Nakakainis na lalaki talaga ito. Wala akong ibang magawa kung hindi ang tugunin lang din ang kanyang halik. Masyado na akong lugi sa kanya dahil na rin sa sarili kong kagagawan. Matanda na talaga ito dahil masyado na itong magulang. Alam na alam niya kung paano niya ako mapapasunod sa gusto niya. Sa madaling sabi ay tumugon pa din ako sa halik niya kahit na nararamdaman ko pa rin ang galit ko sa kanya. Napaka higpit ng yakap niya sa akin na akala mo ay takot siyang umalis o mawala na naman ako. “You don’t leave just like that and go somewhere I don’t know.” sabi niya pagkatapos ng napaka intense na halikan. OK sana kung talagang concern eh no, sigurado naman ako na dahil lang sa nagrebelde ako kanina kaya niya nasasabi ang ganyan. “And if I did?” ang tanong ko ng hindi inaalis ang aking

