paano na sila ngayon? At ang ama niya. Ang kawawang ama'y walang kamalay-malay sa ginagawa ng kanyang ina. At ang mga kapatid niya. Si Zai na walang kamuwang-muwang sa nangyayari. Hindi na niya alam ang iispin. Marahas ang paglabas niya ng hininga. Nagsisikip ang dibdib niya. Pigil ang paglakas ng iyak. Mayamaya pa ay naramdaman niya ang presensya ni Lisa kaya pumikit siya at nagkunwang natutulog. Hindi niya gustong makausap ito. "Anak..." pagsisimula nito. Hinawakan siya sa balikat at nagpatuloy, "Ang papa mo ang may kasalanan kaya ko ito nagawa." Sinasabi iyon habang umiiyak. Lihim siyang umismid. Inaasahan ba ng kanyang ina na kukunsintihin niya ang pagtataksil nito sa ama? Marahan niyang iginalaw ang balikat upang matanggal roon ang kamay ni Lisa. "Tama nga si lola sa mga sinabi niya tungkol sa iyo..." buwelta ni Margarette. Walang pakialam kung masaktan man si Lisa sa sasabihin niya. Nasaktan rin siya! "Ano ang sinasabi sa'yo ng matandang iyon tungkol sa'kin?" Tumaas ang tinig nito. "Mga bagay na hindi magandang pakinggan..." sabi niya sa mahinang tinig ngunit nakarating iyon sa pandinig ni Lisa. "At pinatunayan mo iyon ngayon." Mariing sabi niya. Tila nagdilim ang anyo ni Lisa at marahas na hinablot ang buhok niya. Iniharap niya ang anak sa kanya. "'Wag mo akong pagsalitaan ng ganyan, Margarette!" Sa puntong iyon ay talagang nagagalit na ito. "Ina mo pa rin ako!" Hinarap niya ito. Tumaas ang isang kilay na tila nang-iinsulto. "Kaya gagawin mo na lang ang gusto mo, kahit mali?" "Hayup ka!" At bago pa malaman ni Margarette ang gagawin nito, isang sampal ang naramdaman niya sa pisngi. "Wala kang kwentang anak!" Hinablot muli nito ang buhok niya at kinaladkad patungo sa sulok ng kwarto at pinagsasampal siyang muli. "Hindi mo alam ang pinagdaanan ko sa mga lola at lolo mo!" Hinayaan niya si Lisa sa ginagawang p*******t sa kanya. It's her fault anyway. Ginalit niya ito ng husto. Sa kauna-unahang pagkakataon, pinagbuhatan siya ng kamay ni Lisa. Kung hindi pa dumating si Junior ay baka hindi huminto si Lisa sa pagsampal sa kanya. "Tama na iyan, Ma!" Awat nito. "Pagsabihan mo iyang ate mo!" Tumayo si Lisa at nagpupuyos ang dibdib na lumabas. "Ate ano ba ang pinag-awayan niyo ng mama?" Walang bahid na pag-aalala sa tinig ni Junior kundi panenermon. Umiling ito. Tinitigan ang kapatid. "Hindi mo na kailangan malaman." Sa nanginginig na mga tuhod ay tinungo ang kama at humiga. Hindi na kailangang maranasan ng mga kapatid niya ang sakit na nararamdaman niya. Sapat ng siya lang ang nakadarama niyon. Sa mga oras na iyon, galit ang bukod tanging nadarama niya sa ina. Kahit alam niyang hindi tama iyon. Natuon ang mga mata niya sa notebook na nakapatong sa beside table. Kinuha iyon at pinagpupunit na tila naroon ang lahat ng sama ng loob. Napatunayan lamang niya na hindi totoo ang pagmamahal. It's just a lust sa pagitan ng dalawang tao. Nagpapakasal lamang ang mga ito para pagsawaan ang isa't isa. At hindi niya hahayaang mangyari iyon sa kanya. Mas gugustuhin niyang tumanda mag-isa!

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Journey with My Daughter

read
1.2M
bc

Chasing his Former Wife- (Montreal Property 2nd gen.)

read
105.7K
bc

ARREST ME IN YOUR HEART Mr.Sergeant

read
2.5K
bc

De Silva's Temptation

read
22.7M
bc

The Cold Billionaire

read
17.9M
bc

HIDING MY BOSS' HEIRS | SPG

read
1.7M
bc

The Billionaire's Unwanted Bride And Her Secret Triplets

read
14.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook