MALCOLM’S POV
HINDI ko ine-expect ang ganito. Isa siyang Nightshade. Oh my gulay! Ang Nightshade pack ay ang aming pack rivalry ilang dekada nang may alitan sa amin dahil sa mga territories. Pero bakit hindi ko naman siya nababalitaan? I mean ang pangalan niya ay hindi naman matunog.
Nasa gitna kami ngayon ng kakahuyan. Hindi na gaanong nasisilayan ng araw ang parte ng gubat na pinuntahan namin kaya naman medyo malamig na. Nasa likuran niya ako. Kita ko ang kanyang napakaputi at magandang batok. Hindi pa rin ako makapagsalita sa aking narinig mula sa kanya. Para bang naputol na ang dila ko. Ano bang nangyayari sa akin? Hindi ko maintindihan ang nangyayari sa akin? Hindi ako ganito actually, sa loob ko oo malambot ako pero pagnakita mo ako sa personal hindi mo mahahalata na isa akong shuding na werewolf. Makikitaan mo ako na lalaking- lalaki talaga.
"Malc, mag-bonding tayo paminsan." Humarap siya sa akin, and flashes his beautiful smile.
"Uhm..." Wala akong masabi! He's inviting me on a date. Wth! I just stare on those pair pale charcoal eyes of his. Ayaw ko mag- assume. Ayaw ko masaktan.
Humalakhak siya. Wow ang cute niyang tumawa. Lahat yata guwapo sa kanya. Bakit ganoon? Straight werewolf ka pa? Hindi ako pumapatol talaga sa straight. Sayang. Napangiwi ako nang humalakhak siya. Ang tanong ano'ng nakatatawa?
"Bakit gulat ka riyan?" tanong niya.
"Kasi ano..." I clear my throat. "Ano kasi... Magkalaban ang ating mga pack."
"Ano naman? Hindi dahil magkalaban ang ating pack, hindi na tayo puwedeng maging friends. Parehas tayo ng school na pinapasukan. At napansin ko rin, Medicine din ang course mo." Nginitian niya nanaman ako pagkatapos niyang sabihin iyon. Ang ganda talaga ng mga ngiti niya ang lalim ng mga dimples. Natuwa naman ako sa sinabi niya. Pero alam kong mali ito. Kapag nalaman ito ni Father-earth nako po baka giyera ito!
"Med?" I inquired.
"Yeah! 3rd year."
"Oh, ahead ka pala sa akin. At hindi Medicine ang course ko Veterinary," sabi ko.
"Good, kung kailangan mo ng tulong sa subject na parehas sa akin, puwede mo akong lapitan. I’ll be your tutor. It will be great, right?" Sabi niya sa akin sabay kinindatan niya ako. At nginitian muli.
Walang hiya! This is really awkward! Ano bang nangyayari sa 'yo Malcolm Bernabe? Magsalita ka nga riyan! Ayaw kong ipakita na kinikilig ako sa kanya. Hindi na ako mapakali pero pinatili kong kalmado ang puso ko, alam mo naman kaming mga werewolves matatalas ang pandinig namin. Kaya heart, kalma ka lang diyan okay?
"Can I ask you a question?" Tanong ko sa kanya. Hindi ko naman inasahan ang ginawa niyang sunod.
Hinawakan niya ang aking mga labi.
"Shh... Save it in our next meeting." Ang mga mata niya ang nakatingin sa mga mata ko at halos ikanginig ng mga tuhod ko ang ginawa niya. Lumakad na siya at ako ay parang nasimento na ang mga paa sa aking kinatatayuan. Sabi ko, heart kumalma ka pero parang isa na itong halimaw sa loob ng aking dibdib at hayuk na hayuk makawala at lapain si Zid.
"Bye Malc. It's so nice meeting you." Sigaw niya habang papalayo.
Nang makalayo na siya, hinawakan ko ang dibdib ko, sa totoo lang hindi ko kinaya ang mga pangyayari. Doon pa lang sa ginawa niya nanikip na ang aking mga dibdib paano pa kaya ang magkita muli kami?
Napangiti ako sa aking sarili at pumasok muli sa aking isipan na magkikita kami muli ni Zid. Naiiyak ako sa tuwa. Kanina lang naninilip ako at ngayon lang may nag-imbita na sa akin makipag-date. Ang suwerte ko.
Bumalik ako sa school ng may ngiti sa mga labi. Pero paano kung malaman niya na may naimprint na akong she-wolf na si Leila? Magbago kaya ang tingin niya sa akin? Sa totoo lang kahit na unang kita ko pa lang sa kanya nagustuhan ko na siya. Ewan ko, there's something deeper than this, I think I'm in-love!
I never felt this thing before. Oo, madalas akong ma-attract sa kapwa kong lalaki at hinahangaan ko sila pero 'yong kay Zid, kakaiba talaga. Parang kami talaga ang nakatakda sa isa’t- isa.
Natapos na ang klase ko. Pagkalabas na pagkalabas ko mabilis na kumapit nanaman sa akin na parang octopus si Leila. "I miss you!" At nag-pabebe, nagpa-cute pa sa akin. Hay! Maganda si Leila. Sexy, ang human form niya, fair skin, matangos ang ilong, magaganda ang mga mata mukha siyang Pilipino na may lahing Amerikana. Kung puwede nga lang kami makihalubilo talaga sa mga tao, matagal niyo na siyang nakikita sa T.V. at umaatte. Kaso naman hindi girls ang trip ko. Kaya wa-epek sa akin ang mukhang artistahin.
Napansin naman ni Leila na ni- ignore ko lang siya at nagpatuloy pa rin maglakad.
"Ba't ba ang sungit mo?" Tanong niya na may pagtataas ng boses.
"Kasi..." Hindi ko natuloy ang sasabihin ko dahil nakita ko si Zidane. Sa pag- ignore ko kay Leila, napadpad na kami sa labas sa may parking lot. Sakay si Zidane ng kanyang Harley Davidson Rocker motorbike at kulay blue ito. Ang cool talaga niya. He flashes a smile to me before wearing his black helmet. I cursed under my breath when I saw that last look. Saka niya binuhay ang motor niya at humarurot ito na dumaan sa aming harapan. Sinundan ko ito ng tingin.
Now, this is getting interesting.
Lumukot naman ang mukha ko noong tumingin muli ako kay Leila nang pilit niya akong kinukulit. At hinahablot - hablot ang manggas ko kasi pilit niyang kinukuha ang atension ko.
"Huy! Huy.... Malc!"
Kinamot ko naman ang ulo ko sa inis. "Ano?"
"Bakit mo ba ako binabaliwala?" Nakita kong may tumulong luha kay Leila. Hindi naman ako ganoong kasama, kasama ko siya sa Pack at kami ang nakatakda, siyempre naaawa rin ako sa kapwa ko. Kaso langya! Bakla ako! Ano ba? Hindi mo ba naamoy iyon?
I heaved a deep breath. "Leila, let's go home. Okay?" Hinaplos ko ang kanyang buhok. Binigyan naman niya ako ng magandang niyang mga ngiti.
Magiging magaling na she-wolf mate si Leila sa tunay na lalaking wolf sana. Responsable pa, kaso lang napunta siya sa akin na isang bakla kaya ano pa'ng aasahan niya?
Naging mga lobo kami noong nasa gubat na kami at tumakbo kami nang mabilis ni Leila papunta sa lugar namin. Malalaki ang aking mga paws at kada bagsak nito sa lupa ay nag iiwan ng mga bakas. Kulay chesnut bown ang kulay ng balahibo ko, samantalang si Leila ay kakulay ng luya ang kanyang balahibo.
Sa pusod ng gubat makikita mo na ang isang arko na may logo ng kulay pulang buwan. At may mga ancient markings na nakasulat dito. Dumaan kami sa arko at dumaan sa matarik na daanan nagpa- zigzag ako ng takbo para makaakyat sa matarik na daanan na iyon.
Nang makaakyat kaming pareho ng walang kahirap-hirap, dinaanan naman namin ang isang kuweba na may mga tree vines na nakatakip dito. Ilang minuto lang na pagtawid dito, naroon na ang aming komunidad. Malayo sa mga tao para hindi kami mapatay. At masugod ng mga masasamang loob.
Parang subdivision ito. Kami lang ang may pinakamalaking bahay dahil malaki ang pamilya namin. Siguro ang population namin sa komunidad namin ay wala pa kaming isang libo. Naghiwalay na kami ni Leila at umuwi na sa mga bahay namin.
Marami napatay dati sa aming mga lahi noong may nangyaring blood war sa pagitan ng mga ibang pack. Kaya kakaunti na lamang ang aming population.
Hindi pa ako napapanganak ng panahon na 'yon naikuwento lang sa akin. May konting alam naman ako sa history ng tungkol sa pack namin pero hindi pa 'yon sapat. Sa totoo lang natatamad akong aralin ang tungkol doon. Mas gusto kong magpinta. Magpinta ng kung ano'ng makita ko na magaganda sa paligid ko.
"Saan ka na Malcolm!" Nako tawag nanaman ako ni Aling Paula. Joke! Nanay ko pala. Nagmadali naman akong pumunta kung nasaan siya pagkatapos kong magdamit. Hubu't hubad ako nang makarating ng bahay at nag human form muli.
"Ano 'yon, Ma?" Tanong ko. Halatang kanina pa siyang nagluluto. Ang nanay ko ay parang nasa mid 20's lang. Sexy na she-wolf. Naka bun na ipit ngayon ang mahabang brunette na buhok niya, naka light blue spaghetti strap at naka dark leggings. Kitang-kita mo ang mga tattoo niya sa magkabilang braso na mga ancient markings tattoo ng tribe namin. Buong braso niya hanggang sa may likurang palad ay may tattoo siya. Kapag lumalabas ang nanay ko at nagppupunta sa human world nawawala ang mga tattoo niya. Ang mga tattoo ng nanay ay may kapangyarihang taglay. Galing siya sa kabilang pack na tinatawag na Eclipse ang aming kakampi na mga pack. Sila ay mga healers sa side ng nanay ko karamihan sila ay mga duktor. Nawiwirduhan ako sa totoo lang, sa mga kamag-anak ko sa side ng nanay ko.
"Pumunta ka sa bayan, bumili ka ng mga kakailanganin natin. Heto ang listahan."
"Mama kakarating ko lang." Reklamo ko.
Tiningnan ako ng masama ng nanay ko at inabot sa akin ang listahan.
"Move!" Mariing utos niya.
"Sige na Malcolm, sundin mo na ang Mama mo. Kailangan ng mga pinsan mong tuta pa na magpalaki at kumain." Sabi ni Auntie Jade.
Lumabas na ako. Nakiinis lang! Anak kasi nang anak! Ngayon pa may bagong baby nanaman sa bahay dahil buntis ang asawa ng pinsan ko na si Clyde. Buntis ang asawa niyang si Bethel. Actually, madaming buntis ngayon sa clan namin. Nariyan si ate Bethel na manganganak na yata, si Kareen ang pinsan ko na anak naman ni Uncle Steve at si Chona na anak din si Uncle Steve.
Ang laki ng pamilya ko at ang dami pang tuta. Kapag nanganganak ang mga werewolves unang labas ay human form sila, after a month magiging mga tuta na sila hanggang sa maging 10 month old sila saka lang sila makakapagpalit ng anyong tao muli. At magiging parehas na sa tao kung ilang taon na sila. 10 years old. Doon na sila tuturuan magsalita. Kaya may ibang mga lone werewolf na hindi na aruga ng ibang pack ay hindi marunong magsalita kapag human form sila. Pero bihira na lang ito kasi kailangan ng ibang packs ng madaming werewolves para palakasin ang puwersa nila sa Golden Tail Cup at syempre para rin protektahan ang mga territories nila.
Paglabas ko, naroon si Selene nakaupo sa swing at malungkot. Anak siya ni Auntie Jade. She's on her early teen-wolf. She has thick dark long wavy hair.
"Selene? Ano'ng problema mo?"
"Kuya, kasi binu-bully po kasi ako ng mga kaklase ko."
"Sino?"
"Sila Jason at Alex Jang."
"Sige kakausapin ko sila."
"Okay po." Isang matipid na ngiti ang binigay sa akin. Ni Selene at umalis na ito para puntahan ang mga pinsan at pamangkin niyang tuta.
Sumakay na ako sa car namin na Ford F-350 na kulay black. Marami kasing supplies ang dapat bilhin. Para sa mga tuta namin at sa mga pinsan at pamangkin ko.
Fifteen kaming adult werewolves sa bahay kasama na ako roon. Ang iba ko kasi nasa patrol pati asawa ng mga pinsan kong si Kareen at Chona sa amin rin nakatira.
Mayroon naman daanan ng sasakyan sa front gate ng subdivision namin. Kaya pinaharurot ko na ang sasakyan ko at pinatugtog ang music na 'Shut up and Dance by Walk the Moon'. Dumaan ako sa isang daan na parang bituka ng manok dahil nasa bundok ang aming village.
Nanalangin ako sa bathala ng mga wolfie na sana magkita muli kami ni Zid. Sobrang na miss ko na kaagad siya. Sumasabay ako sa saliw ng pinapatugtog ko at pinipitik ang mga daliri ko sa may manebela ng sasakyan. Ngayon ko lang na appreciate ang kanta, siguro’y in love?
Nakarating ako ng market dito sa Iris City. Pag-park ko ng kotse, napansin ko ang bike ni Zid. Tama bike niya nga 'yon. Huminga ako ng malalim para langhapin ang sariwang hangin sa paligid at sinubukan ko na rin amuyin kung nasa paligid siya. Ngunit bakit ganoon? Hindi ko maamoy ang scent niya? Nakakapagtago rin ba ng scent?
