Iris Mabilis na lumipas ang mga araw at napapansin ko na madalas ng nasa bahay si Alessandro. Oo nga at pumapasok ito sa opisina ngunit hindi na kagaya ng dati. Naisip ko tuloy na baka binabantayan niya ako? Bakit naman? Nasa bahay lang ako at maghapong naglalaro. Naiinggit na din ako sa mga kaibigan ko na mga nagsisitrabaho na sa kani kanilang mga kompanya. Gusto ko din sana kaya lang papayag kaya ang asawa ko na kung umakto ay daig pa ang tatay ko sa sobrang higpit? Tapos parang nadagdagan pa ang mga tao sa mansyon na akala mo ay may pinaghahandaang gera. Ngayong totally ay healed na ang aking mga sugat ay mas lalo kong gustong makalabas na ng bahay. Nabuburo na ang kagandahan ko at si Alessandro na lang ng si Alessandro at ang mga tauhan niya ang nakikita ko. Hindi naman sa nagrerekla

