Chapter 3: Mating Season

3494 Words
MALCOLM’S POV HALOS mabitiwan ko ang bote ng beer ko sa narinig ko galing kay Zid. Nanatili akong tahimik at nakikinig lang sa kanya. "Noong nasa America ako, naisip ko maikli lang ang buhay. Although we're not mortals, hindi iyon ang dahilan para sayangin mo ang buhay mo. 'Di ba?" Umupo siya sa kanyang motorbike at tinukod niya ang kanyang dalawang palad sa upuan ng motorsiklo nang nakatalikod dito at tumingin sa itaas. Nilanghap niya ang sariwang hangin sa paligid. "Gusto kitang makilala ng lubusan, Malc." Pagpapatuloy niya habang nakatingin siya sa itaas ng bughaw na kalangitan. Ang guwapo niya pa rin kahit saan mong anggolong tingnan at hanga talaga ako sa kanya sa tibay ng loob niya. Naging lone wolf siya noong nasa America siya at malayo sa kanyang pack. I kept myself cool. "Magkikita pa rin tayo." Sabi ko sabay inubos ang last bottle of beer ko. Tig tatlong bote rin kami. Nagkuwentuhan kami tungkol sa pagtira niya sa America. May mga werewolves din doon at ang mga pangalan ng mga pack na naroon nakatutuwa. Mala Twilight nga ang mga kuwento ng mga bading niyang friend na werewolf sa America. Naaaliw ako sa mga kuwento niya. Napagkuwentuhan din namin kung bakit ang tatas niya mag Tagalog kahit na laking America siya. Sabi niya naman, may canines din sila na nakatira roon na Pinoy. Nag- migrate sila roon para sa business at ang iba ay nagtatago dahil may atraso sa mga bampira. Pero kung ako ang tatanungin, ayaw ko magpunta sa ibang bansa para manirahan o dahil nagtatago. Haharapin ko kung ano man ang problema dito. At isa pa masaya ako dito sa Pinas ngayon nandirito na ang aking love of my life. Kung werewolf form siguro ako kanina pa ako naglalaway kay Zid. "Sunod, gusto ko pag-usapan ang tungkol sa 'yo naman." Sabi niya sa akin. Natigilan ako roon. "Ba... Bakit ako?" tanong ko. "Madaya ka!" He pinch my nose softly. "Ouch!" "Mahina lang 'yon. Ang arte mo," sabi niya. Napangiti naman ako. Pinipigilan ko ang sarili ko gusto ko siyang harutin kaso hindi pa naman kami. Nakakahiya naman. Nagtanong muli ako. "Siya nga pala, sasali ka ba sa Golden Tail Cup?" "Siyempre. At kapag nagkalaban tayo, let's play fair and square. All righty?" "Aye, aye!" sumaludo ako. "Hindi ganyan ang pagsang-ayon ng mga wolves, remember?" "Huh?" Sabay niya akong sinikmuraan. Binuhat niya ako at hinagis sa may gubat lumipad ako na mga sampung metro ang layo at natigil lang ang katawan ko nang bumangga ang katawan ko sa may malaking puno ng acacia. Hindi ko naman ininda ang sakit. Baliwala ito sa akin. Nang tumayo ako nakita ko si Zid na nag-transform siyang isang lobo sa harapan ko. Sabay niya akong sinunggaban at nilapat muli ang katawan ko sa katawan ng puno. Hindi ako nagpasindak sa kanyang ginawa. Tuloy pa rin ang kanyang pag- angil sa akin at tinitingnan niya ako mata sa mata. I can see closely his pale charcoal eyes and it's beautiful and perfectly matches his soft and white as snow fur. I never saw anyone who has a fur with pure as snow like his. I'm so astonished. "Zid..." Tinawag ko ang pangalan niya at tumigil siya sa pag-angil. Kinausap niya ako gamit ang isipan niya. "I want to see you again, Malcolm Bernabe?" Sabay siyang nagpalit muli sa pagiging tao. At binulungan niya ako, and I can still smell the aroma of the beer from his