“What is it, baby?” ang tanong ni Alessandro pagpasok na pagpasok namin ng kanyang opisina. Sa totoo lang ay naiintriga ako dahil sa mga tinging ibinibigay sa akin ng mga nakakasalubong namin. Kaya nga lang ay masyado akong nakafocus sa tito ni Jessie. Tumingin ako sa kanya at nakatingin pa rin siya sa akin. “Naalala ko na kung saan ko nakita ang tito ni Jessie.” ang sabi ko sa kanya habang paupo ako sa couch, dahil siguradong sigurado na ako. “Where?” ang tanong niya, habang ibinababa si Little Lessy sa tabi ko. “Sa parking lot.” napakunot ang noo niya. Inisip niya siguro kung paano mapupunta doon ang tito ni Jessie. Ganun din naman ako, kaya nga lang ay sigurado na talaga ako. Matay ko mang isipin eh, may memory lost na ako pero pamilyar pa rin siya sa akin. “Which space?” “Yung na

