Chapter 1: The New Guy

2271 Words
MALCOLM’S POV ANG aming lahi ay matitikas at malalakas. Marami nang napatay na bampira ang aking angkan. Ang aking ama ay ang aming Alpha. Siya ang pinakamalakas sa lahat ng werewolf clan namin. At dahil isa kaming hierarchy... Ako na ang susunod sa aking ama. Ako ang susunod na Alpha kapag ako ay naging adult werewolf. Labing- walong taon ang pagiging ganap na werewolf at puwede na akong humalili sa aking ama kapag siya ay nag- resign na sa pagiging Alpha ng aming pack. Labing-pitong taong gulang pa lang ako, may isang taon pa ako para mag- enjoy. May isang taon pa ako para mag shopping ng mga fafa-wolfie. Nanggigil ako ng napakagat sa pang ibabang labi ko. Ang sarap talaga nila. Hay... Nanginginig ang mga tuhod ko habang pinagmamasdan kong naliligo sila ng topless. My eyes are twinkling like stars, seeing those beautiful bodies. I can't stop gawking at them. Damn it! Sino ba kasi nag- imbento ng six pack? Halos maglaway na ako sa kinatatayuan ko ngayon dahil sa perfect view. Oh bathala ng mga wolfie, patawarin niyo po ako dahil nagiging makasalanan na ako, ano mang oras gusto ko nang lapain ang mga lalaking ito... Ng halik siyempre. At titikman ko ang kanilang uhmm... Alam mo na 'yon kung pareho tayo ng iniisip. "Hoy! Ano'ng ginagawa mo riyan, huh!" Panggulat na tawag sa akin ni Leila. Buwisit talaga 'tong babae na 'to. Panira e! Hay nako talaga kung hindi siya ang imprinted sa akin, lalayuan ko talaga 'tong poison na 'to. Eiw! Poison! Yeah, tama kayo sa mga iniisip niyo. Kapag dumating sa edad na 16 pataas ang isang lalaking wolf, kusang mararamdaman nila na mayroong nakatakda sa kanila. At ang lalaking werewolf ang mag-imprint sa babaeng werewolf. Kusa 'yon hindi maaring pigilan. E kaso bading na wolfie ang lola niyo. Paano ako? Hay! Sa totoo lang nakaisip na ako ng paraan kapag kinasal na kami ni Leila. Ang naisip ko, ipapakain ko sa siya friendship kong bampira na paminta rin. No choice e, ang hirap ng sitwasiyon ng lola niyo. Hindi ko talaga ito keri. Hindi alam ni Leila na isa akong paminta. Napabahing ako, oh 'di ba amoy na amoy niyo rin 'no? Pero ang hindi ko talaga matiis sa lahat ay hetong si Leila Martinez. Poison talaga! "Ano?" Kunot-noong tanong ko sa kanya. At pinagtaasan ko siya ng boses. "Ang sungit naman! Hindi ba puwedeng nandito ako kasi na- miss ko ang boyfie ko?" Sabi sa akin ni poison, ay este ni, Leila. Gusto kong masuka! Boyfie raw. Eiw! Kaderder! I clear my throat before speaking. Ngumiti ako ng mapakla sa kanya. "Malalate ka na, pasok ka na sa klase mo." "Ayaw ko gusto ko sabay tayo." Palambing niyang sinabi. 'Nak ka ng mga chararat! Sarap sabunutan nitong babaeng 'to. Para pang octopus na pinalibot niya sa braso ko ang kamay niya. "Dali na sabay na tayong pumasok." Pagpupumilit niya. "Aruy... Ang sweet niyo talaga!" Isang bading na boses ang bumati sa amin ni Leila. Siya si George the bading wolf. Pero inggit ako sa kanya kasi siya nakapagladlad, ako hindi puwede. Ikaw ba naman kasi ang magiging leader ng susunod na Clan. Nakakalurkey 'di ba? Frustrated nang bongga ang lola niyo. Isang malalim na hininga ang pinakita ko sa kanila. Hinarap ko si Leila at inayos ang sumaboy na buhok niya sa mukha at inilagay sa