mouth. Nabasa pa ang itaas ng tainga ko. "Can I see you again?" Then our eyes meet at parang tumigil ang oras. Hindi ko maintindihan, naguguluhan ako. Puso ba o ang pack? What the heck is going on? Hindi ako mapakali. Kakikilala ko pa lang sa kanya at pack rivalry pa namin ang nilalang na na-aattract ako. Wait? Attraction nga ba ito? Pero parang telenovela ang aming storya. Mala Romeo at Juliet. Nakalulungkot lang. Mahabaging langit! Siya'y hubu't hubad tumalikod siya at nakita ko ang kanyang likurang bulto at ang bilugan at matambok niyang puwet. Sumukot siya ng upo para bumwelo at tumalon siya ng napakataas at lumanding siya sa itaas ng puno. Gusto ko siyang sundan, ngunit nahihiya ako baka isipin pa niya na sabik ako sa kanya. Pero toto naman. Nagsalita nanaman siya sa isipan ko. "Bukas pagtapos ng mga klase natin, let's see each other again." Bihira lang sa mga taong-lobo ang nakakapag invade sa isipan lalo na kapag human form ito. Isa nga siyang Alpha malakas at isa yata 'yon sa mga skills niya. Iniwan niya na akong mag- isa sa gitna ng kagubatan, ang kabog ng dibdib ko ay napakalakas pa rin. Sa likod ng isipan ko; langya ang ganda ng katawan niya! Ang yummy niya! Kinikilig talaga ako! Hinawakan ko naman ang aking mukha at ang init nito. Gusto kong sumigaw, umalulong ng malakas at sabay mo na rin ang pag- tumbling. Grabe! Sumakay na ako ng kotse at pinaharurot ko na ito. Habang nasa highway, naiisip ko si Zid and he's flirting with me. Hindi mawala ang ngiti sa aking mga labi at nakita ko pa ang sarili ko sa may rear view mirror ng kotse; ang ganda ng lola niyo! Nakarating ako sa village namin sa may gate nagkukumpulan ang mga fafa! Ay este mga patrols namin. Mukha yatang may meeting sila. Pero bakit sa may gate ng subdivision? Ano'ng meron? Nang makarating ako sa bahay, ibinaba ko na agad ang pinabili sa akin at inilagay ito sa storage house. Lahat ng mga kailangan namin ay naririto lahat. Mayroon din ditong walk-in refrigerator. Nang matapos ako, pumasok na agad ako ng bahay at sinalubong ako ng mga tuta. Sila Paige at Bruce na 5 month old wolf pups anak sila nila kuya Clyde at ate Bethel, nariyan ang kambal kong pinsan na 7 month old na sina Sam at Sander anak ni Auntie Jade, at ang panganay na anak ng pinsan ko na si Chona at ang asawa niyang si Zoren na si Zoe 1 month old pa lang siya at siya ang pinakamalambing na pamangkin ko. Kinuha ko ang tuta na si Zoe. "Hi Zoe!" Pinanggigilan ko ito at nilaro. Nilapit ko siya sa mukha ko at dinila-dilaan niya naman ang aking pinsngi. Ang ibang mga tuta naman ay nagkukumahog sa ibaba at nakikiusap na kargahin ko rin sila. Kumahol pa ang makulit na si Bruce na hinihila ang ibaba ng pants ko gamit ang mga ngipin niya. Sinaway ko siya. "Bruce!" Sigaw ko at ipiniksi ko ang binti ko. Nagpakitang gilas naman sa akin si Paige, inikot niya ang katawan niya sa sahig. Napangiti naman ako. Napansin ko naman na si Sander bumalik sa kanilang play pen at nakababa ang buntot nito. "Sander?" Tawag ko. Karga-karga ko pa rin si Zoe at pumunta ako sa gawi niya. "Ano'ng problema Sander?" Kunot-noong tanong ko at hinimas ko ang mala kahel niyang balahibo. Nang mapunta ang daliri ko sa kanyang bibig, dinila-dilaan niya ito. Naramdaman ko na mainit ito. "Auntie Jade may sakit si Sander." tawag ko sa Auntie ko. "Ano?" Bulalas naman ni Auntie Jade. Tiningnan niya ang anak niya at kinarga. "May sakit nga ang baby Sander ko." Malungkot na boses ni Auntie Jade. Sabay tinawag ang isa pa niyang anak na si Selena. "Selena! Selena! Lumapit ka nga ritong bata ka!" Umpisa na ng mala armalite na bunganga ni Auntie Jade. "Yung kapatid mo may sakit! Ano bang pinaggagawa niyong mga tuta sa labas kanina?!" "Po? Wala naman po naglaro lang kami sa playground." Mahinahon na sinabi ni Selena. Umalis na ako roon at pumunta sa may kusina para uminom ng tubig. Nadatnan ko naman na naroon ang asawa ni ate Kareen at si Leo. May kausap siya sa cellphone. Seryoso ang kanyang mukha. Kasali siya sa patrol team tungkol kaya ito sa kumpulan kanina ng mga patrols? Ano kaya iyon? Kaya inusisa ko siya matapos na ibaba niya ang telepono. "Kuya, sino ang kausap mo?" "Si Raniel." Sagot niya. Si kuya Leo ay isang leader ng Delta group at ang kanang kamay niya ay si Raniel. Magandang lalaki rin 'yong si Raniel. Sa totoo lang siya ang first crush ko noong tuta pa ako. O 'di ba? Nakikitaan na ako ng pagiging bading? Tuta pa lang may crush na. Siya kasi ang babysitter ko paminsan. "Ano'ng meron? Bakit nagkukumpulan ang patrols sa may labas?" "Ah ayon ba? Isang meeting 'yon para sa Miss Golden Tail Cup. Nagbobotohan sila kung sino ang ipanglalaban nila." "Ah... Okay." Sagot ko. Akala ko naman kung ano? Ako kaya ang ipanglaban niyo mas sexy ako sa mga she-wolf na 'yan! Charot! "Sige labas na ako." Tinapik ako ni kuya Leo. Bakit kaya kailangan magkumpulan pa para pagbotohan kung sino ang gusto nilang ipanglaban? Hay nako ewan ko sa kanila. Napaka big deal ang muse ng para sa Golden Tail Cup. Umakyat na ako sa kuwarto ko. Hiniga ko ang katawan ko sa malambot kong kama. Kinuha ko ang hotdog kong unan at tinanday ito. Sinariwa ko ang moment namin ni Zid. Oh my gulay! Kinikilig talaga ako! Napansin ko na bumibigat na ang aking mga mata hanggang sa ako'y makatulog. NAGISING ako nang madaling araw. May dumidila-dila sa aking mga pisngi. Iniwas-iwas ko pa ang ulo ko at bahagyang nakapikit pa rin ang mga mata, nang huminto ito... Laking gulat ko sa aking nakita. Nagtaka ako kung paano siya nakapasok sa aking kuwarto? Napabalikwas ako ng tayo sa aking kama. Tumalon naman kaagad siya sa may kabilang gilid ng kama ko. Nako mali 'to! Maling mali! "Bakit ka narito?!" Tinaasan ko siya ng aking boses sa aking tanong. This is bad. Sana walang mangyaring hindi maganda. "Ano'ng ginagawa mo sa kuwarto ko?!" Tinuro ko siya at sinigawan. Hindi siya dapat narito at saka paano niya napasok ang aking silid? Sa harapan ko nag anyong tao siya. Kitang-kita ko ang hubad niyang katawan. Napakaganda nito at tingin ko kapag sumali siya sa model search ng Victoria's Secret model ay mapipili siya. Nakatingin lang siya sa akin. Then her resting b***h face shows. My eyes darkened. "Leila, get out in my room!" I demanded. Lumapit ang kanyang hubu't hubad na katawan niya at kitang-kita ko ang kanyang hiyas! Gusto ko mag-face palm sa harapan niya. Dahil alam mo naman hindi ko trip ang ganyan. Alam niyo naman ang gusto ko. Nagtikhom-bibig lang ako. Gusto kong masuka sa nakikita ko ngayon. No offense sa mga merlat, okay? Nang makarating siya sa aking gawi, ipinalupot niya ang kanyang braso sa aking leeg. Dahil sa matangkad ako nakatingkayad siya. Binulungan niya ako. "I want you to mate with me." Gamit ang kanyang mahinhin na boses, napalunok ako. Hindi ko talaga kinakaya ito. Gusto kong kumawala sa bisig niya kaso inaalala ko na masasaktan ko ang damdamin niya. Hindi naman ako masama kahit na isa akong bakla. Inaalala ko pa rin ang mararamdaman ni Leila kapag ginawa ko iyon. Kaya naman, kailangan kong makaisip ng paraan para hindi halata na ayaw kong gawin ito sa kanya. Kaderder Eiw! "Malcolm, touch me. Please touch me do everything what you want to amuse and satisfies you." She said in a very nice tone of voice. Her scents... Her scents... Yuck! Halos maduwal talaga ako. Ayaw ko talaga ang amoy ng mga she-wolf. "Leila... Ano kasi..." Hindi ako makapagsalita at pinagpapawisan ng malamig ang human form ko. Damn! This is really frustrating! Ano ang sasabihin ko? Hindi ko naman pu-puwedeng sabihin na bading ako. Lalong hindi ko puwedeng saktan ang imprinted she-wolf mate ko. Mapapatay ako ni father-earth. Bakit ba kasi naimbento ang imprinted sa amin? Mga kalokohan! Dapat ang mga katulad namin ay malayang makapili ng mga mate nila. Katulad na lang ng umuusbong na pagmamahalan namin ni Zidane. "Please Malcolm." Pagsusumamo ni Leila sa akin. Ang kanyang hazel na mata ay halos mabalutan na ng luha. "Leila, hindi pa ako ang Alpha. Maghintay na lang tayo, kapag ako na ang humalili sa aking ama." Dahilan ko. Sana mag-work! "I love you. My Alpha-mate." Sabi niya sa akin. What the fvck! Ano'ng ire-response ko? What the freaking sh!t! Gusto ko nang mahimatay. Kung puwede lang umarte kanina ko pa ginawa. Paano ba 'to? Basang- basa na ang kili-kili ko ng pawis. Nakaloloka talaga! Paano ko ba malulusutan 'tong kalokohan na 'to? "Alam mo, kailangan mo nang magbihis." "Bakit Malcolm? Ayaw mo ba sa akin?" "Hindi sa ganoon, Leila. You are my she-wolf mate. Pero hindi pa kasi ito ang tamang panahon." Huminga ako ng malalim, hinilamos ko ang mukha ko gamit ang aking mga palad at naupo ako sa sofa sa gilid ng kama ko. Nang maupo ako, halos mag-freak out naman ako sa sumunod niyang ginawa. Umupo siya sa aking lap. Mudda fvcker! Naka-boxer's shorts lang ako! Wala akong nagawa kung hindi mapalunok ng aking laway. Dahil damang-dama ko ang kanyang basa at mainit na hiyas. Ginalaw-galaw niya pa ito at pilit na pinapatigas ang akin. Pero sorry hindi 'yan titigas. "Hindi ka ba nagagandahan sa akin?" Huminga naman ako ng malalim bago ako magsalita, "maganda ka Leila." I brushed her soft hair. "Pero hindi pa ngayon ang time. Hindi pa ngayon ang tamang panahon, may mga bagay na dapat i-prioritize." Our eyes magnet with her beautiful hazel eyes. I gave her a convincing look. Maniwala ka na please! Tumayo siya at nagpalit muli ng anyong lobo. Deep inside, I'm saying to myself, that was close! That was fvcking close! Sa pagiging anyong lobo niya, umangil siya at ipinakita niya ang kanyang puting matatalas na ngipin at kinausap ako ni Leila sa aking isipan. "Run with me." Makahahalata siya kung hindi ko siya sundin, ang pagmamahal ko kay Zid ay totoo. Kaso nako-confuse ako talaga sa nararamdaman ko ngayon. Naguguluhan ako pero super na-aattract talaga ako kay Zid. Ang very wrong sa lahat kailangan ako ng pack at si Leila. Nagpalit anyo ako. I growl with authority. Matapos kong gawin iyon, dumaan kami sa bintana ng aking kuwarto at ilang segundo