“Can you trust me on that?” dagdag pa niya. Ano ba naman itech.. Now he’s asking me that? How can I say no? So without thinking, I nodded my head. Then he smiled and kissed me. “Thank you.” sabi niya pagkatapos na tuluyan ng nagpawala ng galit ko. Hindi ko akalain na ganito lang pala niya ako kadaling masusuyo. Natatakot na tuloy ako para sa mga susunod pa, Paano kung tuluyan ko na siyang mahalin tapos ay yes to all na lang ako sa kanya. Paano kung imbis na matutunan niya akong mahalin din ay tuluyang lumayo ang loob niya sa akin? Ano ang gagawin ko? Mukhang susundin ko talaga ang payo ng bruha ko ding bestfriend na si Niña, kailangan ko siyang i-seduce sa abot ng aking makakaya. Every time na may nangyayari sa amin ay nararamdaman ko naman ang sobrang pagkahumaling niya sa aking alindog.

