Pagkatapos ng insidenteng iyon ay hindi ko na siya kinausap pa, ni tignan man lang. Ayaw kong marinig kahit ang kanyang boses. Pero pagkatapos din non ay madalas na siyang umuwi ng lasing o nakainom at every time na tulog na siya ay naririnig kong binabanggit niya ang pangalan ng babaeng ‘yon. Masakit pero hindi ko kailanman ipapaalam sa kanya ‘yon. Hindi para bigyan ko siya ng kaligayahan na alam kong ako ang magmumukhang kawawa.
"Iris," nasa terrace ako ng aming silid at naglalaro sa aking cellphone ng narinig ko ang pagtawag niya. Himala at maaga siyang umuwi. Alas-4 palang ng hapon ah. "Let talk," dagdag pa niya. Wala akong maisip na dahilan para mag-usap kami kaya ipinagpatuloy ko na lang ang paglalaro ko. Rank game ito at napakaganda ng laban tamang tamang pang content. "I said, let's talk." Sabi niya ulit at bakas na sa boses niya ang pagkairita.
"I can hear you, just say whatever you want to say." Ang sagot ko naman.
"You're still playing on your damn phone!"
"I use my ears to listen, not my hands or eyes. If you want to say something just say it. I am busy." Ang akala ko ay magsasalita na siya ngunit nakalimutan kong napaka arogante nga pala niya at hindi ito papayag na hindi ko itutuon ang buo kong atensyon sa kanya kapag nagsasalita siya. Kaya naman ganun na lang ang inis ko ng bigla niyang kunin ang aking cellphone.
"You know what, I was so happy ng hindi tayo nag-uusap. Parang ang payapa ng lahat sa akin, tapos ngayon bigla kang lalapit sa kin at kukunin ang phone ko."
"Now I got your full attention." Nakakagigil talaga ang damuho na to.
"What is it?" Ang tanong kong my halong pagkayamot at sana ay makita niya.
"I am going out of town." Ang sagot niya. Ano naman kaya ang pakialam ko don?
"So?" Tanong ko ulit na nakataas ang isang kilay para malaman niyang wala akong pakialam.
"You better behave yourself here while I'm away. I didn't want to know that you had been with any man or you had been talking to another man. You can still do whatever you want. Go to the mall and see your female friends, but never with any males."
"Why don't you just tell me not to leave your house?" Grabe, as in female friends lang? Nakakaloka talaga ang lalaking 'to. Mababaliw ako sa takbo ng pag-iisip niya.
"I am letting you meet your friends and yet you still complain?"
"Paanong hindi, eh puro lalaki ang mga kaibigan ko!" Ang galit kong sagot.
"Then, yes! Stay in the house until I come back!" Pagalit din niyang sagot sabay talikod sa akin.
"Alessandro!" Ang tawag ko sa kanya at tumingin naman siya, "Give me back my phone." Ang sabi ko sabay lahad ng aking palad. Tapos ay tinignan niya cellphone ko na hawak pa rin niya.
"Oh, I am going to bring this with me." Ang sabi niya na nakangisi.
"What, no! I needed that. My work is there." Sabi ko sabay lapit sa kanya tapos ay sinubukan kong kunin sa kanya ang phone pero mabilis niya itong naiiwas sa pamamagitan ng pagtaas ng kanyang kamay. Matangkad siya at kakapiranggot naman ako kaya naman kailangan ko pang tumalon ngunit hindi ko pa rin maabot. Kaya naman sumampa na ako sa kanya at nangunyapi sa kanyang leeg habang pilit ko pa ring inaabot ang aking cellphone ngunit bigla niyang ibinaba ang kanyang kamay na may tangan nito at inilagay sa kanyang likuran.
Narealize ko na nakasampa na ako sa kanya ng subukan kong bumaba, ngunit hindi niya ito pinayagang mangyari. Yapus yapos nya ako sa likuran ng aking baywang habang ang isa kong kamay ay nakayapos sa kanyang balikat papunta sa leeg at ang isa naman ay nasa kanyang dibdib. Ang mga paa ko ay nakapulupot naman sa kanyang baywang. "I didn't know that you are this clingy. You can come with me if you want."
"I am not clingy and I am not going to come with you. I didn't want to, so put me down and give me back my phone." I replied.
"I am going to put you down, but not here." Sabi niya bago lumakad papasok sa kwarto habang karga pa din niya ako. Napansin kong inilapag niya ang phone ko sa bed side table at balak kong kunin yon once na ilapag niya ako ngunit iba ang nangyari. "Here," Sabi niya pa habang unti unti niya akong inialapag sa kama. Ang nakakapagtaka lang ay bakit pakiramdam ko ay kasama ko siyang babagsak don? At hindi nga ako nagkamali dahil paglapat ng likod ko sa kama ay siya din namang dagan niya sa akin. Dahil nakababa na ako ay agad ko naman siyang itinulak kaya nga lang ay ang hirap. Para siyang pader na hindi ko matibag. "When are you really going to fulfill your wife's duty willingly?" He asked.
"You're asking me that after you forced yourself on me?" Ang tanong ko din sa kanya. Nabuhay ang galit ko dahil sa pagpapaalala niya.
"You let yourself get touched by another man, are you expecting me to just let it slide? Will it be fine with you if I touch another woman too?"
"Haven't you done that yet? I'm sure your Sandy is out there waiting for you and maybe the reason for your leaving." Ang sagot ko naman. Kitang kita ko ang pagkagulat sa mukha niya. Hindi niya siguro inaasahang babanggitin ko ang babae niya.
"Who told you about her?" Ang pagalit niyang tanong?
"Bakit hindi mo itanong sa sarili mo? Huwag kang uuwi ng lasing at tapos ay babanggitin mo ang pangalan niya sa pagtulog mo." Ang sagot ko sabay tulak ulit sa kanya. Dala marahil ng pagkagulat pa kaya naman naging madali sa akin ang makawala sa pagkakadagan niya kasabay ng paglayo na rin tapos ay kinuha ko ang cellphone ko sa bedside table at pabalik na sana ako sa terrace ng bigla niya akong pigilan at kabigin palapit sa kanya. Talaga yatang wala akong kawala sa lalaking 'to.
"You don't need to get mad because of her. I do love her but I will never cheat on you." Is he for real? Did he just tell me that she loves his woman? Tapos ay huwag daw akong magalit? Naloloko na talaga siya.
"So dapat ikatuwa ko na may mahal kang iba pero hindi mo ako lolokohin?" Ang hindi ko na napigilang mapasigaw. Siguro ay dahil sa asawa ko siya kaya parang ang sakit ng sinabi nia. Kahit naman siguro sinong babae ay ganito din ang mararamdaman di ba?
"It's not like that! It's nothing like that!" He exclaimed bago ako napatingin sa cellphone ko at nakita kong tapos na ang laban at natalo kami. AFK pa ako at dala na rin ng nararamdaman ko sa mga nalaman ko ay hindi ko mapigilang mapaluha.
"I've gone AFK and I lost. It's for good content and because of you it's gone!" Sabi ko sabay bato ng aking cellphone na talaga namang ikinagulat ko at kita kong nagulat din siya. Paanong hindi eh ang mahal ng bili ko don. Pero dahil sa hinayupak na lalaking 'to ay naibato ko ang pinakamamahal kong cellphone.
"Stop crying, I'll buy you a new one." Napatingin ako sa kanya at nakita kong mukha pa rin siyang galit. Ibibili tapos ganun ang mukha? Sino ang maniniwala sa kanya? Lokohin niya ang lelong niyang panot!
"No, just leave and go wherever you want to go. I can buy my own things!" Ang sabi ko lang bago ko damputin ang kawawa kong cp tapos ay bumalik na ako sa terrace. Ayos pa naman siya, may crack nga lang ang screen na sa palagay ko ay sa tempered glass lang.
Nang lingunin ko siya ay nakita kong palabas na siya ng kwarto. Oo, masama ang loob ko. Aalis siya para pumunta don sa babae niya, nagpaalam pa talaga ang sira ulo. Napaupo ako at tinitigan ang aking cellphone at hindi ko namalayang unti unti na namang tumutulo ang aking luha. Pareho ba kami ng nanay ko ng kapalaran? Unang magiging akin tapos mapupunta din sa iba? Hindi ba’t ganon ang nangyari sa kanila ni Dad? Mahal siya pero mas mahal ng ama ko ang pera at mas minabuting gawing kabit ang nanay ko. Ang masakit pa doon, walang kamalay malay ang napakabait kong nanay na niloloko na pala siya ng daddy ko. Pinangakuang papakasalan pero sa may pera pa rin sumama.