lang nasa gubat na kami. Tumakbo kami ng napakabilis. Kapag nag-aanyong lobo ako; ang sarap sa pakiramdam. Napakagaan, napakabanayad at malaya All my life, I'm running. Napagtanto ko ang sinabi ni Zid at ang mga kuwento niya noong nasa America pa siya, na-inspire ako sa mga ikinuwento niya sa akin. I want to make a difference if I will become the new Alpha of this pack. I know that I can be a good Alpha of the Blood Moon Pack. Hindi namin napansin ni Leila na malayo-layo na pala ang aming natatakbo. Naka-amoy ako ng ibang amoy parang amoy ng isang dayuhan na hindi taga rito sa bayan. Napahinto kami ni Leila dahil hindi na pala ito ang lugar na nasasakupan namin. Nasa boundary na kami ng kabilang pack ang 'Nightshade.' Paano namin nalaman? Siyempre mga taong lobo kami, nilalagyan namin ng mga bakas namin ang mga teritoryo namin. At ang bakas na 'yon ay ihi. Masagwa ba? Kaugalian na namin iyon. "We should get back." Sabi ko kay Leila. "No, hindi pa naaalog ang utak ko. Dahil hindi ko pa rin alam kung bakit ni-re-reject mo ako." Pagmamatigas ni Leila. Nainis ako sa sinabi niya. Dahil kaligtasan namin ang inaalala ko at ng buong pack namin. I growl at her showing my furious fangs. "Kailangan na natin bumalik!" She growled back. "I don't care if this place is unsafe. I want to keep running. I'm so depress, Malcolm." Langya ang arte nitong poison na 'to. Hay! Kaloka! Napahinto kami sa pagtatalo namin nang may maamoy nanaman kami ng kakaiba. A warning scent from another werewolf's pack. Malakas ang kanyang aurang pinapalabas. Nakarinig kami ng pagbali-bali ng mga sangang nakakalat sa ibaba at paghawi ng mga bushes. Nagpakita sa amin sa kabilang border ang isang malaking itim na werewolf na may hazel blue na mga mata, sumunod ang isang gray na werewolf na may Emerald green na mga mata. Umangil sila sa amin at ipinakita ang matatalim nilang mga ngipin. Kung hindi ako nagkakamali sila sina Reeva at Harvic. Nakikita ko lang sila sa Budd's Place isang inuman sa Iris City. Nakita ko lang sila sa labas ng bar na nagtatalo noong panahon na 'yon. Alam ko mag-asawa sila. "Hey kids! You shouldn't be here." Sabi sa amin ng gray na werewolf na si Reeva. "Pasensya na po. Hindi naman po kami tumawid. Wala kaming intension, sa totoo lang babalik na kami," sabi ko. Malakas na umangil ang itim na lobo na si Harvic kay Leila dahil kamuntikan na lumagpas ang kanyang paws sa borderline. Bahagya namang umatras si Leila. Umangil ako sa kanila. "Ano'ng kaguluhan ito?" Bulalas na tanong ni Zid. Hindi ko siya napansin na nariyan na siya. Parehas kaya kami ng ability? Nakita ko nanaman ang kanyang ubod na puting balahibo. Napakagandang lobo niya talaga. "Hello, beauties bakit kayo narito?" pagbati ni Zid sa amin. "Kilala mo sila?" tanong ni Reeva kay Zid. "Nope. Nagiging friendly lang masama ba?" He growled at Reeva and Harvic. "Anyway, you shouldn't be here, one step across on that line, you both will die." Nakatatakot na banta sa amin ni Zid. "Aalis na kami." Tumalikod na ako. I growled loudly at Leila. Para sumunod na siya sa akin. Ngunit noong patakbo na ako pabalik sa East side ng gubat, Zid private message me in mind. Oh huh may private message kami. Nagulat din ako kasi bihira nga lang ang mga werewolf na gawin ito. Hindi nga ako makapagreply. Alam ko na para sa akin lang ang minsahe na 'yon dahil kakaibang aura ang naramdaman ko. "I will see you later at budd's place after class." He's inviting me on a date! Ay-yay-yay! Bumilis ang t***k ng puso ko roon! O s**t! Baka ano mang oras mag-human form ako at magta-tumbling bigla. Gusto kong sumigaw! Pigilan mo ang sarili mong umalulong Malcolm! Kung hindi patay tayo sa ibang pack baka magkagiyera bigla! Pigilan mo! Umalis na kami ni Leila sa lugar at mabilis na tumakbo pabalik. Hindi ko na siya pinagsabihan sa nangyari dahil parehas naman kaming may mali at bawal talaga ang pumunta sa lugar na 'yon kasi boundery 'yon ng pack namin at sa Nightshade. Nagbihis na ako ng uniporme ko papasok ng school. Binubisinahan na ako ni mama dahil ihahatid niya ako papasok. "Ba't ba ang kupad mo!" Bulyaw sa akin ni mama at natawa naman si Selene na nasa back seat idadaan siya ni mama sa school niya, on the way naman kasi. I put my seat belt on at nagsalita. "Tara na!" Hindi ko na pinansin sila kasi gugulo lang kapag nakipagdebatehan ka, mga she-wolf 'yan wala kang laban kapag nagsalita ang mga 'yan. Pinaharurot na ni mama ang kotse. Nakarating agad kami sa school ni Selena. Nagkukumahog na bumaba si Selena ng kotse at naiwan pa ang lunch box niya. "Lunch box mo!" Sigaw ko sa kanya at inihabol ko agad ito. "Thank you kuya. Bye po Auntie." Pagpapaalam niya sa amin. "Mama, may project pala ako mamaya malalate akong umuwi." Wth! Lame excuses. So high school! "Okay umuwi ka agad kapag natapos kayo. Alam mo naman ang panganib sa mga katulad natin. Okay?" Pagpapaalala ni Mama. Ang sinasabi niya ang iba pang pack na nakapalibot sa Iris City. Nariyan kasi ang Nightshade ang pack nila Zid, ang pack nila Mama na Eclipse, ang laging nakasusungkit ng Golden Tail trophy ang Moon Rain Pack. Ang Moon Rain ay isa rin sa mga kalaban namin. "Okay po." Ilang minuto lang na biyahe nasa bayan na kami at magkakatabi na ang mga establishments dito. Nakita ko rin ang Budd's place at diyan kami mag-date ni Zid mamaya. Kinikilig ako. Nakarating na kami ng school ko. Ang ngiti sa aking mga labi ay hindi mawala. Basta masaya ako ngayong araw na 'to. Sinalubong naman ako nila Leila at George. "Ay taray! Fresh ni kuya. Pero may naaamoy ako sa malayo pa lang. Are you wearing perfume?" Pagtatalumpating tanong ni George. Sarap talagang sabunutan nitong baklang aso na 'to! "Bakit may angal ka?" "Waley! Bango mo nga e!" Ang pangasar niyang mga titig ay ibinida niya sa akin. "Huwag mo ngang asarin ang babe ko!" Pagsaway ni Leila sa kaibigan niya. "Ashu! May naamoy akong dalawa sa inyo! Mga itsusera kayo!" Pang-aasar nanaman ni baklang aso na George. Tingin ko nai-kuwento na ni Leila sa kaibigan niya ang nangyari kanina. Nanatili akong tahimik dahil baka malaman nila na may date kami ni Zid mamaya. Heto kasing si George napaka tsismosa. Kaya big no no no way! Ang mag kwuento sa baklang aso na ‘to. "Papasok na nga ako." Sabi ko sa kanila. "Ba't ba ang sungit niyang jowa mo? Nakakainis!" George mumbled and I hear that clearly. I have wolf ears. "Hayaan mo na." Sabi ni Leila sa kaibigan at nagpatuloy siya. "Bye babe." Kumaway ako pabalik sa kanila na nakatalikod sa kanila. Ang sarap talaga ng feeling! Gusto ko nang pabilisin ang oras para magkikita na kami mamaya ni Zidane Brooksmere..
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD