bc

Wolf Pack Series I: The First Howl (BXB)

book_age18+
225
FOLLOW
1K
READ
alpha
powerful
brave
comedy
LGBT+ Patimpalak sa Pagsulat
mystery
werewolves
pack
supernatural
mxm
like
intro-logo
Blurb

We are not training to fight, we train to survive. We are wolf blood and we have in our heart called wolf pride!

Malcolm and Zidane are from a rivalry pack. They will be the next Alpha of each pack. Ngunit sadyang mapaglaro ang tadhana sa tulad nilang mga taong-lobo. Hindi nila inaasahan ang mamumuong pag-iibigan sa kanila. Nakasaad rin sa propesiya na kapahamakan lang ang kahihinatnan ng lahat.

Lalo't pa nariyan ang mga kaaway na handa silang paghiwalayin dahil sa kasakimam sa kapangyarihan.

Will love really conquers all? Or Will their love be a tragedy to both wolf packs?

chap-preview
Free preview
Prologue
ISA akong tao ngunit malaking palaisipan pa rin sa akin kung bakit ako hinahabol ng kakaibang mga nilalang na ito. Hindi ko rin maintindihan ang pilit nilang pinapaamin sa akin kung nasaan ang kuta ng mga Blood Moon Pack. Binugbog nila ako at ngayon nanghihina ang aking katawan. Ika-ika akong patakbong- lumalakad dahil sa mga natamo kong sugat. Tinatakasan ko sila at pinipilit ang sarili na iligtas ko ang aking buhay. Malaking tanong pa rin sa akin kung bakit ba ako mahalaga sa kanila? At ano ang kailangan nila sa akin? “Na bo- boring na ako,” sabi ng lalaking nakaitim at bigla itong mabilis na sumulpot sa aking harapan. Nagmula siya sa tuktok ng container van at ngayon ay nasa aking harapan ko na. May takot na namuo sa aking loob at nangibabaw pa lalo ang kaguluhan at pagtataka sa aking sarili. Sino ba ako? Ano ba talaga ang kailangan nila sa akin? “Bossing, ano? Tatapusin na ba natin siya?” Isa pang lalaki ang sumulpot at nagtanong sa lalaking may pilat sa pisngi at doon ko lang nakita ng malinaw ang kanilang mga mukha. “Kalma lang, kailangan pa natin siya para matunton kung nasaan ang Blood Moon Pack,” nakangiting sambit nito. Malalim ang gabi at sumisilip sa mga ulap ang liwanag na nagmumula sa buwan. Nang tumingala ako, para silipin ito sa huling pagkakataon. May mga luhang kusang tumulo sa aking mga mata at nagbabang- tingin ako. Naisip ko na ito na ang huli na masisilayan ko ang mundong ito. Ang mundong iniwan ako dahil wala akong pagkakakilanlan. Wala akong maalala, Ang tanging naalala ko, tumakas ako sa isang facility dahil sobra na ang ginagawa sa akin na paghihirap. Dahil sa mga test na ginagawa nila sa akin at pinag-aaralan nila ako. Kung anu-anong gamot ang tinuturok nila sa akin na pinahihina ang aking katawan. Ngumisi ang lalaking may pilat sa pisngi sa akin at matalim niya akong tinitigan. Nagbago ang kulay ng kanyang mga mata at naging pula ito na gaya sa mga demonyo. “Foxy, aayon ka sa plano namin,” nakakikilabot ang boses nito. Nanikip bigla ang dibdib ko sa hindi ko mawaring na kapangyarihang pinapalabas nito sa kanyan mga palad. Nanlaban ako at pa-impit na napahiyaw. Lumutang ang aking katawan sa hangin. “Bitiwan mo ‘ko!” sambit ko ng puno ng pagpapahirap. Ibinaba niya ako at lumagapak ang nanghihina kong katawan sa lupa. Umubo-ubo ako at kasabay ng aking pag-ubo, may lumabas na dugo sa aking bibig. “Hindi ka mamamatay, Foxy. Ikaw ang magkakasatuparan ng mga plano namin,” sambit ng lalaking may pilat sa kanang pisngi. Muli niya akong sinakal gamit ang kanyang isang kamay lamang at muli akong inangat sa ere. Humigpit pa lalo ang kanyang pagkakahawak sa aking leeg. Nakakapaso ito at ramdam ko na ito sa aking buong katawan. Una’y kaya ko pa ang init na para lamang may mataas akong lagnat ngunit kalaunan ay nakita ko ang aking mga palad na para itong papel na nasusunog. Napahiyaw ako sa sobrang init na nararamdaman ko sa buong katawan. “Hoy Manong! Gising!” nagising ako sa tawag ng isang ale. Napasinghap ako at napabalikwas. Nagtaka ako dahil nasa ibang lugar na ko at nasa gilid ng kalsada kasama ng mga basura. Nasilaw pa ako ng sikat ng araw nang tumingala ako sa itaas. “Maglalasing sa kalsada matutulog! Umalis ka rito at nagtatrabaho kami.” bulalas ng babae na nanggising sa akin. Tumayo ako at lumayo sa basurahan. Nagtungo ako sa isang eskinita na walang gaanong tao na dumaraan. Pinagmasdan ko ang mga palad ko dahil sa pagtatakang ano ba ang nagyari sa akin? Biglang sumakit ang ulo ko na parang binibiyak? At sa hindi maintindihan bigla akong nakakita ng mga pangitain. “Kapahamakan ang uusbong sa bawal na pagmamahalan ng dalawang punonong-bantay na magkaaway na lahi.” Humugot ako ng malalim na hininga dahil sa aking nakita. Ano ba ako? Ano ba ang papel ko sa mundong ito? Bakit hindi na lang ako pinatay ng mga masasamang nilalang na 'yon?

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

OSCAR

read
249.0K
bc

The Mafia Lord: James Esteban [COMPLETED] Tagalog

read
177.0K
bc

The Crowned Mafia Boss: His Obsession [Completed] Tagalog

read
1.3M
bc

NINONG

read
391.5K
bc

The Mystique Kingdom

read
37.2K
bc

Secretly Living With My Husband [Book 2 of 3]

read
51.0K
bc

The Possessive Mafia (TAGALOG)

read
208.9K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook