Alessio
Ayaw kong umalis ng matagal at iwan na nag-iisa si Iris sa mansyon kaya nga lamang ay may mga dapat akong asikasuhin dito sa Davao. Ang isang linggo kong plano na pag-stay ay kailangan kong paikliin dahil baka mamaya ay makipagkita nanaman ang babaeng ‘yon dun sa lalaking sinabi niyang kaibigan niya. Hindi ako naniniwala na pwedeng maging magkaibigan ang isang babae at isang lalaki na walang malisya lalo na kung kasing ganda ng asawa ko ang babae. Oo, maganda siya at talaga namang kaakit akit kaya naman ng malaman kong may umakbay sa kanya ay talagang nagalit ako na naging dahilan ng hindi magandang nagawa ko sa kanya.
Pinagsisisihan ko ang bagay na yon, kaya naman gusto ko sana siyang isama dito pero alam ko namang hindi siya papayag. Galit na galit siya sa akin at hanggang ngayon ay ramdam na ramdam ko parin iyon. Hindi naman ako mamamatay kung magalit siya sa akin, kaya nga lamang ay hindi ko rin maiwasan ang makunsensya lalo pa at nalaman kong ako ang unang lalaki sa buhay niya. Hindi niya ako kinakausap at sa tuwing matutulog kami ay lagi siyang nakatalikod sa akin. Hindi ko na din pinansin ang galit niya dahil ayaw ko din namang magpaapekto at lalabas na sobrang nakukunsensya ako.
“Boss, this is the sample selling contract of the ranch.” sabi ni Vince. Ito ang ikalawang araw namin dito at ang inakala kong mahirap kausap na may-ari ng rancho ay napakadali kong napapayag na ibenta ito sa akin.
“I thought she didn’t want to sell it?” ang tanong ko. Pagdating namin dito ay pinakuha ko agad ng appointment si Vince sa may-ari at napag-alaman kong babae pala ito. Kung alam ko lang ay siya na lang sana ang pinaharap ko dahil naiirita ako sa mga uri ng tingin na ipinupukol niya sa akin na karaniwan na sa mga babaeng nakikilala ko, maliban sa aking asawa na inakala pang si Dad ang asawa niya at hindi ako. Nagulat ako ng halikan ko siya at kagatin niya ang labi ko sa pag-aakalang step-son niya ako. Natawa talaga ako sa loob loob ko, ganon din si dad dahil tumabi pa siya dito sa upuan ng pinababa ko siya matapos niya akong bigyan ng sugat sa aking labi.
Hanggat maaari ay ayaw kong maging sobrang close kami pero hindi ko mapigilan na yayain ko siyang sumama sa akin dito. Kaya nga lang ay hindi umubra at nag-away pa kami. "You have lunch with her today and then signing comes next." Ang sagot ni Vince sa tanong ko na pumukaw sa pag-alala ko Kay Iris.
"Why do we need to eat lunch?"
"That's her request, Boss."
"You know I didn't like that." Kaya pala pumayag na ibenta sa akin ang rancho ay para dito.
"It's just a meal and it will end our transaction with her after." Napahinga ako ng malalim. Si Vince ay matalik ko ding kaibigan. Anak siya ng kaibigan din ng aking ama at halos sabay na lumaki. Mas matanda ako sa kanya ng 5 taon at itinuring ko na siyang nakakabatang kapatid at ako naman ay naging Kuya para sa kanya. Sa ganitong pagkakataon na alam niyang ayaw kong nakikipag deal sa babae, alam kong gusto lang din niyang makabalik na kami ng Maynila.
"Fine. But make sure to prepare everything for the contract. And it's just us, why do you need to call me Boss?" Ang tanong ko na ikinatawa niya. "Kuya ang tawag mo sa akin when we were young."
"You're my boss now."
"That doesn't change the fact that we're friends. Best friends to be precise."
"Fine, gusto ko lang din naman na ma-practice ko ang pagtawag ko sayo." Sagot niya. "Have you called ma'am Iris?" Ang tanong at umiling naman ako. Sinabihan niya ko na ipakita sa babae yung soft side ko, kaya lang ay parang ang hirap.
"You have to call her and let her know how you are here and at the same time, you'll know how she was. Hindi yung puro na lang driver ang tinatanong mo about sa kanya. At pinaka higit sa lahat, you have to trust her. That's very essential to every relationship especially in the kind 9f marriage you have."
"Since when did you become an expert on this? You don't even have a girlfriend."
"You don't need to have one or be an expert when it comes to relationships. All you have to do is to follow your heart." Ang sagot pa niya na talaga namang ikinagulat ko. Hindi ko akalain na may itinatago pala itong romantic side.
"I just called Dan. He said she was in the mansion though she told him that they are going to leave later to meet her friends."
"Don't scare her either with her or her friends' lives. How can she learn to love you if you keep on doing that?"
"I had to scare her so she will follow me, how would I know that she's not the type to do as she had been told?"
"She's your wife if you ever forget." Alam ko naman yon, kaya lang ay hindi ko maiwasang gawin sa kanya ang mga ginagawa ko. "You're the one who chose her to become your wife so you have to take care of her." Ang dagdag pa niya.
"Bakit kasi kailangan pa akong pag-asawahin ni Dad?" Ang nasabi ko nalang. My dad is already old and he asked me to settle down even before he "left the world" as he said. He wanted to have grandchildren but that's something I cannot promise him especially when Iris was acting scared as hell. If I had not forced her, I wouldn't know the feeling of being with her. That maybe made her angry with me and I promise myself to make it up to her in this lifetime.
I didn't want to get married because I was scared that our enemies would target her just to get back at me. Although sinusubukan kong baguhin ang takbo ng organization namin simula ng ako na ang mamahala nito may 7 taon na ang nakakalipas, ay may mga pagkakataon pa rin na may mga pangyayaring hindi maiiwasan na gumawa ng lihis sa tama kagaya nalang ng pananakot sa ilang businessmen dahil sa ginagawa nilang paninira at pagsasabotahe sa aking mga negosyo. May mga armado akong tauhan pero lahat ng mga ito lisensiyado at meron din akong sariling security team na kinuha ko sa security agency na itinayo ko din. Umalis na si Vince at inasikaso ang para sa meeting ko mamayang lunch sana lang ay hindi siya kagaya ng ibang babae na akala mo ay linta kung makadikit at manatiling professional.
Dumating ang oras ng aking meeting at pagdating ko sa restaurant ay nandoon na din ang seller ng ranch. Napakalagkit agad ng pagkakatingin niya sa akin at sobrang luwag na ng kanyang pagkakangiti na naging dahilan ng aking pagkayamot. Napatingin ako kay Vince ngunit nagkibit balikat na lamang ito. Naupo ako sa harapan ng seller na napag alaman kong Riza Mendez pala ang pangalan. Anak siya ng may ari at minana niya ang ranch ngunit wala siyang hilig dito kaya naman naisipan niyang ibenta na lang ng malaman niya na willing akong magbayad ng kahit na magkano kaya naman pumayag siyang agad na makipagkita sa akin bukod sa dahilang isang Alessio Romano ang makakaharap niya.
Naglunch na kami at pagtapos ay nagpirmahan na kami ng contract. Gusto ko ng makabalik ng Maynila at hindi ako mapalagay na hindi nakikita si Iris. Kakatapos ko lang na pirmahan ang part ko ng makatanggap ako ng tawag mula kay Dan, "Hindi ko po makita si Ma'am Iris." Ang sabi niya na nakapagpabahala sa akin. Tapos ay naramdaman kong hinagod ni Riza ang aking kamay na nakapatong sa ibabaw ng lamesa.
"Find her." Ang sagot ko Kay Dan tapos ay tinignan ko ang babaeng nasa harapan ko na gusto ko ng pilipitin ang leeg dahil kahit iniwas ko na ang aking kamay ay pilit parin nitong hinahabol. "I am married." Ang sabi ko na lang at pinanatili ko ang professionalism ko.
"I don't see any rings." Ang tugon niya na naging dahilan upang mapatingin ako sa aking daliri. Hindi ko siya masisisi dahil talaga namang wala akong suot na sing sing.
"I am trying to hide my marriage since I am planning to give my wife a surprise grand wedding." Ang sagot ko, "And I expect you to keep this a secret until our wedding day." Dagdag ko pa na hinaluan ko na rin ng tunog ng pagbabanta at sana ay ma-gets niya na na hindi ako interesado sa kanya. Dahil nanahimik na siya ay napagpasiyahan kong tumayo na ngunit pinilit ko pa ring makipagkamay sa kanya dahil sa pagka-close ng aming transaction bago ako tuluyang umalis.
Si Vince ay nasa sasakyan na dahil alam naman niya na hindi talaga ako magtatagal sa loob. "Buy me a wedding bond." Sabi ko pagkapasok na pagkapasok ko sa kotse. Tinignan niya ako ng nakaupo na ako bago siya may kinuha sa compartment ng sasakyan at iniabot sa akin.
"I thought you would never ask." Sabi pa niya. Agad kong tinignan ang laman ng maliit na kahon kahit na may ideya na ako kung ano ano iyon. Gusto kong makita kung maganda ba at pasok sa panlasa ni Iris ang napili niya at napatingin ako sa kanya ng makita. “She likes simple things,” sabi nito ng makita niya sa rear mirror na nakatingin ako sa kanya.
“Since when did my wife deserve simple things?” I asked,
“It’s not always about what she deserves, sometimes it’s about what she likes especially when you never had a normal marriage.”
“Care to explain to me more?”
“Giving her what she deserves is for someone who knows her best. I mean, if you had been together for a long time, even if you knew that she only wanted simple things, you can insist on giving her what you think deserves her. But in your case, giving her something expensive will only make her think that you are trying to bribe or buy her.”
“I don’t agree with that, but since you already bought this, I guess this will do. I will just buy her a new one.” I answered. Then my phone rings again and when I look at the screen it was Dan, he better find Iris or else.
“Boss, I found her and I’m sorry.”
“What happened?” parang takot siya sa paraan ng pagsasalita niya kaya naman unti-unti narin akong kinakabahan.
“Nasagasaan po siya.” ang sagot niya. Tapos ay may mga sinabi pa siya pero hindi ko na naintindihan dahil ang nasa isip ko lang ay ang salitang nasagasaan at kung saang ospital siya dinala. Mabilis kong inutusan si Vince na tumawag nalang ng helicopter upang mapabilis kami ng balik sa Manila. Sobrang takot na ngayon ang nararamdaman ko at hindi ko alam kung ano ang magagawa ko kay Dan kung sakaling may mangyaring masama kay Iris.