All this time, I tried to stay away from boys who wanted an intimate relationship with me. Although there is this one guy na talaga namang itinatangi ko. Matalino at simple lamang, may pangarap sa buhay kaya naman ganun na lang din ang pagsusumikap niya. Ayaw ko sa mayaman, kagaya na lang ng naging asawa ko. Ayaw ko din sa mahirap na walang tiyaga, dahil pihadong magiging kagaya lang siya ng tatay kong sa madaling paraan kukunin ang gusto kahit na ba mag mukha na siyang alipin ng pinakasalan niya.
Mag-iisang buwan na akong kasal pero wala pa ni isa sa mga kaibigan ko ang sinabihan ko ng aking kalagayan. Siguradong magugulat sila kapag nalaman nila ito. Dahil dito ay naisipan kong makipag tagpo sa kanila since aalis naman si Alessandro, siguro naman ay malaya kong magagawa ang gusto ko dahil hindi ko naman siya pinipigilang gawin ang gusto din niya.
Mabilis kong in-open and aking messenger at nag send ng message sa aming group chat. Napakasaya ko ng ang lahat ay nag-agree kaya naman napagkasunduan namin na magkita kita sa isang araw upang ang lahat ay makapunta.
Hindi ko na nakita pa ang magaling kong asawa at hindi din siya tumawag kahit minsan. Siguro naman ay alam niya ang number ko dahil napakadali lamang non para sa kanya na alamin, iyan ay kung may pakialam siya. Dumating na ang araw ng get together naming magkakaibigan at gaya ng napagkasunduan ay nagkita kita kami sa SM manila. Hindi sila sanay na may driver ako kaya naman pinakiusapan ko ang aking driver na maghintay na lamang sa sasakyan at kahit na alanganin ay pumayag na rin ito.
Masaya naman akong nakipagkamustahan sa lahat habang hinihintay namin ang in-order naming lunch. “Where are we going after this?” tanong ni Niña. Siya ang pinaka bestfriend ko talaga. Sa aming 7 magkakaibigan ay 4 kaming babae at 3 naman ang lalaki at ako lang ang walang kapareha sa kanila. Ako ang pinaka nganga sa amin samantalang sila Mikael naman ay may kaya habang ang pamilya ni Niña ang talaga namang ubod ng yaman. Ang akala ko noong una ay mahirap siyang maging kaibigan dahil sobrang spoiled siya. Pero ng makilala ko siya ng lubusan ay doon ko napagtanto na talagang mataray lang siya pero hindi naman matapobre.
“Let’s go to our house.” sagot ni Nicko habang sinusubuan ng french fries ang girlfriend niyang si Melissa. Si Kevin na boyfriend naman ni Niña ay ang siyang sinusubuan ng aking bestfriend. Napatingin ako sa kanila at hindi ko maimagine ang magiging itsura nila kapag bigla kong sabihin sa kanila na ako ay may asawa na. Pero ipinilig ko na lang aking ulo sa ideyang iyon. Hindi na nila kailangan pang malaman ang kamiserablehan ng aking buhay.
“Ano naman ang gagawin natin sa inyo?” tanong ni Mikael.
“I registered us in MLBB tournament in our barangay.” sagot naman ni Nicko.
“Magpapabuhat ka lang kay Iris eh.” sabi naman ni Clarise na ikinatawa naming lahat lalo na ng kanyang girlfriend. Hindi ko pinagsisisihan na nakipagkita ako sa kanila ngayon dahil talaga namang napakasaya ko. Pansamantala kong nakalimutan ang mga hinanakit ko sa aking asawa at ama.
Napapayag naman kami ni Nicko, kaya heto ako at tumatakas sa aking driver. Nagcommute lang silang lahat kaya naman naisipan na namin na lumabas na ng mall. Patawid na sana kami ng mag red signal ang pedestrian kaya naman na-stock kami sa gilid ng kalsada habang hinihintay naming matapos tumawid ang mga sasakyan. Masaya akong nakikipagkwentuhan kay Melissa ng parang maramdaman kong may tumulak sa akin at ganun na lamang ang takot ko ng bigla akong mapunta sa kalsada kung saan may mga humaharurot na sasakyan at ang huli ka na lang na narinig ay ang pagtawag sa akin ng mga kaibigan ko bago ko ipikit ang aking mga mata.