kanyang tainga. Saka ako nagsalita. "Tayo na, pumasok na nga tayo" "Nako! Ang chi- cheesy niyo!" Umaktong naduduwal si baklang George. Sarap kutusan nitong baklang ito. Kung hindi ko lang ito kalahi sa kabaklaan, matagal ko na itong pinatay sa sakal. Hindi ko na lang siya pinansin at sabay- sabay na kaming pumasok. Goodbye to my secret fafa wolfie na nagpuputukan ang mga muscles at six packs. Matagal nang El niño ang lola niyo. Ang mundo namin ay binubuo ng mga highly territorials na mga wolf pack. Iba't ibang wolf clan man ang aming pinagmulan, ngunit iisa lang ang hangad namin, ang masungkit ang Golden Tail Cup trophy. Sumisimbolo kasi ito ng kapangyarihan. Big deal itong sa amin heto lang kasi ang season na nakikita mo ang ibang mga clan at puwedeng isantabi muna ang mga dahas at lumaban ng patas. Maganda talaga ito, this has been running for decades now. Pinasimulan ito ng mga elders namin at sila ang tinawag na White Crescent dahil para na rin matigil ang giyera sa pagitan ng mga ibang pack. Dahil alam mo naman kaming mga taong-lobo mahihilig sa kumpetisyon at tagisan ng mga lakas. Kaya minsan may mga hindi pagkakaunawaan. Ito ang ginawa nilang solusyon para may pansamantalang truce, pagkatapos nito galit- galit na ulit. Hay! This is what we are... We have this thing called tadhana... Charot! 'Wolf pride.' Malaki ang clan na pinagmulan ko, ang Bernabe. Nariyan ang tatay kong Alpha ng Blood Moon's pack na si Menard Bernabe. Ang aking ina na si Paula. Pati ang aking mga pinsan. Tatlo kasing magkakapatid sila papa, nariyan si Uncle Steven at Auntie Jade. Nasa iisa lang kaming malaking bahay at sama-sama. Sa totoo lang, disaster lalo na't may maliliit pa akong pinsan na ubod nang kulit at ang harot. Alam mo naman kapag mga tuta pa makukulit talaga. Dito sa aming village ang Bernabe clan ay pinuno lagi ng Blood Moon Pack. Mula pa sa kanununuhang lobong lolo ko kami ang laging tinatalaga na Alpha ng pack na ito. Bago pa ako manilip sa mga fafa wolfie na naliligo. Inutusan ako ni Mama na mag- rounds sa parameter ng aming sinasakupan bago pumasok sa school. Kailangan namin gampanan ang mga responsibilidad namin, para na rin sa mga kaligtasan ng Blood Moon's pack na naninirahan sa maliit na bayan na 'to na tinatawag na Iris City. Kagubatan ang nakapalibot sa maliit na bayan na ito ng mga tao. Oo sa mundong ginagalawan namin, nasa mundo kami ng tao at nag-aaral din kami sa school nila. Walang nakaaalam na may mga wolf pack sa paligid ng bayang ito. Matagal na kami rito nakatira simula pa sa mga ninuno ko bago pa sakupin ng mga Español ang Pilipinas narito na sila. Kaya kong itago aking scents para hindi ako maamoy ng mga kapwa kong wolf. Ito ang aking kakahayan. Sa mga uri namin, bihira lang daw ang may ganitong kakayanan kadalasan daw nagiging Elder ang mga katulad ko na may ganito. Kaso ayaw kong maging Elder hindi ka malaya, hindi mo magagawa ang gusto mo. Buong buhay mo ikukulong ka sa madilim at maliit na apat na sulok ng kuwarto. Biro lang! Basta, wititit na bet ng lola nyis ang pagiging bayot na lider ng buong clan ng mga werewolves. Chaka! Nag- enjoy ako sa kakayanan ko. Kaya kong itago ang amoy ko at manipulahin na ibang hayop ako sa paligid para makapagmanman kaya ko rin mag amoy tao. Ginagamit nila ako para mag spiya sa kabilang pack pero paminsan lang ako pinapadala sa mga ganoon misyon, siyempre mahal ako ng magulang ko ayaw nila akong mapatay. Chaka naman kung patay agad ang bida niyo 'di bers? Ginagamit ko ang aking kakayanan sa aking kalokohan, ang paninilip. Ang saya! Ang sarap kahit nasa malayo ka kitang-kita mo na ang mga nag gagandahang mga katawan ng mga patrols din ng Blood Moon's Pack. Kaso nga dumating itong si poison at ang chaka niyang friend na bading na si George. Super inggit naman ang lola mo kasi siya legal sa kanila ang pagiging shuding. Sabay-sabay na kaming pumasok sa school. Nag-aaral din naman kami siya nga pala mga professional ang magulang ko, si Papa isa siyang Pulis at siya ay nagtatrabaho sa Iris City Police Department bukod sa pagiging Alpha niya sa pack namin. Si Mama naman ay isang duktor at nasa city hospital siya. College na ako at susunod rin sana sa nanay ko na pagiging duktor, pero kinuha ko ay Veterinary. Duktor pa rin naman siya kaso ng mga hayop nga lang. Sa Iris City State University ako nag-aaral. Sobrang laki ng unibersidad na ito, Masasabi ko na maswuerte kami dahil bihira lang sa amin ang nakakapag-aral sa College, kadalasan kasi sa amin, kapag naging adult wolf ka na, you will be trained to become a real werewolf of the pack. Maraming training ang iyong pagdadaanan kaya magiging malaki at maganda talaga ang katawan mo. Hindi naman kalakihan ang katawan ko pero masasabi ko na toned din naman ang muscels ko. Malupit at napakahirap din kaya ang pinagdaanan kong training mula sa kamay ng aking ama. Haggardouz ang peg ng lola niyo noong panahon na 'yon. Wala pa sa kalingkingan ng military training ang pinagdaanan ko. Dugo, pawis, laman, apdo, balunbalunan at iba pa ang nilabas ko. Joke! Basta mahirap maging isang taong- lobo, lalo na't bading ka at hindi mo maamin. Kaya idinadaan ko na lang sa biro. Minsan hinahamon ko si Leila ng marathon kapag nag-form na kami na mga lobo para pampawala lang ng stress. Pinauna ko na sina George at Leila sa mga klase nila dahil may papa-photocopy lang ako sa may library. Nang makapasok ako sa library, wala 'yong staff sa photocopier. Kaya naman naghintay muna ako ng ilang minuto. Nagmasid muna ako sa paligid, amoy na amoy ko naman ang bawat scents ng mga tao na nasa loob ng library at dinig ko ang mga mahihinang bulungan nila. Tungkol sa crush nila, teachers at kung anu- ano pang tsismis. Nang mahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na nagbabasa ng libro, napukaw nito ang atensiyon ko. Kakaiba siya! Ibang- iba! I have a feeling that he's one of us. Pero base sa amoy niya siya ay nabibilang sa ibang pack. Iba! Kailangan ko bang mataranta? Bihira lang talaga ang mga werewolves na nag-aaral unless they are the next Alpha of their pack. Mahalaga kasi sa aming mga werewolves na manatili at ibigay ang huling hininga para sa Alpha mo at sa buong pack. Pero kung ikaw ang susunod na Alpha, kailangan mong maging literate. May mga school naman kaming mga werewolves sa pusod ng gubat kung nasaan karamihan sa amin ay doon nakatira. Ngunit hanggang high school lang doon at kapag dating mo ng high school mga pakikipaglaban ang aaralin mo at palakasin ang iyong katawan para sa pakikipaglaban. Bumilis ang t***k ng puso ko. Hindi ko siya inaasahan. Pero sa tingin ko mabait siya. Pinanatili kong tago pa rin ang aking amoy at manipulahin ang amoy ko na ito'y isang tao. Pero amoy na amoy ko siya na isa rin siyang werewolf. Dahil focus ako sa kanya, nawala sa aking wari na nariyan na pala ang attendant ng photocopier. "Sir, magpapa- photocopy ka po? Bumalik ako sa realidad dahil sa boses ng babae. "Ah oo." Matipid kong sagot inabot ko ang libro sa kanya na may marka na ng ipapakopya ko at bumaling muli ang tingin sa lalaki. Nakatingin pa rin ako sa kanya. Sabay naman siyang tumingin sa akin. Oh gwad! I suddenly felt blazing hot on my face. Ang guwapo niyang lalaki. Butterscotch hair, matangos ang ilong, fair skin without blemishes at damn! Kahit sa malayo, kitang-kita ko ang kanyang pale charcoal eyes at mahahabang pilik mata. I need to know his name! Ang guwapo talaga. "Sir, 50 pesos po lahat." Napatingin ako sa attendant. Pero lumihis muli ang tingin sa kanya pero wala na ang lalaking guwapo doon sa lamesa kung nasaaan siya. Hinahanap ko siya sa paligid ngunit hindi ko siya makita. Ang aking kamay ay nasa akin bulsa para dumukot ng perang pambayad. "Miss pa photocopy nga rin." Isang unfamiliar voice ang ang aking narinig. Paglingon ko, si fafa! Ay este si new guy. Kinabahan ako bigla. Ano bang nangyayari sa 'yo Malcolm? Bakit bigla ka na lang natameme na parang isang tuta? Nginitian niya ako. Woah! Ang guwapo niya talaga may dimples siya. Hindi ko siya pinansin, siyempre masungit epek muna. Dalagang Pilipina e. Inabot ko sa attendant 'yong bayad. Nagtama muli ang mga mata namin at nginitian niya ako muli. Ang awkward, hindi naman dapat ganito. Mga lalaki kami, at higit sa lahat mga werewolves kami. Hindi dapat ganito. Mali itey! Naamoy niya kaya ako na isa rin akong taong-lobo? Hindi pu-puwede this is one of my skills. Hindi puwedeng mahalata niya isa akong werewolf. "Hi I'm Zidane Brooksmere, you can call me Zid." Inilahad niya ang kamay niya. Inabot ko naman ito, "Malcolm Bernabe. Malc na lang." Pakilala ko. Natural lang ang mga kilos ko. Baka kasi malaman niya na isa akong werewolf. "Oh! Bernabe Clan." Nagulat ako nang magsalita siya sa isipan ko. What the heck! Paano niya na-invade ang isipan ko? I just stare at him and look straight to his pale charcoal eyes. "It's nice to meet you." Sabi ko with a friendly tone of voice. Baka kasi mahalata kami ng mga tao. "What did you mean by that?" I replied. And give him an inquiring look. Binulungan niya ako. "Follow me." Agad akong sumunod sa kanya. Kinuha ko ang mga pinakopya ko. Narinig ko naman ang attendant na nagsalita nang papalayo na kami. "Gaydar alert!" Then she rolled her eyes. Nagpunta kami ni Zid sa may gubat malapit sa school. Nako, first meeting pa lang date na agad. Ang cool naman nito. Natutuwa ako sa nangyayari. "Mayroon pa akong pasok." Sabi ko. Para hindi halata na gusto ko ang nangyayari. "My name is Zidane Brooksmere. And I am from Nightshade Pack. I will be the next Alpha of that pack." Pagpapakilala niya. Napaatras ako ng bahgya, dahil ang mga Nightshade ay mga malulupit na pack at higit sa lahat, sila ang aming… Rival pack.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD