Is there any way to know what he thinks about me and about us? I really want to know. Gusto ko ng magkaroon ng normal na buhay may asawa. Yung nagkakaintindihan kami at pareho ng hangarin, at iyon ay ang magkaroon ng buong pamilya. Yung papalakihin namin ang aming mga anak na puno ng pagmamahalan. Pwede ba ang ganon? Pwede bang ako na lang? Nag-aala Basha na ako ah. Ang pagkakaiba nga lang ay hindi ulit. Dahil hindi naman naging kami. Pwede bang ako na lang? Ako na lang at hindi na si Sandy? O kaya, hindi ba pwedeng kalimutan na niya ito? "Iris!" Ang tawag ng aking supervisor na si Linda. Nagsimula na akong magtrabaho bilang assistant secretary at ngayon ang simula ng ikalawang linggo ko sa opisina. OK naman sana kasi madalas kong makita si Alessandro. Ang hindi OK ay ang babaeng ito na m

