MALCOLM'S POV
NILARO- laro ko ang ballpen ko, pinaiikot- ikot ko ito sa pagitan ng mga daliri ko at nakatingin sa wall clock ng klase. Gusto ko na talaga matapos ang klase ko. Nagsalong- baba ako at tumitig muli sa orasan. This is freaking boring! Damn it!
Sabik na talaga ako sa date namin ni Zid. Pagkadinig ko ng bell, nag- mala 'The Flash' akong umalis sa classroom. Siyempre hindi ko puwedeng gamitin ang kapangyarihan ko. Takbong tao pa rin ang lola niyo.
Tumakbo ako sa pasilyo hanggang makarating sa labas ng school.
Nadaanan ko pa ang classroom nila Leila at George pero hindi na nila ako napansin dahil tinago ko ang prisensiya at amoy ko. Excited na talaga ako! Nagpatuloy akong tumakbo hanggang sa makarating ako sa meeting place namin ni Zid.
Ang 'Budd's Place.' Isa itong 80's bar theme. Sa loob, ang cozy ng ambiance. Naroon may jukebox na puwedeng hulugan ng bariya. At ang ayos ng loob ay diner's type na para kang nasa America. Sa may bandang kaliwa mayroong stage at mga instruments sa may bandang kanan naroon ang bar at nakatayo si mang Budd na may ari at nagse-serve ng alak sa mga umiinom ng mga panahon na 'yon.
Naglakad ako padiretso at naroon ang hagdanan papuntang basement. Naamoy ko na si Zid, kaya bumaba ako. Nakita ko siya kasama ang mga canines pack niya. Naroon din sina Harvic at Reeva ang iba ay hindi ko kilala. Kinabahan ako kasi halos lahat ng narito ay mga Nightshade pack. What the pack!
Tiningnan nila ako lahat ng masama. Ang mga mata nila ay nasa aking lahat. Weh? Heto na ang diyosa. Abala naman si Zid sa paglalaro ng billiards. Alam ko napansin niya na ako kasi may kung ano'ng ngiti sa kanyang mga labi habang sinusubukang asintahin at i-shoot ang bola. Kalaro niya si Harvic na naghahantay ng kanyang turn sa may gilid. Nakaakbay naman si Reeva sa kanya habang nakaupo ito sa bar stool.
"I'm glad you came!" Masayang bati niya sa akin.
Matipid ko siyang nginitian. Dahil hello? Nakakikilabot! Baka mabalatan ako ng buhay dito ng wala sa oras, halos lahat nang narito ay mga Nightshade pack. Kakaiba talaga ang ambiamce rito. Loko talaga itong si Zid, mag-iimbita tapos narito lahat ng pack niya. Pasaway!
"Sige kayo na maglaro! Alis na kami ng bago kong buddy." Sabi ni Zid kina Harvic at Reeva. Tinapon ang tako sa may mesa.
Tumingin naman ng masama si Harvic at nag-hiss pa ito. Ahas? Ahas? Lobo ka dude! Si Harvic ay may mahabang buhok lagpas balikat at naka pony-tail ito, malaking lalaki siya at maraming tattoo sa braso. Si Reeva naman ay sexy na she- wolf na may long ash-blonde hair. Mukha silang mga foreigner kapag naka- human form.
"Hey paps, don't be like that. Alam mo naman na friendly ako." Nakangiti niyang sinabi kay Harvic.
"He's our enemy!" Si Harvic ang nagsalita.
“He’s from Blood Moon Pack,” sabi ng isa pang ka- wolf pack ni Zid na mahaba ang buhok. Pero naka undercut ito ang naka semi- sided swept bangs.
Another eye darkened from their pack. Lumapit pa sa siya sa akin. Tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa. “I hate the smell of your perfume.” sabi ng sexy na babaeng chinita na lobo.
“Abby, relax.” hinawakan ni Zid ang balikat ng chinita na babae.
Papunta rin sa akin ang isang lobo sa gawi ko pero hinarang ni Zid ang kaliwang braso niya. “Han, leave him to me,” banta nito sa mahabang buhok na si Han.
"Wala kayong magagawa, we are in the human world. Huwag tayo manggulo, kung hindi damay-damay tayo rito." Sabi ni Zid sa kanilang lahat.
"Siguraduhin mo 'yang pinaggagawa mo Zid, pasalamat ka hindi kami rito mga sumbungero't sumbungera kay Alpha." Si master Zues ang tinutukoy ni Harvic. Ang alpha ng Nightshade. Ang tatay ni Zid na magiging biyenan ko. Charot!
"Kaya nga pinapunta ko siya rito kasi alam ko maamo kayong mga pups sa human world." Humalakhak si Zid. Inaasar niya ang mga kasama niya.
"Let's get out of here." Bulong niya sa akin at nakaakbay pa siya sa akin. Oh my fafa wolfie! Nangusap pa ang mga mata niya at tiningnan ako ng nakalolokong tingin.
Naglakad na kami palayo sa kanila. At nakaakbay pa rin sa akin si Zid. Halos magwala ang puso ko. Nang makalabas kami ng Budd's Place, halos atakihin ako sa puso sa loob. Nang makalabas kami, inambaan ko ng suntok si Zid sa sobrang inis pero hindi ko ito nagawa dahil nananaliti siyang kalmado at nakangiti lang sa akin.
“Saan ba tayo pupunta?” He grinned at me. "Gusto ko sa lugar na tayo lang dalawa." May kung ano'ng kislap pa sa kanyang mga mata nang sinabi niya ito.
Napalitan naman ng tuwa ang nararamdaman kong pagkainis sa kanya kanina. Woah! I'm not ready yet Zid! I'm not! Echos! Ano 'yan? Mukha mo Malcolm! Porterhouse Steak na ang lumalapit tatanggi ka pa? Baliw ka.
"E... Saan naman?" tanong ko.
"Basta at alam ko masisiyahan ka." Sabay niyang hinawakan ang kamay ko at tumakbo kami pagawing hilaga ng bayan.
I am floating in the air... Habang magkahawak- kamay kami ni Zid tumatakbo. Hindi ko na pinapansin ang daraanan ko o may makakita sa aming ibang tao. Basta kasama ko siya ngayon. Taray ba? Mala telenovela.
Nakarating kami sa isang kainan, hindi basta- bastang kainan ito. Isa itong fine dining restaurant na bar din ito. Tinatawag itong 'The Tower' kasi hanggang 30th floor ito. Overlooking ito at kita mo ang buong Iris City at ang gubat na nakapaligid nito. Siyempre hindi mo kita ang komunidad namin dahil nababalutan ito ng isang may salamangka na barrier para hindi makita ng mga tao na gustong pumatay sa amin. Ito ang regalo ng mga elders namin ng ilang daang taon na para itago ang mga uri namin.
"Woah! Nagpa-book ka rito?" manghang tanong ko.
"Oo naman. Tara pasok na tayo," paaniyaya niya.
Sumakay kaming dalawa sa elevator at pinindot niya na ang 30th floor. Pinagpapawisan ng malamig ang human form ko. Habang sa baba ang mga kamay namin, hinahaplos naman ng index finger niya ang likurang palad ko. Ganito pa lang ang ginagawa niya na-aarouse na ako. Nang sumarado ang pinto ng elevator; sabay niya akong sinunggaban.
Nilapat niya ang likuran ng katawan ko sa dingding ng elevator at ako'y hinalikan niya. His lips are so hot! He kissed me as he owned them, it was hot, it was sizzling and we were breathless. I responded back to his unexpected kiss. Nang tumunog ang elevator mabilis kaming kumalas sa isa't isa.
Nginitian niya ako at nagsalita sa isipan ko. "That was intense! Ha, ha, ha!" His inner voice still lingers inside my mind. Aba! Sobrang saya talaga ng puso ko. Sa totoo lang, I want more!
That was nerve wrecking! Hindi ako makapaniwala na nakahalikan ko na siya! Ang bilis ng mga pangyayari at nagugustuhan ko 'yon. Napangiti ako habang nakasunod sa kanya sa likuran. Lumabas na kasi kami at isang magarang fine dining restaurant. Nakahihiya ang suot namin parehas kaming naka- uniform pa.
"This way sir." Tinuro sa amin ang daan ng isang maître d'.
Lumabas kami at doon kami naupo. Ang sweet niya! Nakakikilig siya. "Hindi mo ito pinaghandaan ano?" Biniro ko siya at nginitian.
Ngumiti siya pabalik sa akin. "Hindi masyado." He grinned.
Umupo na kami sa aming lamesa na magkaharap. Marami siyang in-order para sa amin. Well, malalaki ang appetite naming mga werewolves. Kaya kong kumain ng isang bandehadong kanin sa isang upuan lang. Kaya lang, I'm on a date, at kailangan ko maging dalagang Filipina. Ha, ha, ha.
"Masarap ang steak nila rito 'di ba?"
Tumango lang ako at sige pa rin ang kain ko. Langya gutom lang? "Pero mas masarap ang mga steak sa America. Gusto kong pumunta tayo roon nang tayong dalawa lang."
Natigilan ako sa kanyang sinabi kaya dineretso ko na siya. "Diretsong tanong. Is this your way of hitting your prospect?"
Natawa siya. "Grabe ka! Prospect talaga? Hindi ba puwedeng sa taong interested ako at sa wolf na-aattract ako?" Binigyan niya ako ng kanyang nakatutunaw na ngiti.
All right! It is getting hot in here. My goodness! Siguro kung titingnan ko ang sarili ko sa salamin, ang pula ko na. Nagbabang tingin ako at tinitigan ko ang plato ko na may lamang nangangalahating steak. Siyempre para hindi niya mahalata na kinikilig ako. Sinubukan ko magsalita para cool lang ang dating.
"You're such a flirt."
"I am, indeed." Tumaas ang isang kilay niya. Uminom siya ng red wine sa goblet at nagpatuloy magsalita. "So, Malcolm can you tell me about yourself?"
"Interview?" I asked in sarcasm.
Natawa naman siya. "Di ba sinabi ko gusto kitang makilala ng lubusan."
"Okay, shoot your question."
"Virgin ka pa ba?"
Tumaas ang kilay ko sa tanong niya at tiningnan ko ng tuwid ang kanyang pale charcoal eyes. "Not anymore."
"Wow! Really?" gulat niyang tanong.
"Oo," sagot ko
"Can you tell me when it that happened? But it's all right kung ayaw mo i-kuwento."
"When I was on my new human form, meron akong babysitter noon at siya ang nagturo sa akin. Tuta pa lang ako, nakikitaan na ako ng pagiging..." I cleared my throat and continued, “malambot.” Natawa ako sa reaction ng mukha niya. He gives an owlish look. Gulat si kuya sa akin.
"Paano mo pala nalaman na ano ako... I mean I'm gay as well?" tanong ko at nahiya pa ako.
Ngumiti siya sa akin. "I am enthralled by your scent and I find it so captivating. I can sense that you are very interesting, innocent on the outside but has this great power deep inside. I know you will become a great leader. A great Alpha of your pack." Natawa ako sa sagot niya.
“Pang Miss Universe ba dapat ang sagot?” pang- aasar ko sa kanya habang naghihiwa ako ng steak sa plato.
“All I want to say is that I am so interested in you, Malc,” sabi niya sa akin.
Hindi ako naka- imik sa sinabi niya sa akin. Sobrang saya sa puso ang nararamdaman ko at sobrang kumportable ako kay Zid.
"O bakit ka nahihiya? Dapat ako nga itong nahihiya kasi ang daldal ko. Uhm... Puwedeng magtanong ulit?"
"Ano 'yon?"
"Ayos lang ba kung ikaw ang maging mate ko?"
What the fvck! Nabitiwan ko ang tinidor na hawak ko.
Totoo ba ito? Totoo bang niyaya ako, I mean nag- propose sa akin si Zidane Brooksmere ng Nightshade pack? Ang aming rival pack? Diyos ng mga taong lobo! Kung nakikinig ka, isang pinakamalupit na thank you sa 'yo!
"And when I say I want it. I always get it. So can we be mate?"
"Ye... Yes."
Pagkasabi ko, pumunta siya sa gawi ko at binigyan muli ako ng isang halik. It is just a light peck. "Let's meet tonight at the borderlines of our pack."
"Sige i-try ko."
"A... Don't try. Do it!" He said in a very cute tone. Ay ang cute niya. Ang guwapo ng mate ko! Bakit parang hindi ako nakapagisip sa part na 'yon? Sabay na lang akong sumagot ng OO? What the fvck! Paano na ang mga pack namin kapag nalaman nila ang tungkol sa amin ni Zid? Ang tanga mo Malcolm, ang tanga- tanga mo! Gusto ko tuloy i-untog ang ulo ko sa pader. Nakaloloka ang mga pangyayari.
"Ano 'to Zid? Telenovela? Paano pala ang mga pack natin?"
"Sh..." He hushes me and caresses my lips. "Are you a little pretty liar?"
"I'm hell pretty but not a liar," sagot ko.
"I know, that's why I'm fvcking attracted to you. You're such a beauty."
"Fvck you!" I sweetly cursed him.
"Let's do it tonight and keep it our pretty secret." Sabay niya akong kinindatan.
Hindi pa rin ako makapaniwala sa lahat ng mga nangyayari. Pero parang may mali? Dapat ba akong magduda? Rival pack namin si Zid bakit ganito lang kabilis ang lahat? Nagtatalo ngayon ang puso ko, pag-ibig ba o para sa mga ka-Pack ko?