Bumababa na ako ng sasakyan at pumasok sa grocery store. Kinuha ko ang cart at tiningnan ang listahan. Napakamot nanaman ako ng ulo ko dahil ang dami kong bibilhin. Nagpunta na ako sa meat section. Namili na ako ng mga sariwang karne ng manok, baboy at baka. Nilagay ko na sila sa cart. Mahaba ang listahan ni Aling Paula para ba itong magtatayo ng sari-sari store at halos hindi na maitulak ang cart ko kung simpleng tao ka lang dahil sa sobrang puno na ito. Pero syempre iba ang lakas naming mga werewolf. Sisiw lang sa akin ito. Pang one week supplies ang binili ko para hindi na rin kami humahabilo sa mga tao. Para na rin sa kaligtasan namin at ng komunidad namin.
Marami pa rin kasing mga mortal ang naniniwala sa mga taong-lobo na katulad namin. Lalo na ang mga Caballero Hunters. Not in good terms kami kahit sa ibang packs. Mortal enemy namin ang mga ninuno nila. Nakita ko pa ang isang billboard na naroon si Crisanto Caballero ang Mayor ng Iris City. Ang Caballero Clan ang nag- hunt sa amin ng marami nang taon. Kahit sa mga ninuno pa namin kami talaga ang magkalaban. Ewan ko ba kung bakit dito pa rin pinili ng pamilya ko sa City nito manirahan pugad naman ito ng mga wolf hunters. At ang parents ko pa ay nagtatrabaho sa bayan bilang pulis at duktor. Pero may kasabihan naman keep your friends close and keep your enemies closer.
Dahil sa abala akong basahin pa ang listahan ng nanay ko, hindi ko napansin na may nakabanggaan akong cart. Pagtingin ko, si Zidane Brooksmere. Hindi ko nanaman alam kung ano'ng nangyayari sa puso ko. Nagwawala nanaman ito sa loob ng aking dibdib. Pero syempre kaya ko pakalmahin ang t***k ng puso ko.
"Oh, hi Malc! Supplies too?" He asked.
Tumango lang ako. At binigyan niya nanaman ako ng kanyang nakatutunaw na ngiti.
"Magbabayad ka na ba?"
"Oo." Sagot ko.
"Great! Sabay na tayo. Let's drink sa parking lot after this." Pinakita niya ang binili niyang beer.
"Okay."
Nauna akong magbayad dahil napakarami sa aking ipinabili, mabilis ko naman itong naisakay sa likuran ng pick up. Perks of being a werewolf. Malakas at maliksi kang kumilos.
Dalawang bag lang ang pinamili ni Zid. Gaya nga ng sinabi niya, pagsasaluhan namin ang binili niyang beer.
Gamit ang kanyang kuko binuksan niya ang bottle cap beer ng walang kahirap- hirap. Another perks of being a werewolf. Ibinigay niya ang binuksan niyang beer at nagbukas muli ng sa kanya naman. Ang sweet niya!
"Oh? Ano pang hinihintay mo? Hindi ka ba umiinom ng beer?"
"Umiinom!" Sabay kong nilagok ang beer. Ang mapaklang- maasim nito ay lasang-lasa ko hagod na hagod pa ito hanggang lalamunan. Bumusangot pa ang mukha ko sa lasang hindi ko mawari.
Tinawanan ako ni Zid. "First time mo bang uminom ng beer?"
"Hindi. Madalas kaming mag-inuman ng mga pinsan ko sa bahay."
"Ayon naman pala e." Sabay lumagok ito muli ng beer. At nagpatuloy siyang magsalita. "I didn't expect to see you here."
"Maliit lang ang bayan na 'to. Magkikita talaga tayo. Ikaw bakit ngayon lang kita nakita rito?" Tanong ko.
"Kakarating ko lang galing States."
"Oh kaya pala amoy America ka." Biro ko.
Sabay kaming humalakhak.
"Nakakatawa ka. Ang cute mo." He said. Naging awkward ako. A guy saying to another guy you're cute? Oh c'mon!
"Hindi mo pa rin ba halata?" Tanong niya.
"Na ano?"
"That I'm a gay." Pag-amin niya.
What the! Seryoso Zid? O Joke? Nako po! Kung totoo... Thank you talaga bathala ng mga wolfie pinakinggan niyo panalangin ko. Halos umapaw ang kaligayahan sa puso ko. At the same time, hindi rin makapaniwala. Yes, he’s my type of guy. Gustong- gusto ko talaga siya. He is so interesting in my eyes. Ang panalangin ko lang ngayon, sana the feeling is mutual as well. Ang kaso, kapag sumasagi sa isipan ko na rival pack kami nawawala ng bahagya ang nararamdaman ko sa kanya. Naguguluhan ako kung ano ang uunahin? This guy that I really find interesting or the pack? This situation is really frustrating.
Ngayon pa lang, hati na ang damdamin ko. Hindi ko malaman ngayon kung ano ang kahihinatnan nitong pagkakaroon ko ng gusto sa kanya. At lalo ko pa siyang hinangaan dahil sa lakas- loob niyang pag- amin na isa siyang gay. Samantala ako, hindi ko ito maamin kahit kinino maging sa kanya.